Forty-fourth

713 23 1
                                    

Julie's
............

Isang linggo na yung lumipas pero litong lito parin ako sa nararamdaman ko. Hindi parin ako sigurado kung mahal ko ba talaga si Elmo o nabibigla lang din ako sa mga nangyayari.

"Layo ng tingin ha? Naabot mo na US?" Maqui asked. Kaming dalawa lang magkasama ngayon. Umuwi kasi si Niks and Trish sa mga pamilya nila.

"Haay. Naiinis ako Maq."

"O bakit naman? Di mo ba matanaw yung US? Ee kasi naman mata lang gamit mo, mag binoculars ka kaya."

"Maqui naman ee. Di siya benta promise!"

"O ee ano nga? Bakit ka naiinis Julie Anne?"

"Naiinis ako kasi di parin ako sigurado sa nararamdaman ko. Ganun ba talaga kahirap magmahal Maqui? Di naman ganito yung sainyo ni Gino diba?"

"Hindi ganto yung saamin Jules kasi matagal na kaming magkakilala, remember? Kayo kasi ngayon lang. Recent events, happenings kaya siguro nag a adjust ka pa sa kanya. But believe me Jules, kapag mahal mo siya, makaka adjust ka agad."

"Maqui, di ako maka adjust ee. Di ako maka move-on sa pagkagulo."

"Jules, matagal ko nang napapansin sayo, iniiwas mo yung sarili mo ee. Nasa mindset mo na naguguluhan ka pero iba naman sinasabi ng mga mata at puso mo. Julie, biyak na bunga tayo and I've known you."

"Maq..."

"Jules, I know wala akong karapatang manghimasok sa feelings mo ngayon but maybe he's honest. Na talagang mahal ka niya. Let go of your what ifs Julie Anne. I know it's your first time but who knows he might be your last?"

"Talaga Maqui? Thank you ha?" And my tears fell.

"Best actress ka talaga. Lika nga dito hug nalang kita." saka niya ako niyakap ng pagkahigpit higpit.

"Don't worry Julie, kami na bahala sa Mokong na yun kung sakaling nagbalak na siyang manligaw sayo" sabi ni Maq sabay kindat pa. Jusme kinikilabutan na ako sa mangyayari.

"Alam mo namiss kitang kausap. Yung tayong dalawa lang. Yung dati, yung kapag inaaway ako ikaw nagtatanggol saakin tapos kung ikaw naman inaaway aawayin ko rin yung nang-away sayo. Grabe ang tagal na nun no?"

"Oo nga. Namiss ko rin yung heart to heart talk na ganito pero kasi iba yung situation ngayon. Dati ikaw tagapayo ko Jules ngayon ikaw naman pinapayuhan ko. Utang ko sayo lahat ng mga naging past decisions ko. Pinamulat mo kasi saakin lahat lahat ee."

"So mag-iiyakan nalang tayo dito? Tara na punta na tayo sa baba nagugutom ako ee."

"Saan mo gustong kumain? Treat ko since gulong gulo ka pa."

"Wow ha? Dapat pala gulong gulo nalang ako parati para di nauubos pera ko. Hahaha"

"Gago ka talaga! Tara na!"

"Wait, uwi kaya tayo sainyo Jules. Tara?"

"Oo nga no? Sige sige. Namimiss ko narin kasi sina mommy and dad tapos sina Gley and Aims."

Nagdrive na ako papunta saamin excited na akong makita sina Mom and dad. For sure andoon silang lahat since weekend naman ngayon.

After few minutes, naratin na namin yung bahay at wala parin talagang pinagbago.

Binuksan namin yung gate saka na kami pumasok. Pagpasok namin, sumalubong saamin si Gley na naglalaro ng dolls niya sa garden.

"Ate Julieee! Ate I miss you so much. Ate Aimee keeps on fighting with me. Suplada siya ee." Pagsumbong niya. Biglang lumabas si Aimee saka pa ngumiti saakin.

Born For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon