CHAPTER 3

4.6K 109 3
                                    

Sophie's POV

"Good morning Class!"

Tumayo kami. "Goodmorning Sir."

"You may all take your seats."

Umupo kami. Grabe hindi ko kinaya 'yung tsismis sa room. Pag-pasok pa lang namin, bulong-bulungan agad sumalubong samin.

Model 'daw ako.

Sikat 'daw ako.

Aish. Ewan. Paniguradong boring na naman. Bukod sa wala akong kakilala (except kay Alvienne) parang anytime matutuyuan ako ng laway.

"Okay class, since first day of school,  I'll introduce myself. I'm dwane Lim your music teacher and I'm gonna be your adviser for the whole school year. And since mero'ng new transferee dito please come to the front and introduce yourself." 

Tumingin silang lahat sa'kin. As in. Sabay-sabay. Nagulat ako. Bakit? Ako lang yung new transfer dito sa room namin?

Ngumiti sakin si Sir. "You may introduce yourself here, Miss." Sabi ni Sir. Dwane. Tumayo ako at pumunta sa harap.

"Hi, I'm Sophie Saavedra, and I like modeling." Medyo karamihan sa kanila nagulat. Siguro dahil new transferee ako? Pero teka.. parang kanina lang kung makapag-chismisan sila akala mo wala ako sa harap nila tapos magugulat sila sa nalaman nila tungkol sakin?  At syempre tsismis na naman 'yan. 

Pag-katapos kong mag-introduce, umupo ako sa tabi ni Alvienne.

"Oh, you must be the new tansferee, right?."

Tumango ako.

"It's my pleasure to see you in my class." 

"Famewore."Tinignan ko si Kaysie. Hindi ko alam na ka-roommate ko siya sa firsts subject ko.

"Anyway, wince first day of school at alam kong hindi pa kayo handa sa discussion. Maiiwan ko muna kayo, I'll give you time to get together. Are we clear?"

"Yes, Sir Dwane!" Tumayo si Sir Dwane at lumabas ng Room. Tapos biglang nag-hiyawan yung mga classmates ko. Akala mo naman ngayon lang nakaranas ng walang prof.

Maya-maya nakarinig ako ng tilian sa corridor.

"Kkkkyyyaaaahhh! I love you All Fighters!!"

"I love you, Prince Clark!."

"Waahhh!! Ang pogi mo talaga Ivan!"

"Huhuhuhu! Sana i-date 'rin ako ni prince August!!"

"Err. Basta ako! Bet ko silang lahat hihi."

'Yan yung mga sinisigaw nila sa corridor. Akala mo naman ngayon lang nakakita ng gwapo. Hello? Maraming gwapo dito kaso mukhang hindi naman napapansin dahil sa mga lalaking 'to.

Nakita ko si Alvienne, naka-silip sa bintana. Malapit kami sa bintana kaya nakikita namin kung sino 'yung mga dumadaan.

"Hoy! Anong ginagawa mo diyan, Alvienne?"

"Tinitingnan ko lang kung sila Clark 'yung mga dumadaan."

"Ha? Bakit naman? Sino 'yung Clark na 'yun?" Tanong ko. Parang naku-curious tuloy ako.

Lumapit siya sa akin. "Hindi mo ba kilala si Clark? My god!"

HONESTLY!

"Natural, boba ka talaga. I'm new here, common sense naman."

"Hays! Sige na nga. Ikekwento ko na lang sa'yo."

Nag-poker face ako. "'Wag na. Mukhang napipilitan ka eh."

Forced To Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon