Chapter 4

135K 1.6K 52
                                    

Chapter 4

Sabrina Briones

Pareho kaming napatigil ni Michael at rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Nanatili sa ibabaw ko si Michael habang pareho naming pinapakiramdaman kung may magbubukas ba ng pinto ng kwarto ko.

"Tulog si Ate." Napahinga ako ng malalim nang marinig ko ang boses ni Shane.

"Oh, bakit nandito ka? Diba may pasok ka? Nagmadali akong umuwi dahil tumawag sa akin si Manang, umiiyak daw ang Ate mo. May alam ka ba dito?" Muling bumalik ang kaba ko dahil narinig ko ang nag aalalang boses ni Mama.

"Yeah, don't worry about it ma, nakausap ko na si Ate. She's okay, nagpapahinga na siya." Seryosong sabi ni Shane na mas lalong nagpapanatag sa akin.

"Alright. I brought some food, kumain ka doon sa baba." Ani mama at ilang sandali pa ay narinig ko ang yapak nito palayo sa kwarto ko. Samantalang maya-maya lang ay may kumatok, hinila ko ang isang kumot at itinapi ko iyon sa akin. Marahan kong binuksan ang pintuan at sumikip lang ako doon.

Nanindig ang balahibo ko sa malamig na pagtitig na ibinibigay sa akin ni Shane ngayon.

"Ayusin mo ang sarili mo. Pauwiin mo na siya hangga't hindi pa lumalabas si mommy. Mag uusap tayo." Pagmamatigas niya at saka tumalikod na.

Nasabunutan ko ang sarili ko dahil sa katangahan ko. Lumapit naman sa akin si Michael at hinaplos niya ang ilang strands ng buhok ko. "I'm sorry." Bulong niya.

"No, no. I mean, hindi lang naman ikaw ang may kasalanan. Pareho tayo, umuwi ka nalang muna, magtutuos pa kami ni Shane." Mahinahong sambit ko, tumango naman siya at sandali pang hinaplos ang likod ko.

Isinuot na niya ang polo shirt niya at lumapit ulit siya sa akin saka hinalikan ang noo ko.

"See you tomorrow, pag usapan natin 'to. Huwag kang mag alala, kaya kitang panindigan." Kita ko sa mga mata niya ang sensiridad, tumango naman ako. Bahagya niya pang pinisil ang kamay ko bago siya lumabas ng kwarto ko, nakita ko pang hinarang siya ni Shane sa may hagdan at para bang may sinabi pa siya kay Michael.

Huminga ako ng malalim at nagpasiyang maligo na bago pa ako tumungo sa garden kung saan ako hinihintay ni Shane.

"Kung hindi ko pa kayo sinundan nahuli na kayo ni Mommy." Sermon ni Shane at talaga namang dama ko ang matinding galit niya.

"What happened to you? Hindi ka naman ganyan dati." Inis na aniya, tumingin ako sa kapatid ko at napailing ako.

"I don't know, Shane." Hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko dahil una sa lahat nawawala na ako sa sarili ko kapag kasama ko na si Michael. Para akong dinadala nito sa ibang dimension.

"Ate, mag isip ka naman. Ano sa tingin mo ang mangyayari kung nagkataon na nahuli kayo ni mommy? Malaking gulo yang pinapasok mo." Bulyaw niya, naihilamos ko ang palad ko sa aking mukha at tinignan siya.

"Please, Shane. Huwag ka ng makisabay sa problema ko pwede ba? At saka kung sigaw sigawan moa ko parang mas matanda ka pa sa akin!" Nagulat ako sa pagtaas ng boses ko at maging siya ay hindi makapaniwala, naningkit ang kanyang mata at halos hindi ko makayanan ang mga sumunod na salitang binitawan niya.

"Really, Ate? You should act your age then." Puno ng panunuya ang boses niya, "Hindi yung kung umasta ka para kang walang isip! Si Shara, gusto niyang maging katulad mo, pero anong ginagawa mo? Ate, nag cutting ako kanina dahil nabalitaan ko ang nangyari sayo sa university, nagmadali akong umuwi because I was so damn worried about you! Pero anong nadatnan ko? Dinig na dinig ko kung paano kayo magharutan ni Michael sa loob ng kwarto mo! Ano sa tingin mo ang iisipin kong ginagawa niyo? Tumbang preso? Hindi na ako bata, Ate at isa pa lalaki din ako katulad ni Michael!"

Young MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon