"Hello? Ju...julie I...I need you." It was Elmo on the other line.
"Ha...ha? Ba...bakit?" I asked. Jusme ano nanamang problema nitong si Elmo?
"Di...di ko alam. Nag...susuka ako tapos...tapos masakit ang tiyan ko. Julie please punta ka dito sa condo ko." He said.
"Now na? As in now na? Jusme Elmo umagang umaga. Pero...si...sige sige." I said. Nagbihis na ako at akmang lalabas na ng pintuan ng tanungin ako nina Maqui kung saan ako pupunta.
"Pupunta ako saglit kay Elmo Maq, Niks, Trish nagsusuka daw ee." I said at tumango naman sila.
Pagpasok ko sa elevator, agad kong pinindot yung floor ng unit niya good thing di pa rin niya alam na dito ako naninirahan.
Nagdoor bell ako nung nakarating na ako sa harap ng pinto niya. Jusme ang tagal niyang buksan ha?
Pagkabukas, tumambad ang Elmo na nanghihina, talagang nanghihina at gume gewang gewang pa.
"Huyy anong problema?" I asked saka ko siya inakay papunta sa sofa niya.
"Di...di ko alam. I woke up masama na yung pakiramdam ko and now, nagva vomit ako. I dont know why." He said. Jusme napaano tong mokong na to?
"Wait lang, dadalhin kita sa Hospital. Grabe ang bigat mo kaya." I said. Saka ko na siya inakay palabas ng unit niya.
Jusme pagka-bigat bigat nitong si Elmo ee. Buti nalang gumagana yung elevator.
Pagdating namin sa parking lot, ipinasok ko na siya sa kotse ko. Ako na magda-drive dahil kung siya pa ang magda drive paniguradong deads kaming dalawa.
Dinala ko sa sa St. Luke's Medical Center.
"What happened to him Miss?" The doctor said.
"Po? Ahh nagsusuka daw po siya tapos nahihilo tapos sumasakit ang tiyan and now may lagnat na po siya." I responded. Tumango naman yung doctor at sinabing, "We'll make some tests para malaman kung anong sakit niya." The doctor said. Tumango naman ako.
Pinapunta muna kami sa isang suite ng hospital dahil nirecommend ng doctor na i-admit muna siya.
"Please Julie don't leave me." He said. Jusme paka drama nitong si Elmo.
Pumasok na yung doctor at tinanong kung anong huling kinain ni Elmo, bigla naman akong napatigil.
"Maybe yung calamares and Liver yung reason kaya ka nagkaganyan." I said. Tumango naman yung doctor.
"Yes I think so kasi you have Typhoid." sabi ng doctor. "Sasalpakan ka lang namin ng suero." The doctor said.
"What does he mean Julie? Tutusukin ako?" Elmo asked. Malamang suero edi tutusukan ka.
"Oo malamang. Jusme natatakot kang matusok ee kung makapagtusok ka ng babae wagas!" I shouted. Buti nalang wala na yung doctor dito.
"Pshh. Whatever. But please don't leave me." He begged.
"Fine I won't." I said. Kinuha ko yung phone ko at tinawagan yung secretary ni Elmo. Sinabihan ko siya na di makakapasok si Elmo dahil nasa ospital ito.
"Sinong tinawagan mo? Please wag mong tawagan sina Mommy." He said. "Di ko tinawagan mommy at daddy mo okay? Tinawagan ko yung secretary mo at sinabi kong di ka muna makakapasok." I said. Tumango naman siya at agad na hinila yung kamay ko papalapit pa sa kanya. Jusme Elmo wag mokong ginaganito.
"Gusto ko hindi ka malayo saakin. Gusto ko malapit ka lang saakin dahil lalagyan na nila ako ng suero. Julie ayaw ko pang mamatay." he said.
"Paka-OA mo naman parang dextrose lang yun. Jusme Elmo wala yan sa sakit na naramdaman ko nung..." Di ko na natuloy.
"Noong? Come on Julie say it." He said while grinning, aba nagawa mo pang gumanyan sa sakit na dinadanas mo ngayon ha?
"Wala. Sige na. Tatawagin ko na yung nurse para masalpakan ka na ng suero." I said saka na umalis sa harapan niya. Grabe di ko maitatangging namula ako doon. Yang dila mo kasi Julie Anne naku mapuputol ko yan ee.
Pagkabalik ko, kasama ko na yung dalawang nurse. Dala na nila yung injection saka yung mga apparatus.
"Masakit po ba yan?" Elmo asked na parang bata. Jusme talaga to oo!
"Hindi po sir. Parang kagat lang ng langgam." The nurse said. Oo nga naman Elmo, sa injection ka pa magpapaka-duwag?
"Ahh siguraduhin niyo lang ha?" He said. Natawa naman ako sa sinabi niya. Para siyang bata na akala mo sasaktan.
Pagkatusok nung injection, humiyaw ng pagkalakas lakas si Elmo. "Shuut! uyy wag ka ngang maingay! Nakakahiya sa mga tao na nasa labas oh? Para kang ewan!" I shouted pero natatawa na talaga ko.
"Masakit ee. Sabi nila di nila ako sasaktan. Ganyan ba kayong mga babae? Lagi niyo nalang ba akong sasaktan?" He asked. Wow at humugot pa talaga tong mokong na to ha?
"Elmo, wag mong gine-generalize yang hugot dahil hindi lahat ng babae nanakit. Yung iba lalaki." I said. Napalingon naman yung dalawang nurse saka pa ngumiti saakin.
"Hindi ee. Ganyan kayong mga babae. Pag alam niyong faithful yung lalaki, kayo naman yung manloloko parang eto. Sabi niyo di masakit, nagtiwala naman ako pero masakit pala. O diba niloko niyo ko?" He said.
"Naku ate pagpasensyahan niyo nalang po tong kasama ko ganyan po talaga yan ee." I said saka nginitian yung dalawang nurse habang lumalabas ng room.
BINABASA MO ANG
Born For You
FanfictionMay posibilidad bang ang dating magkababata na nagkahiwalay ay magkita ulit sa isang pambihirang pagkakataon? Tadhana nga ba ito o nagkataon lang? May isa nga bang taong nakalaan para sa isa pa?