Chapter 19
Sabrina Briones
Ilang araw na ang lumipas simula nang makausap ko si Michelle. Hindi ako mapakali, gusto kong makita si Michael, gusto ko siyang tulungan. Pero paano ko gagawin 'yon kung may mga nakahawak sa mga leeg namin? Panay ang sulat ko ng pangalan ni Michael sa notebook ko habang nag iisip kung ano bang pwede kong gawin.
"Ms.Briones?!" Natauhan ako nang marinig kong sumigaw ang Professor namin.
"Kanina ka pa tinatawag ni Sir, may problema ba?" Bulong ni Nathan sa tabi ko. Umiling ako bilang sagot.
Tumingin ako sa Professor namin at nakita kong galit na ang mukha niya.
"May naghahanap daw sayo sa lobby!" Pagsusungit ng Prof namin.
Tumingin ako sa pintuan at nandoon ang guard ng school namin.
"Excuse me lang po." Paalam ko sa klase saka lumabas na. Pumayag naman yung Prof namin dahil siguro 15 minutes nalang tapos na rin naman ang klase.
"Sino daw po?" Tanong ko sa guard.
"Hindi ko alam hija eh, babae. Baka Mommy mo?" Napakunot ang noo ko. Bakit naman pupunta si Mommy dito? Saka isa pa kung may sasabihin si mom alam kong magtetext nalang siya sa akin.
Pagkababa ko sa lobby, kinabahan ako. Dahil si Tita Maria ang nasa harapan ko ngayon.
"Tita.." Kabadong bulong ko, ngumiti siya ng mapakla at hinalikan ako sa pisngi.
"May klase ka pa yata, pasensya ka na naistorbo pa kita. Nahihiya kasi akong harapin ang Mommy mo dahil sa nangyari." Nakikita ko sa mata niya na puno ng pag aalala iyon.
"Hindi po Tita, okay lang po. Ako nga po ang dapat mahiya dahil masyado po kaming naging mapusok ni Michael. Sorry po." Paumanhin ko, ngunit umiling lang siya at pinisil ng marahan ang kamay ko.
Niyaya ako ni Tita sa gilid ng school namin kung saan may coffee shop, umupo kami sa may window.
"Kumusta ang pakiramdam mo? Hindi ka ba nahihirapan? Nag aaral ka tapos naglilihi ka."
Sandali akong uminom ng tubig.
"Medyo okay naman po Tita, kaya lang palagi po akong inaantok." Bulong ko, madalas talaga akong antukin lalo na sa klase, two months na rin kasi ang tiyan ko. Narinig ko ang mahinang tawa ni Tita Maria, inabot niya ang mga kamay ko upang hawakan.
"Natural lang yan, hija. Kumakain ka ba ng maayos? Baka masyado mong ini-stress ang sarili mo dahil kay Michael." Natigilan ako, bigla kong naalala ang sitwasyon ni Michael. Tumingin ako sa paligid ng labas ng coffee shop at parang may napansin akong isang lalaking naka-leather jacket, kumaway sa akin yon sabay nginisian ako, bumalot ang matinding kaba sa puso ko.
"Hija?" Natauhan ako nang tawagin ako ni Tita kaya naman mabilis akong lumingon sa kanya.
"Hi-hindi naman po, Tita. I'm okay po, iniinom ko din po lahat ng vitamins na binigay sa akin ng Oby-gyne ko." Tulirong sagot ko.
"Mabuti naman kung gano'n, dumaan ka madalas sa bahay ha? Para maipagluto kita ng gusto mong kainin. Ikumusta mo rin ako sa Mommy mo."
Tumango ako, lumingon ulit ako doon sa labas ngunit wala na yung lalaking nakatayo doon pero nanlaki ang mata ko nang makita ko si Michael na nakasakay sa isang kotse, katabi niya yung matabang lalaking nakita ko sa bar nila noon! Tatayo na sana ako pero mabilis ang pagharurot ng kotseng sinasakyan nila.
"Paano, hija? Mauna na ako ha? Binisita lang talaga kita para kumustahin, if you need anything, please do let me know." Paalala niya sa akin.
"T-thank you po, Tita. Mag iingat po kayo."
BINABASA MO ANG
Young Minds
General FictionSabrina had always believed in the power of love, at the age of eighteen, sigurado na kaagad siya sa nararamdaman niya para kay Michael. Kaya naman when Michael asked him to explore what they feel, hindi na siya nag-dalawang isip pa. They are young...