Forty-eighth

746 33 2
                                        

"Come Julie, I'll show you the playroom." He said. May playroom pala itong bahay. Sabagay mataas naman. Tumango ako saka na sumunod sa kanya paakyat.

"Saan ba yung playroom niyo?" I asked. "Third floor." He said. Mataas pero okay lang.

Pagdating namin sa pintuan, binuksan na niya saka pinakita saakin yung room. Sobrang familiar yung room as in parang napuntahan ko na to di ko lang alam kung kailan.

"Dito ako nagpupunta kapag nadtrip ako. Naaalala ko kasi dito yung kababata ko. I used to call her Juju kasi mahaba yung pangalan niya. Dito kami madalas tumambay na dalawa kapag andito siya." Juju? Yun yung tawag saakin ni Emam noon and lagi din kami sa playroom.

"Meron kaming yaya dati, her name is Manang Aira and she used to read us the story The Three little pigs. We also play the saxophone here kahit di kami marunong mga tipong nagmamagaling lang. Pati drums dito pinaglalaruan namin and we always play hide and seek at alam mo kung saan ko siya laging nakikita?"

"Sa Orange na storage box. Tapos lagi pa kayong napapagalitan ni Manang Aira dahil hindi kayo agad natutulog na dalawa. Ang pinaka unang tinutog niyo sa Saxophone ay yung I Love you ni Barney na wala pa sa tono." Napahinto siya sa sinabi ko.

"Alam mo yung mga nangyari. Saktong sakto mga sinabi mo sa mga nangyari dati. I...ikaw si Juju?" Bigla akong napahinto.

"O...oo Emam. Ako yun. Ako yung Juju na kinu kwento mo. Ako yung kasama mo habang kinukwento yung three little pigs at dudugtungan pa natin yung kwento kasi memorize na natin yung kwento niya." Bigla niya akong niyakap.

"Juju. Hinanap kita ng pagkatagal tagal. All I thought asa America ka or in some other places. Juju... namiss kita sobra. " Di ko napigilang umiyak. Jusme ang out of place naman nitong iyak ko. Bakit nga ba ako Umiiyak?

"E...Emam, este Elmo..."

"Yes Juju?"

"Matagal kitang hinintay. I thought di narin kita makikita but my memories were all right. Tito Augustine was familiar, kaya pala nagtataka ako dahil parang nakita ko na siya."

"Julie I missed you. I really did miss you. Look how small world is." Ngumiti ako saka tumango. Takte siya pala si Emam, yung taong matagal ko nang hinihintay na bumalik.

Kumalas siya sa pagkakayakap saka pumunta sa book shelf. May kinuha siyang libro saka pa iniabot saakin. Yun yung libro ng Three little pigs. Binuklat ko ito at nakita ko yung pangalan naming dalawa "JuMam". Binuklat ko pa at nakita yung mga drawings namin sa tabi nung mga pictures nung mga baboy. Mdy drawing pa doon na mukha ko daw at may arrow na nakaturong "Juju Baboy". Natawa naman ako. Meron ding drawing doon na mukha naman ni Elmo yung nakadrawing tapos nakaturo yung arrow "Emam Fox".

"Juju baboy and Emam Fox. Nakakamiss no? Nakakamiss maging bata. I didnt expect this to happen. Balak ko lang ipakita sayo yung mga stress-reliever ko. Di ko inaasahang makita yung babaeng pakakasalan ko." Namula ako saka pa yumuko.

"How sure are you Elmo na ako mapapangasawa mo? I mean, madami pang mangyayari. Marami pang babae diyan na mas maganda saakin."

"Pero Julie, ikaw lang gusto ko noon pa. I may have my ex but my heart doesn't desire her. Ikaw ang gusto ng puso ko Julie. Maybe dahil hindi ako agad naka move-on dahil darating yung taong magtuturo saaking mag move-on. Yung babaeng magpapakita ng totoong pagmamahal saakin and I know that girl is You Julie Anne. I may be futuristic but who cares? I love you Julie, no let me rephrase it. I'm inlove with you Julie Anne." Di ko nanaman napigilang tumulo si tears. Takte naman Elmo, ngayon sigurado na ako sa nararamdaman ko. Maybe tama yung sinabi ko kay Aims na hindi ka magiging sigurado hangga't di ka susugal and now ready na ako. Ready na ako for another chapter of my life.

"Julie Anne, I love you."

"Elmo... I... I love you too."

.........
A/N: Starting from this Chapter until the last Chapter, POV na po ni Julie ang mababasa. Nahihirapan po kasi ako sa POV ni Elmo kaya pansin niyo yung iba maikli lang. Sorry din kung medyo waley ang story. Alam ko na yun guys. Haha. Vote and Follow mee. Lmao.

-ShutterBlueShot™

Born For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon