EPILOGUE

133K 2.1K 246
  • Dedicated kay YMs Readers..
                                    

EPILOGUE

Sabrina Briones

"Weee..." Tuwang tuwa si Kyle habang pinapaliguan nila ni Michael si Misha, inaayos ko naman yung mga gagamitin ni Misha.

"Daddy, totoo ba yung sinabi ni Yaya sa akin? Sabi niya dapat daw bago ka gumawa ng isang bagay pag isipan mo ng 100 times? Bakit naman gano'n kadami Daddy? Edi bago ko pa magawa yung isang bagay pagod na yung isip ko sa kaiisip ng isang bagay sa loob ng 100 times!" Reklamo ni Kyle, narinig kong natawa si Michael kay Kyle. Five years old na ngayon ang panganay ko at masasabi kong habang tumatagal mas lalong dumadami yung mga tanong niya. Parang mas lalo siyang nacu-curious. Masyadong malawak na agad yung pag iisip niya, tama nga sila mom iba na mag isip ang mga bata ngayon.

"Hindi gano'n anak. Siguro may point naman si Yaya mo, pero tandaan mo. Hindi lahat ng bagay kailangang pag isipan ng 100 times. Dapat ang isang bagay pinag iisipan mong mabuti kung tama ba ito bago mo gawin. Hindi yung 100 times mo nga siyang pinag isipan pero hindi mo naman naisip kung tama ba ito o mali." Paliwanag ni Michael, aba gumaganon na ngayon ang asawa ko? Napapangiti ako sa pag uusap nilang dalawa.

"Daddy..." Biglang bumulong si Kyle pero rinig ko pa rin yung bulong niya kasi nakabukas ang pinto ng CR.

"Ano 'yon anak?"

"May crush ako sa school. Kaya lang lumipat na siya ng ibang school eh, pero malay mo daddy paglaki namin magkita ulit kami! Popormahan ko na yo'n!" Biglang sigaw ni Kyle, tawa naman ng tawa si Michael! Kinder na kasi si Kyle ngayon.

Mabilis akong pumunta sa cr.

"Oy, oy anong crush crush? Ke bata bata mo pa Kyle ha." Suway ko, biglang tumayo si Kyle at sumaludo sa akin.

"Yes Love! Pero sabi ni daddy ang crush ay paghanga! Which means hindi mahal!" Nanlaki ang mata ko!

"Mahal mahal ka diyan! Limang taon ka pa lang!" Sigaw ko pero hindi naman pagalit.

"H'wag kang mag alala mommy! Hangga't hindi ko pa ulit nakikita yung crush ko, hindi ko pa siya mamahalin! Pag nagkita na kami! Saka ko siya kakantahan ng ~~my eyes adored you, though I never laid a hand on you, my eyes adored you." Mas lalong nanlaki ang mata ko dahil pilit niya pa talagang ginagaya ang boses ng daddy niya. Si Michael naman tuwang tuwa! Binato ko siya nung shampoo na nakuha ko sa may sink.

"Tuwang tuwa ka pa! Kung ano yung nakikita sayo nung bata ginagaya din niya! Sinasabi ko sayo Michael ha! Ang bata bata pa ni Kyle! Bilisan niyo diyan nalalamigan na si Misha!" Sigaw ko, pero hindi tumigil pagtawa si Michael kay Kyle. Lumabas na ako ng cr.

Hindi naman sa ayokong ginagaya ni Kyle ang Daddy niya, kaya lang may mga bagay kasi na hindi niya dapat gayahin, ang bata bata pa niya at kahit na sabihin pa na matagal pa ang pagbibinata ni Kyle hindi ko maiwasang hindi kabahan, dahil ayokong maranasan niya yung mga nangyari sa amin noon ni Michael.

Maya maya lang ay lumabas na sila sa cr. Buhat ni Michael si Misha at kinakausap pa 'to.

"Ang ganda ganda talaga ng prinsesa ko, manang mana sa mahal na reyna." Nakita ko namang ngiting ngiti si Kyle habang pinapanood ang daddy niya, napatingin sa akin si Kyle at lumapit sa akin. Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama, laking gulat ko nang biglang hawakan ng anak ko ang kamay ko.

"Pero walang tatalo sa pinaka maganda sa lahat! Hindi ba ikaw ang mahal na Reyna!" –Nakangiting sabi ni Kyle at nginitian ako, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pambobola ng anak ko, naku naman ang daming mamanahin kay Michael yun pa.

"Sus, nakita mo na naman yan sa Daddy mo noh!" Sigaw ko saka binuhat si Kyle at hiniga sa kama sabay kiniliti sa tiyan.

"Huwaa! Hahahaha! Mo—mommy! Hahaha! Love!"

Young MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon