Hindi nagreply yung tatlo. Nubayan, looks like I'll spend this night alone.
Nasa garden ako, watching the night sky, connecting the stars and feeling the cold air then suddenly, I've heard a familiar voice. Naku, tawa palang alam ko na kung sino yun.
"Julie!" sigaw niya. "Hey Maq!" sigaw ko din sabay tayo at lapit sa kaniya. "Guess who are with me?" She asked. Oh come on. "As if namang di ko alam kung sino yung mga kasama mo." sabi ko sabay irap. "To naman, di man lang makasakay ng trip. Tse!" Irap din niya. "Oo na, kunwari di ko alam kung sino mga kasama mo." sabi ko. Bigla siyang nabuhayan ng loob at tinawag na sina Niko at Trisha. May dala silang cake and it's my favorite flavor. "Hey guys!" sigaw ko. Kumaway sila at agad na tumakbo papalapit saamin.
"Bakit madrama ka ha?" tanong ni Niks. "Wala naman. Boring lang dito sa bahay. Mommy's busy, so is daddy. Yung mga kapatid ko naman, ayun may mga sariling mundo. I cant even let myself play with them. Di ko na trip yung mga trip nila, and besides, may naalala ako." I said. "Naalala? Ano naman?" tanong ni Trish. "Hindi ano, sino." sabi ko. "Ahh, mukhang kilala ko na kung sino." sabi naman ni Maq. "Sino?!" sigaw nung dalawa. "Si Emam." sabi ko. "Emam? sino yun?" tanong ni Niko. "Siya yung kababata nitong si Hulyeta." sabi naman ni Maq. Tumango ako. "Ahh so Childhood Sweetheart ang Drama?" tanong ni Niko. "Di naman. Grabe. Sweetheart talaga? Diba pwedeng Childhood friend lang?" sabi ko. "Whatevs." sabi naman nila. Nagtawanan kami.
"Tara na nga. Kainin na natin tong cake. Nagugutom na ako." sabi ni Maq. Binatukan ko siya. "Gluton forever!" sigaw ko. "Whatever!" sigaw naman niya. Pumasok kami sa kitchen para kumuha ng mga plates at spoons and forks. "Mam ako na po." sabi ni Ate Joyce. Si ate Joyce ang aming ever so Helpful helper namin. Binigay na namin yung cake at siya na yung nagslice. Nag ayos naman kami ng hapag. "tito, tita, Gley, Aims, may cake na dala si Niko at Trisha!" sigaw ni Maq. Nagsibaba yung dalawang sibs ko.
"wow cake!" sigaw ni Gley. "shh wag kang mangunguna Gley, nakakahiya." Sabi ni Aimee. "Pshhh." sabi naman ni Gley. Nagtawanan kami. Iniabot na ni Gley yung plate niya at nilagyan naman ito ni ate Joyce. Kumain na kami at nagkwentuhan pa ng ilang minuto.
"Jules, kamusta naman yung nireklamo mong irresponsible driver na nakabunggo sayo?" tanong ni Trish.
"Ayun, nagalit pa saakin at nagwalk out pa. Naku gwapo sana ee kaso wala ee, masama ang ugali." sabi ko naman.
"Gwapo? talaga? bakit di mo ako sinama?" tanong ni Maq. "Gaga, sabi mo may family afair ka." sabi ko. "Fine, pero sa susunod, isama moko pag magkikita kayo ha?" sabi ni Maq. "As if namang magkikita pa kami, duuuh? Malaki ang Manila. Malawak ang Pilipinas. Di na kami magkikita nun no?" sabi ko naman. "Whatever! Malay mo bukas magkita ulit kayo diba?" tanong ni Maq. Pshhh. Asa as in A-S-A. We still shared different stories with different topics like relationships, dream weddings, plans for future partners and many more. Di nila namamalayang nakatulog na sila sa Garden. Hayy I'm so lucky to have this people with me. Lord, sana pang matagalan na to. I might not have lovelife but I'm contented with these people. Wag mo sana silang hayaang magsawa saakin at ako sa kanila. And then I closed my Eyes and slept.
BINABASA MO ANG
Born For You
FanfictionMay posibilidad bang ang dating magkababata na nagkahiwalay ay magkita ulit sa isang pambihirang pagkakataon? Tadhana nga ba ito o nagkataon lang? May isa nga bang taong nakalaan para sa isa pa?