Nag drive ako papuntang presinto. At pagkatapos ng ilang minuto, andito na ako.
Pumasok ako sa loob at agad na dumiretso sa Assistance Desk.
"Miss ano po yun?" tanong ng isang Pulis na babae.
"Ahh magrereport po sana ako." sabi ko naman.
"Ano pong irereport niyo miss?" tanong niya ulit.
"Kasi po kagabi, nagpunta po kami sa Bar, kaming magkakaibigan po. Lumabas po ako saglit upang magpahangin. Papasok na po sana ulit ako ng biglang binunggo ako ng isang lalaki sa may parking lot nila. Nagkapasa pa nga po ako dito ee. Tapos di pa po niya ako dinala sa ospital." sumbong ko.
"Ahh yun lang po ba miss? Ano pong plate number nung kotse at ipapa trace natin." sabi ulit ni aleng Pulis.
"MAY 300 po yung platenumber. Tandang tanda ko po kasi ee." sabi ko naman.
Umalis saglit si aleng pulis at pumunta doon sa may telephone area ng Police Headquarters. Feeling ko tumawag siya para itrace kung sino ang may ari nung kotse. Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik na ulit si Aleng Pulis sa upuan niya.
"Miss hintayin mo nalang siya. Natrace na kasi yung Platenumber at baka tinawagan na yung may-ari. Paki hintay nalang po siya dito para magkausap kayo." sabi ni ate. Tumango ako at agad na lumipat ng upuan mula sa Upuang malapit sa lamesa papunta sa upuang nakaline-up sa hallway.
Iniikot ko muna ang mata ko sa paligid ng Police Headquarters. Malaki din naman ito at mataas. It's a 5-storey building with lots of offices and lots of Police Officers. Puro busy at halos lahat may ginagawa. May mga nasa telephone area na sumasagot sa mga hinaing ng ibat ibang klase ng tao. May mga nasa harap ng computer at nakikipag communicate at nagreresearch. May mga nasa kanyakanyang lamesa at nagsusulat. Maybe it's their report. May mga nasa kanya kanyang opisina naman. Yung iba may kausap din at yung iba naman ay may sinusulat. Hanga ako sa pagiging busy nilang lahat.
After almost 30 minutes ay may isang lalaking nagmamadaling pumasok sa loob. Ang casual ng porma niya na nagpalitaw sa natural niyang kagwapuhan. Pshhh Erase erase.
"May nagrereklamo daw saakin? Sino yun? Can you please tell me so that I can meet her and I can return to my personal business!" sigaw niya habang kaharap yung nakausap ko din kanina.
"Sir ayun po yung nagrereklamo sainyo. Mam, halina po kayo dito para makapag-usap na kayo." sabi naman ni ate Pulis.
Pagkaupo ko, agad na siyang nagsalita. "So you're the one who reported me and nabangga daw kita? Napaka OA mo naman miss! Hindi ka naman nalumpo diba? Pwede bang itigil nalang natin tong kalokohang to? May date pa ako ee." pagkairita niyang sabi sabay tingin sa Relo niya.
"Hoy mister walang respeto at irresponsableng driver, nireport kita para naman alam mo yung ginawa mo saakin! Oo hindi ako nalumpo pero paano kung natuluyan ako ha? Saka kawawa naman yung mga nabiktima mo na. Ang tanda tanda mo na ganyan ka pa ka irrresponsable? What the fuck is that kind of attitude!" sigaw ko narin.
"Magkano ba kailangan mo ha? I can give you how much you need matigil lang tong kalokohang to!" sigaw niya.
"Well, I do not need money cause I have a lot of money. Pautangin pa kita ee. Ang point ko lang naman, sana matuto kang maging responsable." sabi ko naman.
"o so anong gusto mong mangyari?" tanong niya. Halata parin ang pagkairita sa mukha at tono ng boses niya.
"I just want a simple sorry." sabi ko.
"The fuck? No way! I dont say sorry okay? Stop this joke and let me leave!" sigaw niya ulit at saka na umalis.
Nagkatinginan kami ni ate pulis at sinabi kong itutuloy ang demanda. OA no? Wala kasing dapat manakit sa isang Julie Anne San Jose. Tumango si ate. nag-usap pa kami ng very very light tapos umalis na ako. Let's see mr. Mayabang na nambubunggo. Saakin ang huling halakhak.
Nag drive ako papunta sa bahay namin. Siyempre si Maqui may Family day, ganun din si Niko at Trisha, ako ba papahuli? Huh. siyempre di no? Saka tradition na sa aming mag-anak na magkaroon ng exclusive time sa family at effective yun every Saturdays and Sundays.
"I'm Home!" i shouted as I enter our house. Biglang bumaba sina Aimee at Gley. "Ate you're home!" sigaw ni Gley. Tumango ako saka tumawa.
"Julie, anak, Welcome back!" sigaw ni Daddy. Etong si daddy parang ngayon lang ako umuwi ee every Sat and Sun andito ako ee.
"parang di naman umuuwi si ate every Saturday and sunday dad." sabi ni Aimee. "Oo na oo na. nagets ko na. Tara, have you eaten lunch dear?" tanong ni dad. Oo nga no? Nakalimutan kong dumaan sa isang resto dahil sa kaiisip doon sa nakabangga saakin. Ang gwapo niya but when it comes to attitude, naku -100 %. He's bad and bad and bad.
"Jules, dear ang lalim ata ng iniisip mo?" tanong ni Mommy. Asa may kitchen na kami.
"ahh wala po mommy. Iniisip ko lang yung mga lessons sa Review Center" palusot ko.
"Sabi naman namin sayo Jules, you dont have to take Board exam. We have companies naman ee. Pwede ka naman nang magtrabaho doon." sabi ni Daddy.
"Dad, mom, we've talked about this na diba? I will work sa Company natin kung may maiicontribute na ako sa sarili ko. The bank? Remember?" I said.
"Okay fine fine, di na ako makikipag talo. It's you na." sabi naman ni Dad.
I really love this attitude of dad. Lagi niya nga kaming inii spoil. Laging kami ang nasusunod. Bait niya. Super.
After eating, dumiretso ako sa living room. I missed hanging out here. Nung bata ako, naghahabulan pa kami dito ni Emam.
"Oh, nakangiti ka diyan. Ano bang iniisip mo?" tanong ni Mommy.
"Naalala ko lang po si Emam. Nung bata kami halos umiyak yun pag hinihiwalay siya saakin ee. Lalo na nung nagpunta silang states. Naku halos magwala sa airport. Hahaha" sabi ko. Natawa naman din si mommy.
"Oo nga ee. Ang sweet nung batang yun. Saan na kaya siya ngayon?" Tanong ni mommy. Umiling ako at sinabing "Di ko nga po alam ee. Di ko alam kung magkikita pa kami." sabi ko naman.
We grew together. From fetus up.until 7 years-old. Tapos nag migrate na sila sa US. I dont know kung naaalala pa niya ako. Emam yung tawag ko sa kanya. Mahaba kasi pangalan ee. Saka di ko na masyadong matandaan yung name niya. Something like Muppet yung name ee. Kailan ko kaya siya makikita ulit. Nakakamiss tong si Emam.
I spend my day and night dito sa bahay namin. Nakakamiss talagang mag hang-out dito. Maitext nga si Maq at yung dalawa. Baka salaking tapos na mga monkey businesses nila.
...........
A/N: Yow guys! I'm back! Haha. Please VOTE COMMENT AND SHARE this story. Alam kong mejj waley pero pramis gaganda to pag may SPG part na. HAHAHAHAHAHAHA jkkk. Use the Hashtag #BFY para naman aware ako sa mga comments niyo. Di kasi ako masyadong babad dito sa Watty. Use the hashtag on Twitter FB or IG. Thanks guys. VOTE COMMENT AND SHARE ha? Be a fan narin. Love yoouuuu.
-ShutterBlueShot™
BINABASA MO ANG
Born For You
FanfictionMay posibilidad bang ang dating magkababata na nagkahiwalay ay magkita ulit sa isang pambihirang pagkakataon? Tadhana nga ba ito o nagkataon lang? May isa nga bang taong nakalaan para sa isa pa?