Naalimpungatan akong wala na si Elmo sa tabi ko. Baka nasa baba lang.
Bumaba ako para tignan si Elmo pero wala siya sa living room ng second floor so bumaba ulit ako para tignan siya sa Ground floor pero wala parin siya doon sa living room.
"Sinong hinahanap mo Jules?" Kuya Gab asked.
"Ahh si Elmo po."
"Asa garden siya. Puntahan mo nalang doon." He said. Tumungo muna ako sa kusina para uminom ng tubig saka dinala yung baso palabas sa garden.
Pagbukas ko ng pinto, he... he is kissing Lauren. He is kissing his Ex. Naramdaman kong tumulo yung luha ko at bumagsak yung basong dala ko kaya nabasag. Noong narinig nila yun ay napalingon siang dalawa saakin. Agad akong tumakbo palabas ng bahay. Tuloy tuloy lang ang buhos ng luha ko.
"Juju wait lang baby!" Sigaw ni Elmo habang hinahabol ako sa pagtakbo.
"Juju wait lang hintayin mo ako!" He said. Lumalabo na yung mata ko dahil sa mga namuong luha sa mata ko pero tuloy parin ako sa paglakad palayo sa kanya.
Agad kong tinawagan sina Maqui.
"He..hello Maqui. *Hik* Maqui su...*hik* sunduin niyo ako dito."
"Ha? Anong nangyari Julie? Wait wait. Papunta na kaming tatlo." Inend ko na yung tawag kay Maqui at tumakbo pa ako palayo. Naramdaman kong hinahabol ako ni Elmo pero di ko siya pinapansin. Masakit pala. Masakit sobrang sakit.
Lumingon ako sa likod at di ko na nakita si Elmo na humahabol. Baka naisipan niyang hindi ako dapat hinahabol. Pakiramdam ko panakip-butas lang ako sa kanya ee.
Nagtago ako sa likod ng isang establishment. Iyak parin ako ng iyak. Pakiramdam ko di na ako huhupaan ng luha ee.
"Takte naman Elmo ee! Tang ina mo shet ka!" Tuloy tuloy na sabi ko sa sarili ko.
Nagtext saakin sina Maqui. Andito na daw sila sa Tagaytay. Tinext ko yung location ko sakanila. After ilang minuto, nakarinig ako ng mga yapak na tumatakbo. Nakita kong sina Maqui na iyon.
"Maqui. *Hik* Maqui, masakit. Ma...masakit Maqui. Sobrang sakit. *Hik*"
"Ano bang nangyayari Jules?"
"U...uwi na tayo. *Hik* uwi na tayo sa Manila. Ayaw ko na dito. *Hik.* Masakit." Nakita ko yung pagaalala nila sa mga mukha nila. Tumango sila saka na kami pumasok sa sasakyan. Nakita ko si Elmo na tumatakbo papalapit saamin.
"Maqui please paki-andar mo na!" I said.
"Pero."
"Please Maqui!" I shouted. Pinaandar naman na nila yung kotse at di na kami naabutan ni Elmo. Wag kang lilingon Julie wag kang lilingon. Lumingon ako sa kanya, bagsak ang balikat niya at nakita kong umiiyak siya.
Patuloy parin akong umiiyak habang nasa daan kami. Pinapatahan naman ako ng mga kaibigan ko pero di talaga napapalitan yung sakit ee. Tang-ina naman Elmo ee! Tang-ina mo talaga!
"Hindi ko alam ee. Pakiramdam ko *hik* pakiramdam ko panakip-butas lang ako. Guys, ganon ba talaga kasakit? *hik*"
"A-ano bang nangyari?"
"I..I saw him. He's...he's kissing his Ex. *Hik* naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko kasi hinayaan kong mahulog ako! *Hik* tang-ina naman ee! Puta talaga!" Tuloy tuloy kong sabi. Heto nanaman yung luha ko.
"Jules, tahan na. Kami nahihirapan sayo ee. Baka atakihin ka nanaman."
"So what? Wala naman nang may pakialam saakin. Yung...yung boyfriend ko nga ayun nakikipaghalikan sa iba ee. *hik*"
![](https://img.wattpad.com/cover/47167393-288-k522251.jpg)
BINABASA MO ANG
Born For You
Fiksi PenggemarMay posibilidad bang ang dating magkababata na nagkahiwalay ay magkita ulit sa isang pambihirang pagkakataon? Tadhana nga ba ito o nagkataon lang? May isa nga bang taong nakalaan para sa isa pa?