Tatlong araw na akong tulala, bangag, puyat pero yung luha ko tang-ina hindi parin maubos ubos. And here I am again crying.
"Jules tama na. Tatlong araw ka nang umiiyak." Maqui said.
"Di ko mapigilan ee. Masakit parin Maq. Nasasaktan parin ako. Nagbabalik yung mga alaala ko. Yung mga nakita ko. Yung Lauren na yun. Nasasaktan parin ako."
"Jules, you've had enough tears. tama na. Kami nahihirapan sayo ee." Niks said.
"Just let me cry. Baka naman maubos na yung luha ko at baka sakaling mawala narin yung sakit.""Look at you Julie Anne. You look wasted ee di ka naman ganyan dati ee." Trish said.
"I don't care Trish. Just let me do this. Ito nalang yung tanging paraan para mawala naman kahit papaano yung sakit." Saka humagulgol nanaman ako. Wala akong balak umuwi saamin kasi ayaw kong makita nina Mommy and daddy na ganito ako.
Bakit kasi kailangan ko pang makita yung mga yun? Bakit kasi ako pa yung nasasaktan. Paulit ulit kong kinakalimutan pero shit di ko magawa. Ayaw kong masaktan pero parang gustong-gusto naman ng tadhana. Gusto ko nang makalimot pero sa tuwing ipipikit ko yung mata ko, mukha lang niya yung nakikita ko. Gusto kong magalit pero di ko magawa dahil nangingibabaw parin yung pagmamahal ko sa kanya. Siya na nga yung gumawa nito saakin pero mahal ko parin siya. Gusto kong magpakamatay pero alam kong wala rin lang kahahantungan yun.
"Hello Mikko" I heard Maqui said. Kausap niya ngayon sa telepono si Mikko.
"Ano?!" Maqui shouted. Bigla akong napapitlag at napatayo.
"Bakit daw? Anong nangyari?" Di ako pinansin ni Maqui at patuloy lang siya sa pakikipag-usap kay Mikko.
"Sige sige. Itext mo saakin kung saan at pupuntahan namin kayo." Maqui said. nasa tono ng paga-alala.
"Bakit ano daw bang nangyari?" I asked.
"Si...si Elmo"
"Bakit si Elmo? Anong nangyari sa kanya?!"
"Na...nabaril siya."
"Ano?! Asaan siya? Gusto ko siyang makita." And my tears fell again. Shit Elmo ano nanaman bang ginawa mo? Bakit naga-alala nanaman ako sayo? Tang-ina dapat kasi di ka nag-gago ee.
"Asa St. Luke's Medical Center siya." Maqui said. Agad kaming nagbihis at nagtungo sa St. Luke's MC.
"Jules stop crying. I'm sure he's fine. Malakas si Elmo. Alam kong malalampasan niya yan." Trish said.
"Di ko alam Trish. Naiinis ako pero nagaalala parin ako sa kanya. Gusto kong matuwa sa nangyari pero heto, nalulungkot ako. Shet lang diba?"
"Kasi Jules mahal mo pa siya. I'm sure may deeper explanation kung bakit nangyari yung nakita mo Jules." Niks said. May point siya. Sadyang pinairal ko lang yung mga initial thoughts ko.
Elmo nakakainis ka. Ngayon ka pa nagkaganito ee. Ngayon pa nangyari to. Oo Elmo, mahal parin kita at hindi parin nagbago yun.
..........
Elmo's
"Kuya tatlong glass pa please?" Andito parin ako sa bar. Tang-ina kahit anong gawin ko nasasaktan parin ako sa nangyari.
"Sir lasing ka na." The bartender said.
"Wala kang paki dahil di mo nararamdaman yung nararamdaman ko. Hindi mo alam kung gaano kasakit kaya wag kang magsasalita diyan!" Natahimik naman siya at nagpatuloy nalang sa trabaho.
"Wohooo let's Parteeyyy! Di ako nasasaktan!" I shouted. May gumiling saaking babae at ginilingan ko din naman. Namiss ko yung ganito. Namiss ko yung may ka One-night stand. Hinahaplos haplos na niya yung katawan ko at ganun din ako. We were kissing when somebody hit me.
BINABASA MO ANG
Born For You
Fiksi PenggemarMay posibilidad bang ang dating magkababata na nagkahiwalay ay magkita ulit sa isang pambihirang pagkakataon? Tadhana nga ba ito o nagkataon lang? May isa nga bang taong nakalaan para sa isa pa?