Forty-second

715 24 1
                                        

"What? Dagupan? Nagpunta kayo sa Dagupan? Jusme Julie Anne ha. Pakalayo naman." Maqui said. Nakauwi na ako sa condo.

"Oo. Ako din naman nagulat ee. Akala ko isa lang sa mga resto dito sa Manila ee di ko naman alam na mas malakas palang gumala yun saakin ee." Sabi ko naman.

"So anong nangyari? saan kayo kumain?" Trish asked.

"Sa Pedrito's." Sabi ko. "Fudge, isa yan sa mga expensive resto sa Dagupan ee. O tapos?" Niks said. "Walang tao. Pinareserve niya yung venue. Prepared siya ako hindi." I said. Bigla namang ngumiti yung tatlo. Aba kinilig yung mga gago!

"What now?" Sabi naman ni Maqui.

"After namin sa Pedrito's, nagpunta kami sa Chinese Garden ng Dagupan. Grabe ang ganda nung place. Meron siyang parang tower na di ko maexplain tapos may letter na nakadikit sa pader niya. Maganda yung style." Sabi ko. Tumaas naman yung kilay nila sign na bitin sila doon sa kwento ko.

"Naglakad lang kami sa dalampasigan ng beach kasi malapit lang doon yung beach as in ilang hakbang nalang beach na. And..."

"And?" The three asked.

"May sinabi siya saakin." I said.

"Ano?"

"He said I love you." Bigla silang natahimik.

"Di ko siya sinagot. Tumango lang ako. Di ko naman alam isasagot ko kasi naguhuluhan pa ako. Baka kasi yun nga nabibigla lang siya sa mga past event na nangyari. Pero bakit ganun guys? Di ako makatitig sa mata niya. Di ako makatingin pag tinitignan niya ako. Bakit di ako makapagsalita pag nag eye-contact na kami?"

"Julie, baka inlove ka na?" Trish said.

"Gaga ka ba Trish? Inlove agad?" Maqui said. "Sorry naman daw." Trish responded.

"Baka naman naguguluhan ka lang Jules? You can't look at him kaso di ka naman makapgsabi ng I love you too and that's good. Kasi ang I Love you too, binibigay sa taong totoong mahal mo." Niks said. "Naguguluhan ka lang talaga Julie Anne yun lang masasabi ko." Niks added.

Baka nga naguguluhan ako. Ang unfair naman kasi ee, si Elmo kaya niyang i express yung sarili niya ako naman hindi kasi naguhuluhan ako. Ang unfair kasi si Elmo baka sure na yung nararamdaman pero ako hindi.

"Julie. Stop thinking, just sleep." Sabi ni Maqui saka na pumasok sa room namin. Tumango naman yung dalawa kaya sumunod narin ako. Naiwan si Niko na nagliligpit ng mga nakakalat na gamit.

Hindi ako pwedeng mainlove. May goals ako. May kailangan akong ma-achieve at natatakot akong baka mahirapan akong mapagsabay yung dalawa. Natatakot akong makasakit at masaktan at lalong natatakot akong mabigo dahil lang sa isang desisyong hindi ko pinag-isipan. I have to decide what to feel as soon as wala pang major events.

Born For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon