Fifty-sixth

877 26 1
                                        

"Juju Baby come. May pupuntahan tayo."

"Ha? Pero Emam office hours pa oh?"

"Nagpaalam na ako kay daddy. Basta tara na!"

"Ha?" Wala na akong nagawa dahil kinuha na niya yung kamay ko.

"Saan ba tayo pupunta Emam? bigla bigka ka nanamang nanghahablot ee."

"Sorry pero promise magugustuhan mo ito." He said.
"Kahit naman ano magugustuhan ko ee basta kasama kita. Kahit simpleng kain lang diyan sa tabi." Ngumiti siya saakin pero hinatak na niya ulit ako.

Saan nanaman ba kami pupunta? Jusme and dami na naming pinupuntahan lately. Hindi ko narin na aaccount ng tama yung ibang expenses niya. Bad accountant.

Bumaba na kami at sumakay na sa kotse niya. Nakita ko ang isang maleta at nagtaka ako. Bakit may maleta dito saan kami pupunta?

"Elmo bakit may maleta dito? Saan tayo pupunta?"

"Pina impake ko yung mga gamit mo. Pupunta tayo sa Pagudpod." He said.

"Pagudpod? Emam naman ee malayo yun ee. Di pa ako nakakapagpaalam kina Mommy and Daddy pati kina Maqui."

"Wag mo nang alalahanin, naipaalam ko na lahat kina tito Tob at kina Maqui. Basta I love you Juju Baby"

"I love you too Emam pero nakakabigla parin ha?"

"Sorry hehe. Gusto ko kasing puno lagi ng surprises yung relationship natin. Gusto kong suklian lahat ng ginawa mo saakin."

"Ha? Ano bang nagawa ko? Wala pa nga akong nagagawa ee. Ikaw lahat ang meron tapos ikaw pa manunukli?"

"Di mo man napapansin, maraming nakapansin. Juju Baby, I've changed a lot. I do my hometasks, lagi na daw akong pumapasok and most of all, di ko na daw sinasagot sina Dad and Mom." Ngumiti ako sa kanya.

"Emam, ikaw yung nagpabago ng sarili mo. Naging factor lang ako para mas magbago ka pero you're always welcome Emam. I love you." Ngumiti siya at hinalikan na yung kamay ko.

Napatingin ako sa calendar dito sa phone ko and O my! Magi-isang taon na pala kami sa makalawa. Nalimtan kong bumili ng gift sa kanya. Nahihiya ako. Kaya ba napili niyang mag Pagudpod kami?

Hay ELMO MOSES MAGALONA punong puno ka ng surprises. Kaya mahal na mahal kita ee. Just don't break my heart kundi kakalbuhin kita. Joke.

Nakatulog ako dahil malayong malayo yung biyahe namin. From NCR to Ilocos? Jusme.

Nagising ako ng huminto yung kotse niya.

"Andito na ba tayo?" Pungas pungas ko pang sabi.

"Juju Baby wala pa. Nagstop over lang tayo kasi lunch tume na. Tara na kain tayo saglit." He said. Lumabas narin ako ng kotse niya at pumasok sa isang fastfood chain.

Nagselfie kaming dalawa saka na umalis.

"You know what, nagseselos na sina Maqui."

"Haha bakit naman?"

"Kasi lagi mo na daw akong inaagaw sa kanila pero wala naman silang magawa kasi mahal daw nila tayong dalawa."

"Sina Maqui talaga. Sabihin mo pag nagkaroon ng time, tayong magbabarkada ang lalabas. But for now, sosolohin muna kita. Ayaw ko namang nay kaagaw ako kay Juju baby ko no?"

"Aba possessive ha?"

"Siyempre naman. My property is my property. Limited sharing lang mga one percent tapos yung ninety nine percent saakin na. Sorry Juju baby pero ganun talaga ako magmahal. May hangganan ang hawak sayo ng ibang tao but of course unlimited saakin. Akin ka lang." Di ko maiwasang mapangiti. Paano ba naman OA na yung mga sinasabi niya. As if namang may magagawa pa ako. Kinuha ko nalang yung kamay niya at hinalikan ko. Nabigla siya at ngumiti. Kinuha naman niya yung kamay ko at hinalikan niya ulit. Aba aba kinikilig ako.

Born For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon