Nagising kami kinabukasan. Another ordinary Review Center Day.
Nagising nanaman ng maaga si Maqui at nagluto na. Malamang alam ko kasi pagkagising ko, naka hain na yung mesa at pakiramdam ko ako nalang kulang.
"Bes kinikilabutan na ako sa nangyayari sayo ha? Anong meron? Ha?" tanong ko.
"Wala naman. Bawal na bang magising ng maaga at ipaghain ka ha munting prinsesa?" sabi naman niya.
"Pshhh. Hindi ka naman ganito Maqui ee. Ano ngang meron?" Tanong ko.
"Wala nga Julie. Makulit lang? Suntukin kaya kita para matauhan ka!" sigaw niya at akmang susuntukin na niya ako. Natawa naman ako sa facial expression niya.
*Dingdong*
Wierd. Wala namang nagdo dorbell ng ganito kaaaga ee. Sino naman kaya yan?
"Hoy Jules buksan mo nga yang pinto. May tao oh?" sabi ni Maq.
Agad akong lumapit saka inopen yung door. Pagkabukas na pagkabukas ko, "GOOD MORNINGG!!!" Sigaw nung dalawang tao sa labas at nagmamadaling pumasok. Teka teka, Buffering buffering, sina Niks at Trish pala.
"Para kang nakakita ng multo diyan Julie. Tara na! Kain na tayo! We planned to have a breakfast with you too saka sabay na rin tayong pumasok." sabi ni Trish. Natawa naman ako. Clingy friends indeed. Hahaha.
Natapos ang aming breakfast date at nagsialis na kami papuntang Review Center.
Wala namang ibang nangyari sa Review Center except nung nadulas si Maqui pagpasok sa pinto. Grabe muntanga siya nun. Hahaha.
Napag-isip naming tumambay sa Starbucks na malapit sa Review Center.
"Chocolate Chip Cream sakin Trish sabihin mo." sabi ni Niko. Si Trisha kasi yung nago-order. Nagsabihan na din kami ni Maq ng orders saka na bumalik si Trisha sa place namin.
Ang luwang ng branch na to ng SB kaya wala namang problema yung mga costumers na dumarating dahil paniguradong may mauupuan sila.
"Jules! Look!" sigaw ni Trisha sabay turo sa Door. Pagbukas ay bumungad ang isang lalaki.
"Omaygassh ang gwapo niya!" sigaw naman ni Maqui. Tumatawa lang naman si Niko at ako ay umiiling-iling lang.
"Magsitigil nga kayo! Nakakahiya kaya. Nagmumukha kayong uhaw sa lalaki. Ayy. Onga pala uhaw pala kayo." sabi ko. Agad akong binatukan ni Maqui at Trisha. Oo guys, sabay nila akong binatukan. Twice the force ang drama.
"Aray!" sigaw ko. Napalakas ata kasi nagsilingunan yung iba saamin. Nag peace sign naman ako tanda na nagsosorry ako sa kanila.
"Ang sakit nun ha? Humanda kayong dalawa saakin." bulong kong sabi sa kanila. "Whatevs Julie!" sigaw nila. Tawa parin ng tawa si Niko. Happy siya guys. Hahaha
Nagkwentuhan kami about sa mga kapatid namin. Si Niko lang OP, ee paano ba naman Only child. Kuhang kuha niya lahat ng gusto niya.
"Grabe guys, mahirap kaya pag nagiisang anak ka lang. Kausap mo pader. Grabe ni di ko magawang makausap si Mama kasi busy siya sa Business niya." maktol niya.
"Mas mahirap magkaroon ng kapatid na aso't-pusa kung mag-away. Makakakita ka ng ibat-ibang klaseng bagay na lumilipad. Swear!" sabi naman ni Trish.
"Trueee Trish. I feel you." sabi ko naman.
"Ako, okay lang saakin na may kapatid ako kasi siyempre damayan kami sa hirap at ginhawa no?" sabi naman ni Maqui. Agad namin siyang tinapunan ng crumpled tissue. "Tss. Madrama!" sigaw naming tatlo. Nag whatever-sign lang siya saka kami lahat tumawa.
"Jules, tingin ng tingin sayo si Pogi oh?" sabi ni Maqui.
Lumingon ako sa tinuturo niya. Agad siyang kumindat saakin. Inirapan ko naman siya at nagbalik ng tingin sa kanila. "Ayy mataray ang Lola mo!" sabi ni Niko.
Umirap naman ako sa kanya saka niya ako binatukan. Aba aba, nakakailan na tong mga to ngayong araw ha? National Batok day kay Julie ba ngayon ha?
Chikahan todamax pa ang naganap sa SB saka na naisipang umuwi. After all, 7PM na. Napasarap ang kwentuhan namin.
Nasa may parking lot kami at akmang sasakay na ng biglang may kumalabit saakin.
"Jake." sabi nung lalaki sabay abot ng kamay. Inirapan ko siya saka na sumakay sa kotse ko.
"Ang taray mo talaga ever Julie Anne! Nakikipag kilala na nga yung tao ee." sabi ni Maqui na ngayon ay pinapagalitan ako sa loob ng kotse ko.
"I dont know him so bakit ko siya kakamayan?" Depensa ko.
"Duhh? Kaya nga siya nakikipagkilala diba?"
"Well, I dont have time for him, and I dont have time for all men na nagbabalak manligaw saakin." sabi ko.
"Wow Julie ha? lawak ng pag-iisip. Nakikipagkilala lang Ligaw na agad?"
"Maq. Doon din darating yun no? Makikipagkilaka, kukunin number ko, makikipag textmate, magpapaalam manligaw, sasagutin tapos mambababae siya, ako ang masasawi at masasaktan. Kaya ayaw ko munang Magboyfriend. Sabi ko nga diba? Magpapatayo pa ako ng Bangko bago ako manlalalaki." sabi ko.
"Ewan ko sayo Julie. Sa sobrang pagkatalino mo, ayun nabobo ka na. Agad agad na masasaktan ka Julie? Patawa ka bes." sabi naman niya.
Ganun na kasara yung isip ko sa mga lalaki. Siguro bubuksan ko lang yung puso ko pag nagbukas narin ako ng bangko.
"Sayang ganda mo bes! Kawawa naman yung mga lalaki sayo. Imbes na ikaw ma broken, sila mabrobroken. Kawawa naman sila." Sabi naman ni Maq.
"well, I pity them Maq. Baka naman sabihin mo di ako naaawa. Ayoko namang mang-reject pero kasi nga diba? Yung Bangko muna. Yung top-notch muna bes bago ang Extra-curricular activities." sabi ko naman.
"Bahala ka nga Jules. Pag ikaw nainlove talaga kahit wala ka pang bangkong naipapatayo, tatadtarin kita ng bala." Sabi naman niya. Umirap ako saka agad na tumingin sa dadaanan.
Di ako maiinlove kahit na anong mangyari. Promise Swear!

BINABASA MO ANG
Born For You
FanfictionMay posibilidad bang ang dating magkababata na nagkahiwalay ay magkita ulit sa isang pambihirang pagkakataon? Tadhana nga ba ito o nagkataon lang? May isa nga bang taong nakalaan para sa isa pa?