Forty-sixth

731 28 0
                                        

"Julie."

"Hmm?" Nasa office ako and yes, puno parin ng flowers tong office. Itong si Elmo kasi push ng push sa flowers trying hard maging si Dad.

"Pwede na ba akong manligaw?" Bigla akong napatahimik. Sigurado na ako pero natatakot parin ako. Paano kung masaktan ako?

"Ha? Kailangan na ba talaga ng sagot ngayon?"

"Hindi naman Julie pero di ko na kasi mapigilan sarili ko ee. Di ko na mapigilang magpigil sa nararamdaman ko." Nabigla ako sa sinabi niya. I didn't know ganun talaga siya kaseryoso sa mga pinagsasabi niya.

"Hmmm. Fine. Napagdesisyunan ko narin naman na. Yes Elmo, I guess it's about time for you to be happy kaya pinapayagan na kitang manligaw." Sabi ko naman. "Yes! Manliligaw na ako!" He shouted. "Uyy baka marinig ka nila maistorbo pa sila." "Wala akong paki Julie thabk you. Thank you talaga" he said saka pa ako niyakap. "Ayy, clingy na manliligaw palang?" "Sorry sorry. Na excite lang. So saan tayo mamaya?" "Saan? Bakit ano bang meron?" I asked. "Ee diba manliligaw ako, o di ilalabas kita." Di naman ako umimik. "Pwedeng next time nalang Moses?" "Fine fine." He said.

Natapos yung araw na masaya si Elmo at somehow masaya din ako. Siyempre naman masaya yung mahal ko ee. Oo inaamin ko nang nalaglag na ako kay Elmo at di ko na rin napigilan pa.

Nagdrive ako pauwi to let the three know what happened.

Pagdating ko, nadatnan kong nanonood si Trisha ng TV, Niks is surfing the Net while Maqui's Texting.

"Guys, may sasabihin ako."

"Ano yun Julie? Dali na wag mo na kaming bitinin kundi makakatikim ka ng tatlong pektos!" Trisha said. Lumapit naman na sina Niko and Maqui saamin ni Trisha sa couch. Pinatay ni Trisha yung TV para daw siguradong maiintindihan nila yung sasabihin ko.

"Ano na Jules?" Maqui asked. "Excited Maq? Eto na. Kasi ganito yun guys, ano ahm... Pinayagan ko na si Elmo na manligaw saakin." "O my Gosshhh!" The two girls shouted. Ngumiti naman si Niks. "And?" "And di ko alam kung anong gagawin ko. Guys tulungan niyo ako sa panliligaw saakin ni Elmo." Sabi ko. "Kaming tatlo na yung bahal sa kanya Julie. Seat back relax and kiligin." Kindat naman ni Maqui. Bigla akong kinilabutan sa pagkakakindat ni Maqui. Jusme baka naman pahirapan nila si Elmo nakakahiya doon sa tao.

"Julie wag kang mag alala, di namin siya pahihirapan pero kasi nga diba, first time mong magkaroon ng manliligaw, first time mong maiinlove so kami na bahala sa extra curricular activities." Trish said on the other hand. Tumango ako saka sila nginitian. Sana nga maganda yung gagawin nitong tatlong to baka mamaya mahirapan si Elmo.

"Guys, kain tayo sa labas. Namimiss ko nang magdinner sa labas ee, toxic sa SJC tas toxic pa dito sa condo. Tara na!" Aya ni Niks. Tumango kaming lahat at nagbihis saka na umalis sa condo.

"Saan naman tayo kakain Niks?" Trish asked.

"Mag McDo nalang tayo. I'm sure miss niyo na mag chicken fillet." He said. Oo nga no? ang tagal na kaming hindi nag ma McDo buti nalang at brainy tong si Niks.

"Oo nga namiss ko na yung chicken nila. Shemay naglalaway tuloy ako." Trish said. "Yuck Trish PG ever!" Sabi naman ni Maqui. "Magtigil ka French ha kung ayaw mong ma sumo dito." Sabi naman ni Trish saka pa kami nagtawanan na apat. Haaay kakamiss tong mga tawanang ganito, yung walang problema. Yung dedma muna sa trabaho.

Nakarating kami sa McDo ng SM Mall of Asia and good thing walang masyadong tao. Sakto lang, maybe dahil schooldays at medyo late narin. Iba din kasi makaisip nitong mga kaibigan ko ee, nocturnals pala kami kaya gantong oras kami gumala.

Pagkaorder namin, nagsikain na kami.

"Hanggang ngayon nagiisip parin ako kung anong pwede nating ipagawa kay Mokong." Maqui said while eating. "Ako rin. Ano nga kayang pwedeng gawin?" Sabi naman ni Niko. "What if Traditional panliligaw. Like maglilinis sa bahay, or maghuhugas ng pinggan or maglilinis ng CR and the like." Trish said. "Boom! Talino mo talaga Trisha ikaw na ikaw na talaga!" Maqui said. "Oo nga, saan mo nakuha yan oy Improving ha? Congrats!" Sigaw naman ni Niks. Umiling naman ako saka ngumiti. Bahala sila diyan.

"Anong una nating ipapagawa?" Niks asked.

"Maglaba muna siya ng mga damit natin, T-Shirts and pants. Wag na undies jusme nakakahiya." Maqui said. Tumango naman sila ni Niko and Trish.

"Then linisan niya yung CR natin para naman nakakatuwang magbawas." Trisha siad. "Oo nga tama." Niks said.

"Hoy wag niyo namang pahirapan si Elmo baka magsawa yun ee." I said.

"Alam mo Julie, kung mahal ka talaga niyang si Elmo, gagawin niya lahat. Hindi ka niya isusuko." Maqui said. Tumango naman ako saka ngumiti. Nagkwentuhan pa kami ng konti saka na umuwi.

Born For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon