"Ano?! Pakshet Julie Anne, di pa namin pinapahirapan yung tao sinagot mo na agad? Aba Jusmiyo!" Maqui said. Heto nanaman po siya, nagpapanic!
"Maqui, sabi ko naman diba? Pag mahal mo ang isang tao, hindi mo namamalayan ang oras, hindi mo namamalayan ang panahon. Yes, it's quite short na nagkakilala kami but trust me with this Maqui. Alam ko ang pinapasukan ko and I know you'll support me."
"Andoon tayo Julie Anne, ang saamin lang, bakit hindi mo kami hinayaang duma-moves din? Kasi naman ee, hati na yung oras mo ngayon. Baka nga Seventyfive-twentyfive nalang ang hatian." Trish said. Yun naman pala ee. Nagseselos lang tong mga magagaling kong kaibigan.
"Guys, no matter what happens, kayo lang okay? Yes I might have Elmo but my life wouldn't be complete kung wala kayo. Kahit sabihin na naring twenty-five percent kayo, malaking bagay na iyon sa akin. Kayo yung nakasama ko noong hindi ko siya kasama. Kayo yung naging sandalan ko noong mga panahong wala siya kaya wala kayong dapat ika selos."
"O siya siya, naiintindihan ka namin Julie. Sorry kung Over acting nanaman kami. Alam mo na? Clingy lang kami masyado kasi naman. Basta, ingat kayong dalawa ha? Pakiramdam ko andiyan na siya sa labas naghihintay. Dali na go!" Niks said saka pa ngumiti yung tatlo. Buti nalang at naiintindihan nila ako. I am lucky to have them.
Pagbukas ko ng pinto, hindi sila nagkamali. Si Elmo nga iyon niyakap niya ako at kiniss pa sa lips. Tae namula ata ako. Nakakakilig ee. Ano ba?
"Are you ready?" He asked.
"oo naman. Diba diyan lang naman tayo?"
"Sinong may sabi? Don't underestimate my dating skills Ms. San Jose baka magulat ka nalang?"
"Aba paka yabang naman nito grabe yung hangin binabagyo na ako dito sa loob. Wooh grabe talaga." Saka niya ako ulit hinalikan. Aba purong puro na saakin to ha? Halikan ko din kaya? Ayy Joke. Conservative tayo! Dalagang Pilipina. Naglakad na kami papuntang Elevator saka siya ngumisi.
"Anong nginingisingisi mo diyan?"
"Remember noong..."
"Pakyu ka talaga Elmo! Pervert! Yuck ka!"
"Hahahahaha. Wala naman akong sinabi ah?" Tae oo nga no? Wala naman siyang sinabi pero kahit na yun lang yung naaalala kong nangyari na kasama ko siya dito sa Elevator na ito. Tae ka Julie nakakahiya! Itago mo yang pamumula mo ngayon din!
"Uyy namumula siya! Hahaha Grabe ang cute mo talaga Juju!" He said saka pa pinisil yung magkabilang pisngi ko. Aray ha? Pero sige na nag eenjoy naman ako.
Pagbukas nung elevator, agad niya akong hinila papunta sa kotse niya. Hindi parin ba kami matatapos sa hilaan portion? Jusme Elmo kung hindi lang kita mahal kanina pa ako nagtaray dito.
Pagdating namin sa kotse niya, agad niya akong pinagbuksan. Uupo na sana ako ng makita ko ang isang box na nakalagay sa upuan ko kaya kinuha ko ito. Pagkaupo niya agad ko siyang tinanong kung ano ito.
"Buksan mo Juju. Alam ko magugustuhan mo yan." He said saka pa ngumiti.
Binuksan ko ito at nakita ko ang isang orange na Elmo na stuffed toy.
"Orange na Elmo? Seryoso ka ba dito Elmo? Paano mo nahanap yung ganito?"
"Basta. Nagustuhan mo?"
"sobra. Ang cute niya at orange pa talaga ha? At Elmo pa yung character? Yung totoo?"
"Siyempre gusto ko na ako lang ang iisipin mo kapag nalukungkot ka. Kapag di mo ako kasama, si Orange Elmo ang yayakapin mo. Siya ang iiyakan mo at sa kanya mo ibubuhos lahat ng emotions mo. Para pag wala ako sa tabi mo, at least may alter ako diba?"
BINABASA MO ANG
Born For You
FanfictionMay posibilidad bang ang dating magkababata na nagkahiwalay ay magkita ulit sa isang pambihirang pagkakataon? Tadhana nga ba ito o nagkataon lang? May isa nga bang taong nakalaan para sa isa pa?