Forty-seventh

788 28 2
                                    

"Jusme Julie Anne magpatulog ka nga. Please pakipatay na yang phone mo." Trish said. Di ko naman siya pinansin bagkus ngumiti ako.

"Takte Julie Anne, yang labi mo baka mapunit." Maqui said. Di ko parin sila pinansin.

Elmo: Miss mo na ko no? Siyempre you can't resist my body.

Me: Yuck Elmo, please stop it. Nakakadiri.

Elmo: Pshh. Ginagawa mo?

Me: nakahiga. Actually matutulog na ako kaso nagtext ka.

Elmo: ganun? Di ka ba pinapagalitan nila FrenchFries?

Me:Kanina pa.

Elmo: sige matulog ka na baby. Miss na agad kita. See you tomorrow.

Me: see you.

Elmo: I love you Julie Anne San Jose.

Me: alam ko yun Elmo Moses Magalona.

Elmo: good night. Sweet dreams. ♥

END OF CONVO.

"Hay sa wakas namatay din ang mahiwagang ilaw na nanggagaling sa langit. Haleluya!" Maqui said.

"Shut up Maq. Good night guys."

"Good night" the two said. Then natulog na kaming tatlo.

Kinabukasan....

"Julie Gising may bisita ka!" Maqui said.

"Hmmm? Ano ba maaga pa?"

"Jusme Julie Anne bilisan mo na't baka magbago pa isip niya."

"Sino ba yan? Istorbo ee."

"Si Elmo."

"Si Elmo lang pala ee... teka...si Elmo? Ayy Putcha. Saglit saglit." Saka na ako bumangon at dumiretso sa may salamin para magsuklay. Takte paano naman niya malalamang dito yung unit namin. Baka sinabi nung tatlo. Jusme di talaga mapagkakatiwalaan yung mga yun ee.

Paglabas ko, "Asaan na si Elmo? Akala ko naghihintay siya saakin?"

"Joke lang yun ano ka ba? Pero grabe ha the flash ka kanina. Hahaha" Trisha said at humagalpak silang tatlo nina Maqui and Niks.

"Gago talaga kayo ughhh!"

"Hahaha naku Julie Anne. Mahal mo na talaga si Elmo aba kita niyo yun guys, Pakabilis pag si Elmo pero pag tayo sobrang bagal. Grabe ka talaga Julie Anne pinagpapalit mo na kami." Niks said.

"Gago talaga kayo! Iba naman yung space niyo sa space niya sa puso ko."

"ahhhhhhhh! Julie nadulas ka! Julie takte inlove ka na sa kanya! Julie Putang ina mo kinikilig kami." The two said. Tumawa naman si Niks. Ewan ko ba dito di ba to kinikilig?

"Guys joke lang yun ano ba kayo?"

"Walang bawian Julie. Nadulas ka na, iba yung space ni Elmo sa space namin diba?"

"grabe Julie nakakatampo na talaga. Grabe."

"Ang dradrama niyo naman. Hahaha kayo parin mga bestfriends ko. Siyempre di magbabago yun."

"Talaga? Hugs na siren. Group.hugggg!" Saka kami nag hug. Paka drama talaga nila pero atleast mababait naman. Understanding pa.

Kumain na ako saka pa naligo at nagbihis at pumasok.

Pagdating ko sa office, may nag-abot ng isang rose saakin. Babae siya. Kinuha ko tapos tinanong ko kung kanino galing pero wala namang sinabi.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at may nag-abot nanaman saakin na isang rose. Ano bang meron? Kinuha ko to tas na pumasok sa Elevator. Pagpasok ko, may isa nanamang rose na nakalapag. Pinulot ko saka pa pinindot yung floor ng office namin.

Pagbukas ko, may rose nanamang iniabot saakon, aba pang-apat na to ha? Naglakad pa ako at may nag-abot pa saakin. Jusme kamatayan ko na ba kaya umuulan ng bulaklak?

Pagkarating ko sa harap ng pintuan, bigla akong kinabahan na naexcite. Ewan ko ba, feeling ko may mangyayari talaga.

Pagbukas ko, tumambad saakin ang office naming puno nanaman ng flowers. Nagmumukha na talagang garden to. Tapos nakita ko si Elmo na nakatayo at nakatingin saakin. He's holding a boquet of flowers.

"Good morning baby. Have a nice day." Saka pa iniabot yung flowers saakin. Shemay kinikilig ako. Pero wait.

"Thanks. Anong meron?"

"It's my first day right? My official first day." Sabi niya. First day? Anong first day?

"Anong first day?"

"First day ng panliligaw ko. Siymepre gusto kong maging memorable sayo. I love you Julie baby."

"I know." Saka pa ngumiti at dumiretso sa cubicle ko. Normal lang naging takbo ng araw ko, well maliban sa pagpapakilig ni Elmo, normal naman na lahat.

After ko sa office, nag-aya si Elmo na lumabas.

"Julie sama ka may pupuntahan tayo." He said.

"Ha? Saan naman?"

"Basta. Promise magugustuhan mo to." Saan naman kaya niya ako dadalhin? The last time was Dagupan and now saan?

Sumama ako. Siyempre wala na akong magagawa makulit to ee. Nagtext ako kina Maqui na baka malelate ako ng uwi. Siympre di ko naman alam kung saan ako dadalhin nitong si Elmo na to ee.

Pagsakay namin ng kotse, umarangkada na ito.

"Saan ba tayo pupunta Elmo?"

"Sa Tagaytay tayo pupunta Julie at wag ka nang magbalak bumaba dahil hindi ko na to pahihintuin."

"Tagaytay? Bakit anong gagawin natin doon?"

"Basta may pupuntahan tayo doon." Tumango naman ako. Kinuha niya yung kamay ko saka niya hinawakan at inilagay niya malapit sa may clutch. Shemay kinikilig ako. Ahhhhh!

Tahimik lang kami buong biyahe. Hawak niya kamay ko saka siya patingin tingin saakin. May mga times ding nagkakatinginan kami pero ngiti kang isinusukli naming dalawa. Ewan pero kahit ganun lang alam mabilis yung thoughts niya.

After few hours, nakarating kami sa Skyranch.

"Anong ginagawa natin dito?"

"Basta halika." Saka niya ako ginuyod papasok. Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa kaduluduluhang part ng Skyranch. Sobrang ganda nung view kitang kita mo yung bilog na buwan na sobrang liwanag.

"Dito ako pumupunta kapag stress ako sa lahat ng bagay. Kapag nagkasabay yung pagkabadtrip ko sa opisina, kay mom and dad tapos sa iba pang bagay. Ewan, nakaka comfort kasi yung liwanag ng buwan parang sinasabi niya na tumitig ka lang di kita iiwan. Dito ako nagstay buong magdamag noong nagbreak kami ni Lo and now gusto kong palitan yung memory na yun na maaalala kong dito ko dinala yung taong totoong mahal ko na dito ko dinala yung magdadala ng apilyedo ko na dito ko dinala yung magiging nanay ng mga anak ko na dito ko dinala yung Julie Anne ng buhay ko na dito ko dinala yung buhay ko." Tuloy tuloy na sabi ni Elmo. Natahim lang ako habang nakatitig din sa buwan. Di ko alam pero mas lalo ko siyang nagustuhan. Di naman kasi masamang magpakatotoo and I admire na hindi niya pinagkait yung comfortable place niya.

Nagstay pa kami habang nagkwekwentuhan. Saka na namin naisipang umalis.

"May pupuntahan pa tayo Julie." He said.

"Pupunta tayo sa Rest House namin. May gusto pa akong ipakita sayo." Dugtong niya. Ngumiti ako saka tumango.

Pagdating namin, pumasok na kami agad sa loob.

"Aside from Skyranch, ito rin yung emotional dumpsite ko. After kong magpunta sa Skyranch, pupunta ako dito saka magiisip saka matutulog. Sisilip ako sa playroom saka na aalis." Sabi niya.

Naglibot ako ng paningin sa bahay. Parang pamilyar tong bahay na ito di ko lang alam kung saan ko siya nakita o baka kaparehas lang nung bahay na napuntahan ko na noon.

Born For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon