Chapter 39

105K 1.3K 115
                                    

Chapter 39

Sabrina Briones

"Mom? Dad?" Nakakunot noong tanong ko nang makita kong lahat sila nandito. Pati sila Tita Maria, si Shane, si Michelle, si Shara, si Aira at Nathan pati si Rian!

"Yes! Magsasaya tayo ngayon!" Sigaw ni Rian.

Inilibot ko ang paningin ko at halos manlaki ang mata ko nang makita ko kung nasaan kami.

"Anong ginagawa natin dito sa Pampanga?" Angeles, Pampanga! Private resort nila Tita Maria ito at nakapunta na kami dati dito nung nag 3rd birthday si Kyle.

"Magsasaya nga tayo, love." Bulong ni Michael sa tenga ko sabay ipinulupot niya ang kanang braso niya sa bewang ko. Pakiramdam ko nakuryente ako sa pagkakahawak niya sa akin.

"Yieee..." Pang aasar ni Michelle at Rian, pati si Shara na bunsong kapatid ko nakikiasar na rin.

"Pwede ba bitawan mo ako."

"Nahiya ka pa, asawa mo naman yan." Iritadong sabi ni Shane na talaga namang nagpapataka sa akin.

"Asawa?! Pwede ba Sha—" Pero hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang marinig ko ang tawanan nilang lahat.

Umalis ako sa harapan nilang lahat, itinulak ko yung gate ng villa, tumambad kaagad sa amin ang dalawang swimming pool! Isang pambatang pool na para kay Kyle lang talaga at isa para sa aming matatanda!

Sumunod naman sa akin si Michael at inakbayan niya ako.

"Bakit ba ang sungit mo?" Natatawang tanong niya!

Marahas kong tinanggal ang kamay niya sa pagkakaakbay sa akin at hinarap ko siya. Tinignan ko siya ng masama.

"Seriously? Tinatanong mo talaga sa akin yan? Wow! Umalis ka na parang wala lang! Tapos babalik ka ngayon na parang wala lang din? Ano sa tingin mo ang magiging reaction ko? Gusto mo magpaparty ako? Gusto mo magtatalon ako sa tuwa? Gusto mo—"

"Sabrina." Tawag saakin ni Dad, dahilan para matigilan ako, tinignan ko siya. Naguguluhan pa rin ako kung bakit parang baliwala lang sa kanila ang lahat ng nangyayari.

"What? Dad ano ba? Sinaktan ako nitong lalaking 'to! Nakita mo naman diba kung paano ko iyakan 'tong gago na 'to? Bakit mo ba siya kinakampihan?" Halos mabasag ang boses ko dahil sa pagpigil sa na umiyak. Wala akong pakialam kung kaharap ko ngayon ang mga magulang nitong Michael na 'to! Dahil shit! Pakiramdam ko tinutusok na naman ng milyong milyong karayom ang puso ko kapag nakikita ko siya!

Natahimik naman silang lahat, marahas kong kinamot ang ulo ko dahil sa inis! Tinignan ko naman si Michael, nakatitig lang siya sa mga mata ko!

"WHAT?!!"

"Michael, mag usap na kayo ng maayos." Biglang sabi ni Tito Akie.

Tinignan ko ulit sila.

"Ano 'to?! May hindi ba kayo sinasabi sa akin?"

Nakita kong magsasalita sana si Dad pero umiling lang si Michael sa kanya.

"NAKAKAINIS KAYONG LAHAT!!" Sigaw ko saka naglakad na! Sumunod naman silang lahat sa akin.

Pumasok ako sa loob ng bahay at padabog na umupo sa couch. Busy silang lahat pag aayos ng gamit nila, umupo sa tabi ko si Michael, magkakasunod na malalalim na paghinga ang pinakawalan niya.

"Alam ko, dapat nagpapaliwanag ako sayo ngayon." Bulong niya, tinignan ko siya ng masama pero baliwala lang sa kanya lahat ng tingin na ibinibigay ko sa kanya.

"Pero makikinig ka ba kung sakaling magpaliwanag ako? Tuwing makikita mo nga lang ako sinisigawan mo na ako." Mahinahon pa rin ang boses niya at ako pa ngayon ang may kasalanan?

Young MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon