Chapter 34

79.1K 1K 99
                                    

Chapter 34

Sabrina Briones

"Magiging okay siya do'n, sigurado ako." Parang pamilyar ang boses na yon.

"Pero, ngayon lang siya malalayo sa atin." Boses ng isang babae yon at halata sa boses niya ang pag aalala.

Pilit kong iminulat ang mabigat kong mata, inilibot ko ang paningin ko at nasa isang puting kwarto na ako. Nakita ko ang dectrose sa ulunan ko naka-swero ang kamay ko, nasa ospital ako.

"Sabrina! Hija! Gising ka na!" Si Tita Maria at Tito Akie ang una kong nakita. Napatingin naman ako nang bumukas ang pintuan at mabilis na lumapit sa akin si Mom and Dad.

Pinilit kong umupo pero naramdaman kong mahapdi ang tiyan ko, napatigil ako nang maalala ko ang lahat ng nangyari.

"My..my baby? Anong nangyari sa anak ko?" Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko!

Agad hinawakan ni Mom ang kamay ko.

"Anak, calm down."

"No, no. My baby." Hinila ko ang swero na nakakabit sa kamay ko at tumalsik ang dugo do'n!

"Sabrina..." Pag aalala ni Dad. "Huminahon ka anak."

"No, dad! Paano ako hihinahon kung hindi ko alam kung anong nangyari sa anak ko?" Sigaw ko, lahat sila natigilan dahil sa pag sigaw ko! Lahat sila nakatingin lang sa akin, anong ibig sabihin ng tingin nilang yan? Namatay ba ang anak ko?

"Please, tell me. Anong nangyari sa anak ko?" Halos mabasag ang boses ko sa pagsigaw dahil sa pinipigilan pag iyak.

"Premature siya." Biglang sabi ni Mom at nakita kong umiiyak siya.

Tinignan ko silang lahat at lahat ng mata nila punong puno ng lungkot.

---

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa nakikita ko ngayon, ayokong maniwala na siya yung batang dala dala ko sa loob ng pitong buwan, dahil ramdam na ramdam ko noon kung gaano siya kalakas. Pilit akong tumayo sa wheelchair, muntik na akong matumba pero mabilis akong nasalo ng kapatid kong si Shane.

"Bitawan mo ako." Matigas na sabi ko, gusto kong mahawakan ang kamay ng anak ko.

Napatingin ako sa nakadikit na papel sa incubator.

Baby Kyle Cando

Kusang tumulo ang luha ko ng mahawakan ko ang maliit niyang kamay, nasasaktan ako kapag naririnig ko ang malakas at hirap na paghinga niya.

"Sabrina anak." Bulong ni Mom sa likod ko.

"No, hindi pwede, bakit nangyari sa kanya 'to?" Umiiyak na bulong ko.

Ayaw tumigil ng luha ko. Sana ako nalang yung nasa kalagayan niya! Ano bang ginawa ko para maging ganyan siya?Hindi ko mabilang kung ilang tubo ang nakakabit sa katawan niya para lang mabuhay siya. Hindi ko alam kung ano bang nararamdaman niya pero alam kong nahihirapan siya.

At dahil sa pag iyak ko, napaupo na pala ako sa sahig at niyakap ang dalawang tuhod ko! Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Dad.

"Shh...magiging okay din ang lahat."

"Dad, kasalanan ko 'to eh, hindi dapat siya yung nandiyan."

"No, anak, please stop crying, makakasama sayo yan." Bulong ni Dad at naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko.

"Nahihirapan siya, ako nalang dapat yung nahihirapan ng ganyan hindi siya."

Pilit kong tinutulak si Dad pero sobrang higpit ng yakap niya sa akin!

Young MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon