"What?! Si Elmo ay si Emam? Seryoso Julie? Yung tototo? Pektusan kaya kita!"
"Gaga Maqui totoo yun. Si Elmo yung kababata ko ewan ko kung paano nangyari yun. Hindi din niya alam na ako pala si Juju."
"Wow. I now believe in destiny. Galing ng destiny." Niks said. Tumango kaming tatlo. May point siya.
"So ano na?"
"Anong ano na?"
"Ano na? Ano na kayo ngayon knowing na magkababata pala kayo."
"wala. Andoon parin kami sa stage ng Ligawan, Getting to know each other ganun" I said.
After speaking, nagring yung phone ko. It was Elmo.
"Guys, sagutin ko muna ha?" Excuse ko sa tatlo. Noong una kumunot mga noo nila pero di ako nagpatalo kaya nagpaawa ako. Tumango naman sila at tumayo na ako para sagutin yung call.
"Hello Elmo? Bakit napaano ka?"
"Wala naman. Namiss na kita agad. Pwede ko na bang malaman yung Unit ng condo niyo?"
"Hmmm. Pagiisipan ko."
"sige na please? Para naman makita na kita ulit. Di kasi ako mapakali dito sa unit ko."
"Okay sige, itetext ko nalang yung unit number ko. Happy na?"
"Yeah. Supper happy. Thanks baby Julie. See you laterss."
"Baliw. Fine." Saka ko na inend yung call at sinend ko na yung unit number namin. Umupo na ulit ako sa sofa at nakipag kwentuhan.
"ano daw sabi?" Niks asked.
"Gusto niyang pumunta dito."
"And?"
"And binigay ko yung unit number. Okay lang ba guys?"
"Wala na kaming magagawa Jules binigay mo na ee. Siguro ito narin yung tamang panahon sa mga plano namin." Maqui asked saka pa ngumiti. Kinilabutan naman ako sa mga sinabi niya. After a few minutes may nagdoor bell. Baka siya na yun.
"Guys ako na." Sabi ko saka pa lumapit sa pintuan. Pagkabukas ko, nakita ko si Elmo na may dalang chocolates at aba nakaporma pa siya ha?
"Hi Julie baby. Miss you." He said saka pa niya ako kiniss sa cheeks at hinug.
"Juju? Uyy Juju tulala ka ba?"
"Ha? Ah ee, ano wala wala. Sige sige pasok ka na." Ngumiti siya saka pa pumasok.
"Hi Guys!" Bati niya sa tatlo. Kumaway naman sila at ngumiti.
"Ganda naman ng porma mo Magalona." Trish said.
"Tignan natin kung hanggang saan ang ganda ng porma mo." Niks added.
"Handa ka na ba sa bagsik naming tatlo? Kasi kami matagal ng handa." Maqui also added. Nagtaka naman si Elmo at maging ako ay nagtaka din.
"Welcome to Hell Elmo Moses Magalona!" The three shouted saka pa tumawa ng pagkalakas lakas.
"Since nililigawan mo na ang aming bebe girl, haharap ka sa matinding challenges. Do it or loose her. Your choice." Niks said. Challenges? Ano naman yun? Takte baka yung... naku nagkandaloko loko na.
"Challenges? Fine game ako diyan just for Julie Anne." He said confidently saka pa ngumiti.
"Aba ngumingiti pa siya ha? Let's see kung ngingiti ka pa mamaya. Trish, Niks, paki set up na lahat ng challenges natin." Maqui said. Halaa? Handa ata talaga tong mga to. Umalis na si Niks and Trish sa tabi ni Maqui at nagtungo sa CR at laundry area. Jusme tinotohanan nga nila ang mga sinabi nila.
"Your first challenge is this." Tinuro ni Maqui yung Pinto ng CR saka pa binuksan ni Trish. Takte, dinumihan nila yung CR namin?
Nakita kong lumaki yung mata ni Elmo. "Oo Elmo, tama yung iniisip mo. Lilinisan mo itong buong CR naming apat. Wag kang magalala, may gloves kang gagamitin." Maqui said grinning. "Okay. Fine!" Elmo shouted at kita mo sa tonong pursigido siya sa ginagawa niya.
Nagsuot na ng gloves si Elmo, nag slipper na siya. Ginamit niya yung slipper ni Niks at saka na nagtupi ng pants tapos pumasok na sa CR.
"Go Magalona! Kaya mo yan! Meron kang Thirty minutes para tapusin yan. Kung natapos mo yung challenge, congrats. Kung hindi, ligaw is cut." Trisha said.
"Oo tama at walang makakapigil saamin!" Sigaw ni Niks na parang nagpabebe pa. Takte talaga tong mga to oo.
Pinagmamasdan kong maglinis si Elmo at shemay, pursigido siya. Kitang kita mo sa mga mata niya. Di ko akalaing ganito pala kaseryoso si Elmo kapag nagmahal. Hindi ko naimagine na may gagawa saakin ng ganito maybe because education-centered ako noon. Di ko napigilang lumuha. Lumuha ako kasi masaya ako. Masaya akong makita ulit si Emam.
"Elmo, you now have 15 minutes to finish it." Trish said. Nakita ko kay Elmo yung pangamba dahil siguro kalahat palang yung nalilinis niya pero bigla siyang bumilis. Tae Elmo mas naiinlove ako sayo ngayon hindi ko akalaing makikita kitang naglilinis ng CR ng iba. Di ko akalaing magiging ganito ka kapursigido.
"Elmo, five minutes nalang. Dali go go go!" Trish said. Ngumisi naman si Elmo. Sumilip ako at nakita kong konting konti nalang yung lilinisin niya.
"Five, four, three, two and One. Time's up! Labas na Elmo!" Maqui shouted. Pagkalabas ni Elmo, pumasok naman siya at chineck yung CR.
"Hmmm. Malinis. Malinis na malinis. Congrats Elmo! Great Job!" Maqui shouted. Ngumiti naman si Elmo saka pa ako kinindatan. Aba masaya tong Mokong na to ha? Well ako din masaya para sa kanya.

BINABASA MO ANG
Born For You
FanfictionMay posibilidad bang ang dating magkababata na nagkahiwalay ay magkita ulit sa isang pambihirang pagkakataon? Tadhana nga ba ito o nagkataon lang? May isa nga bang taong nakalaan para sa isa pa?