Lumipas ang mga araw at naging close pa kami kina Niko at Trish. Angdami na naming napupuntahan at kung saan saan kami napapadpad pagkatapos ng madugong Reviewhan sa RC(Review Center). Ngayon nga ay nandito kami sa isang Bar sa Makati. Naku, hindi ako may pakana nito ha? Umayos kayo. Si Niko may pakana nito. Oo rebelde akong tao pero first time ko lang sa bar. Medyo inosente pako.
"Bakit ba tayo andito?!" pasigaw kong tanong. Andaming taong nagsasayawan tapos nakakahilo yung ilaw tapos grabe ang lakas ng music. Really irritating huh?
"Ano ka ba Jules. Ngayon na nga lang tayo magpaparty ee! KJ mo!" sigaw naman ni Maq.
Wala nakong nagawa kundi sumakay sa trip nila.
Si Niko, may mga kasayawan na, ganun din si Trisha. Si Maq naman nasa isang table, may kachikahan. Feeling ko kilala niya. Ako? Heto iniwan nilang tatlo. Kabanas.
Lumabas ako saglit para magpahangin. Grabe, ang ingay parin sa hanggang dito sa labas. Babalik na sana ako sa loob ng biglang...
BOGGSSSHHHHH.
Nasagasaan ako. Masakit ang buong katawan ko, pero tinandaan ko yung plate nung Car. MAY 300 and nag black na ang paligid. I dont know what happened next.
Paggising ko, asa ospital na ako. "Buti naman gising ka na. Naku Julie pinag-alala mo kami." Si Maqui. Napangiti naman ako. Buti naman may pakialam pa saakin tong mga to. Akala ko nakalimutan na nila ako dahil iniwan nila ako sa Bar.
May pumasok na babae wearing a Lab Coat. Baka siya yung doctor.
"Hindi naman gaano kalala yung pagkabangga niya. Nagkapasa lang siya pero walang fracture na naitala. We can discharge her Tomorrow." Tuloy tuloy na sabi niya. Ngumiti naman sina Maqui at tumango. Umalis na agad si Doc at agad nila akong nilapitan.
"Bebe Jules, saan ka ba galing kagabi ha? Iniwan ka lang namin sa may counter tapos nawala ka na. Nalaman nalang naming pinagkakaguluhan ka na." sabi ni Trisha.
"Lumabas ako saglit para magpahangin. Ang ingay kasi sa loob. Teka, dinala ba ako dito nung nakabangga saakin?" tanong ko.
"Hindi ee. Kami ang nagdala sayo dito." sabi naman ni Niko.
Walang hiya yun. Matapos akong banggain pababayaan nalang niya ako?
"Guys, samahan niyoko sa prisinto bukas. Irereport natin siya." sabi ko.
"Seryoso Julie? Wow ha?" sabi ni Niko. Tumango ako.
"Busy ako bukas be ee. Family day namin. Sorry ha?" sabi ni Trisha.
"May lunch date ako kasama si Mama be Jules." sabi naman ni Niko. Alam kong hindi rin pwede si Maqui bukas na kasama ko. Well, I have to do this on my Own.
Curious kayo kung bakit ko siya irereklamo? Ee siyempre, He's not responsible. How'd I Know na lalaki siya? Kasi nakalingon pa ako sa may salamin niya bago ako nawalan ng malay. He must be reported or else madami pa siyang mabibiktima. He's so bullcrap at sobrang kumukulo na dugo ko sa kanya. Because of him, nandito ako ngayon, Because of him, nagkapasa ako.
.....
Dumating ang Kinabukasan. Wow lalim. Haha. Finally ay nadi discharge na ako sa Ospital. Kahit isang gabi lang ako, iritang irita parin ako sa paligid ko. Ewan, di ko talaga feel ang Hospital kaya nga nag accountancy ako diba?
"Jules, you're awake na pala. We're just waiting for your bill saka pwede ka na naming i-uwi." sabi ni Trisha.
"Wait. How's the bill? Wala akong dalang pera. I even left my Credit card sa Condo." sabi ko.
"Shhhh. Niko took everything on Control. Sagot na daw niya yung payment." sabi naman ni Maqui. Haay, Good friends, so lucky to have them.
Naalala ko, ngayong araw din na to ang Biggest revenge of the Year! Ngayong araw ko irereport yung nakabangga saakin. Yes, I do not know him or his number but I know his plate number and I believe PNP can easily track the Car.
Nag-ayos na kami ng gamit at lumabas na sa Ospital. Naka wheelchair ako kasi ayaw nila akong paglakarin. Di ko pa daw kasi kaya. OA nila no?
Nasa loob na kami ng condo. Nag aayos narin sila Trish at Niks para makauwi. Si Maqui naman ay naglatag ng pagkakainan. Di pa kasi kami nagbre breakfast.
"Dito na kayo magbreakfast guys." sabi ko. "Naku madali kaming kausap Jules basta pagkain." sabi naman ni Trish. Natawa si Maqui at si Niko. "Ikaw lang naman hindi mapipigil pag kainan na ee!" sigaw ni Maqui. "Che Farr! Shut up!" sigaw ni Trish. Baliw talaga ng mga to.
Naupo na kami sa hapag at nagsimulang lumamon.
"Seryoso ka ba talaga sa desisyon mong ireport yung driver nung Car?" tanong ni Maqui. Tumango ako at nagsubo ng pagkain.
"Kung di ko siya irereport, baka madami pa siyang mabiktima. Baka nga madami na siyang nabiktima di lang sila nagrereport. Atleast ngayon, aware narin yung driver na hindi magandang nambubundol ng tao ng basta basta." sabi ko naman. Nagtinginan silang tatlo saka tumango.
"Well, kung yan ang desisyon mo Jules, you got our backs! Kaso sorry ha di ka namin masasamahan ngayon. Dami kasing personal ganaps ee." sabi ni Trish. "Onga, sorry Jules ha." sabi naman ni Niks at Maqui.
Natapos ang breakfast at umalis na yung dalawa. Si Maqui at ako nalang ang natira sa condo. "Bes, maliligo ako saglit." sabi ko.
"Kumusta na ba yang binti mo? masakit pa ba? Wag mo munang ibasa." Sabi ni Maqui.
"Di na siya masakit Maqs. Sige ligo ako saglit." paalam ko saka kinuha yung mga gagamitin ko sa pagligo.
Pagkatapos kong maligo ay naabutan kong ready na si Maqui para umalis. "Andiyan na si Manong Roberto bes. Kaya mo na ba talagang magpunta sa Presinto?" tanong niya. Ngumiti ako at tumango saka dumiretso na sa Kwarto para magbihis.
"JULES ALIS NA AKO! TIGNAN MO YUNG DADAANAN MO HA! WAG KANG MAGPAKATANGA ULIT! BAKA MABALIAN KA NA NG BINTI!" sigaw niya. Napangiti ako at napailing.
Dear irresponsible driver, It's payback time!
BINABASA MO ANG
Born For You
FanfictionMay posibilidad bang ang dating magkababata na nagkahiwalay ay magkita ulit sa isang pambihirang pagkakataon? Tadhana nga ba ito o nagkataon lang? May isa nga bang taong nakalaan para sa isa pa?