"Dali na Jules wag ka munang matulog. Magkwento ka muna ito naman ee." pangungulit ni Trish saakin ganun din si Maqui.
"Guys, pagod ako okay? Pwedeng bukas nalang?"
"Grabe ka naman ee. Ano bang nangyari sainyo sa Pagudpod? grabe Julie nakakatampo na." Maqui said.
"Oo na oo na. Heto na babangon na magkwekwento na."
"Yeheey!"
"Aba tamo tong mga to, parang mga bata kung umasta."
"che Julie. dali na magkwento na pagkatagal tagal oh?" Niks said. Pati ba naman siya? O sige na heto na talaga.
"Diba nga ginuyod niya ako sa Office? Di ko nga alam na may pupuntahan kami ee. Kayo nga ata may alam nun."
"Wala siyang sinabi saamin basta ang sabi lang niya 'paki-impaki yung ibang gamit ni Juju. Mga good for three days. Yung hindi showy ha?' Kaya ayun nga sinunod namin. Alam naman na naming may pupuntahan kayo kasi ipinagpaalam ka niya. Kaso hanggang doon lang. Wala nang ibang detalye kaya magkwento ka na."
"Ayun na nga. Nagpunta kaming Pagudpod. Halata mong handa siya dahil may reservations na siya ee. Nanood kami ng sunset. Tapos naglakad lakad sa dalampasigan. The next day, nag explore kami sa kalapit na island. Grabe sobrang linaw nung tubig doon at presko ang hangin. Nakakakilig pa siya kasi naman ee."
"Ano?"
"Ee kasi lagi niyang sinasabi na mahal na mahal niya ako. Tapos lagi niyang hinahalikan yung kamay ko."
"Tae Julie kinikilig kami kahit pangit pagkakadeliver mo sa mga nakakakilig na nangyari."
"Tse! Ano? Titigil na ba ako sa pagkwekwento?"
"Hindi hindi. Joke lang ito naman di na mabiro. So ano na?"
"Tapos ano..."
"Emam, what if hindi pala tayo yung destined for each other?"
"Ano ba naman yang tanong na yan Juju baby. Tayo ang destined okay? Akalain mo ba namang magkikita tayo ulit. Look, kababata mo ako, nagkahiwalay tayo for a long time and now see? Andito tayo, magkasama. Can you tell me na hindi tayo destined for each other kung magkasama tayo ngayon?" Andito kami sa dalampasigan. Nagkwekwentuhan hinihintay yung sunrise.
"Wag kang mag overthink Juju Baby. Forever ba tayo okay? Ikaw, ako tayo. Wala nang makakapigil saatin." He said saka pa ngumiti.
"I love you Juju baby."
"I love you too Emam." Saka niya ako hinug. Chineck ko yung time at 5:25 AM na, maaga kami for sunrise pero okay lang. Mas maganda yung maaga kaysa late.
"Juju baby, happy 1st Anniversary!" He said. Oo nga no first anniversary namin ngayon tae Julie nakalimutan mo nanaman.
"Ano? Nakalimutan mo na anniversary niyo? Nakakahiya ka Julie Anne" Trish said.
"Di ko naman pinahalata ee. Ano itutuloy ko na ba?" Tumango sila at nagkwento na ulit ako.
May inabot siyang box saakin. "Mamaya mo na bubuksan kapag lumitaw na yung araw Juju baby. Para may signifiance yung pagbukas mo."
"Significance? Ano namang significance nun?"
"Na bagong umaga nanaman ang darating. Para sayo at para saakin."
"Alam mo, hindi ka talaga fail sa pagpapakilig saakin." Sabi ko.
"Ee ikaw din naman ee, lagi mo akong pinapakilig. Yung titigan mo nalang ako ngayon kilig na kilig na ako." Saka siya humalakhak. Oo nga pala kanina ko pa siya tinitignan.

BINABASA MO ANG
Born For You
Fiksi PenggemarMay posibilidad bang ang dating magkababata na nagkahiwalay ay magkita ulit sa isang pambihirang pagkakataon? Tadhana nga ba ito o nagkataon lang? May isa nga bang taong nakalaan para sa isa pa?