Sixty-fourth

924 21 0
                                    

Naglalakad kaming dalawa, holding hands sa may gilid ng pool. Konti narin yung mga tao dahil siguro gabi na.

"I love you Juju baby" he said. Ngumiti naman ako saka sumagot "I love you too Emam baby" saka din siya ngumiti.

May hinablot siya sa kanyang bulsa. Isang panyo at tinupi-tupi ito hanggang sa maging isang piring. Piring? Bakit niya ako pipiringan?

"Juju baby, wear this" he said saka na pinaikot yung panyo sa may bahagi ng mata ko paikot sa likod ng ulo ko.

"What's with this Emam? Natatakot ako baka matisod ako."

"Shhhh. As long as you're with me, you should not be afraid. Hurting you is the least thing I will do" he said. Napaiyak naman ako sa sinabi niya. Nabasa tuloy yung panyo niya pero okay lang sa maganda naman yung luha ee. Choss

"Emam saan tayo pupunta?" Naglakad na kasi siya hawak-hawak yung kamay ko. Sobrang higpit ng hawak ko kasi baka mamaya matisod ako.

Hindi siya sumagot bagkus inalalayan pa ako ng maigi. Nararamdaman kong napapalayo na kami sa kinalalagyan namin kasi naman ang tagal na naming naglalakad.

"Emam saan na ba tayo?" I asked him. Di parin siya sumasagot. Pipi na ba tong Mokong na to? Ang daming paandar ha pero kinikilig ako.

Huminto siya kaya napahinto narin ako. Naramdaman ko yung kamay niya na nakahawak sa may parte ng pagkakatali nung panyo. Aalisin na niya ito. Can't wait to see his surprise.

"Julie Anne San Jose soon to be Julie Anne San Jose Magalona" I heard him. Lumingon ako kung sino yung nagtanggal sa panyo pero wala na siya. Tong Mokong talaga na to tsk. Napangiti ako sa kanya at kumindat naman siya.

"I know this scene is too cliche for the both of us. I mean, I've done this to all the places we visited pero I want to make every scene special." He said. Napaiyak naman ako siya kasi ee pinapakilig nanaman niya ako. Everyone's looking at the both of us paano ba naman, magset up ng stage sa may pool area tapos madaming balloons na nakalutang at napapaligiran pa ng flowers. May konting lights na nakasindi pero mas madaming candles na umiilaw. The place is very beautiful.

"I want to express how deep my love for you is through this simple presentation for you." Saka na siya umalis doon sa kinalalagyan niya. May mga batang tumaas sa stage at may hawak na mga illustration board at nakaharap saakin yung white side niya. Ngayon ko lang napansin yung mga projectors na nakaset-up sa ibat ibang side ng pool.

Nagsimulang tumugtog yung kanta and the pictures flashed through the projectors. Nagreflect yung mga yun sa hawak na boards nung mga bata. All our pictures mula pagkabata sa playroom at habang nagple play yun ay nagsimula na siyang magsalita.

"We've known each other since day on of our lives even when both of us are still on our mom's tummies" he started talking again.

"Naalala ko ayaw mong matulog hanggat hindi mo ako katabi and vice versa. Natutuwa pa yung mga tao saating dalawa dahil we both act as couple kahit bata pa tayo siguro dahil punong-puno tayo ng sweetbones sa katawan natin." I began crying. Nakakatouch yung sinasabi niya ee.

"Manang Aira once said to mom and dad, well I'm listening to their talks, 'bakit hindi niyo nalang po i fixed-marriage yung dalawa? Ang sweet nilang tignan ee ke bata bata' napangiti ako sa sinabi ni Manang pero dad and mom said ' As much as gusto din namin nina Tobias na mangyari yun, mas maganda naman sigurong sila ang pipili ng mga mapapangasawa nila' well at first my shoulders were downed yet alam kong one day ikaw yung makakatuluyan ko"

"Until destiny began working again for our futures. Bumalik ako galing states to start my life again. I took my college life here in the Philippines and graduated. My heart was broken when I bumped at you. Shattered, wasted, hurt. I thought meeting you at the bar was our last meet-up yet you inisisted your pride and reported me. Natatawa parin ako sa mga pangyayaring iyon. First-time kong mareport sa presinto nun at ikaw lang ang gumawa nun well di din kita masisisi dahil nga nasaktan kita physically" napangiti ako sa mga sinasabi niya. Memories came rushing back again and again. Pakiramdam ko tuloy muntanga na ako sa kakangiti dito.

Born For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon