CHAPTER 10

2.4K 64 0
                                    

Chapter 10 ~ Meet Him/Her

Cloyd's POV

Woah! May POV din pala ako? Nuks! Bait talaga ni Author! Ever. Uy nakangiti na yan.

Hehe. Nga pala! Cloyd Bequillo, 18 yrs old. Business Management and I like Soccer. Mahilig din ako mag basketball, kaso mas pinili ko ang soccer dahil kagustuhan na rin 'yun ng Fighters, which is nagustuhan ko naman.

Lovelife ba? Wala ako niyan! Di pa ready eh. Nag-aantay pa ng blessing ni God. *prayer*

Anyway! Dito ako sa Mall. Wala lang, palamig lang ako. Bumili na rin ako ng rubbershoes sa SKETCHERS para na rin yun sa laban namin next week. Tapos nag ikot-ikot ako at kumain. Pagkatapos, pumasok ako sa isang botique para bumili ng panibagong Jacket at pants! Dagdag rin to sa mga damit ko.

Pumunta ako sa Cashier at binigay yung damit.

"Sir, P2,300 po," Cashier. Nag abot ako ng 2500

"Thank you, sir," Cashier.

Ampucha! Nalimutan ko! Wala pala akong dalang kotse! Aish! No choice kundi mag-commute. Psh.

***

Paglabas ko sa Mall. Dumiretso ako sa terminal ng FX at sumakay. At habang nag-aantay ng pasahero, kinuha ko yung Cellphone ko at nag-music! Kinabit ko rin yung earphone at nakinig ng mga kanta.

The way na lumalakas yung beat ng kanta parang unti-unti na rin ako sumisigla. Kakaiba. Ganon talaga. Gwapo eh.

Ang sarap talaga kapag ang ganda ng kanta tapos hindi mo maiwasang mag imagine na kahit alam mong sa isip mo lang magagawa?

"Kuya, pwede bang pausog? Naiipit na kasi ako dito eh!"

Sabi nung babaeng katabi ko. Alam mo yung ang ganda ng imagine mo? Tapos may ganitong scene pa sa buhay?

Umusog ako ng kaunti.

"Salamat sa pag-usog ha? Ang laking tulong," alam kong sarcastic yung pagkakasabi niya nun!

Naiinis na talaga ako kaya tinanggal ko yung earphone ko at humarap sa kanya. upset emoticon

"Miss,--"

O______­_O

Napatigil ako sa pag-sasalita! Langya! Ang ganda niya! Yung kaninang badtrip ko, biglang naglaho.

"What?!" Tumingin siya sa akin. Nagtataka!

Ampotek! Bakit ang cute ng mga mata niya? Yung skin niya? Yung lips niya? Yung boses niya? Yung siya! Lahat lahat!!

"W-wala,"

Mga fourtyfive minutes yung byahe mula sa terminal hangang sa kanto ng Village namin. Pero dende pa yun kung anong oras ako uuwi. Pagka mga ganitong oras, umaabot ng kalahating oras hanggang Isang oras! Pero sa ganitong kalagayan kahit sa sampung oras pa!

Ayoko ng pumara kahit san pumunta~

Ayoko ng pumara kung ikaw ang kasama

Ayoko nang pumara. Ayoko nang pumara.

Ayoko na ahhh.

Ayoko nang pumara kahit san pa lumiko.

Ayoko nang pumara sana di na huminto

Ayoko ng pumara Ayoko ng pumara

Ayoko na Kung ikaw ang kasama.~

Hindi mawala yung ngiti sa labi ko! Ewan ko ba? Nababaliw na ata ako! Kinabit ko ulit yung earphone at nakinig ng songs.

(Now Playing: Jeepney love story)

Nak ng teteng! Ba't ito yung kanta? Diba FX love story dapat yung title? Hindi jeepney! Nak ng! Author naman! ! Aish! Di bale na.

Sumandal ako para medyo malapit-lapit ako sa kanya.

Langya talaga! Bakit ang bango niya?

"Oh! Yung mga baba sa *toooot* Village!" sabi ni kuyang driver.

Woooo! Takte! Kalungkot naman. Magkakalayo na kami ni Ganda.

"Excuse me, miss." Sabi ko sa kanya.

Binuksan niya yung pintuan sa harap at bumaba siya para makababa ako.

Alam mo yung feeling na kahit ang sama-sama ng tingin niya sakin pero parang feeling ko lalo pa siyang gumaganda sa gesture niya? Kahit halata mong palaban at tomboy ang isang to ang ganda pa rin.

Grabe parang na-biktima ata ako ng love at first sight.

Naglakad ako papasok sa Village. Naka-ngiti. Inaala siya. Pag-kauwi ko. Nag open agad ako ng Twitter at nag tweet.

Now, I believe in love at first sigh.

Pagkatapos ko nun. Tumunog yung Cellphone ko. May-nagtext.

From: 0978*******

"Hi, Cloyd. Ako pala si Kirsten Dee. Nakita ko yung ID mo sa upuan sa FX. Nahulog mo ata. Don't worry. Wala naman akong balak kunin ang ID mo. Ibabalik ko na lang sayo kapag nag-kita tayo next time. Good thing at same tayo ng university. Kaso engineering ako at Business Management ka. Malayo sa building namin. Pero okay lang. Basta text me kung kailangan mo nang kunin itong ID mo. Just in case na kailangan mo na."

I stunned. Did she say next time? Na magkita kami next time? King ina. Alam ko na ngayon yung feeling na kinikilig. Amputs! Bakla na ata ako.

***

Alvienne's POV

Hello! Siguro naman you know me na? Hindi ba? Kasi pinakilala ako ni Sophie sa inyo. So kailangan ko pa bang i-describe ang sarili ko? Ahihi. Yeah!

Alvienne looks like: sexy, smart, beatiful, at higit sa lahat talented ako! Pak! Ganern! Orrayt!

By the way, maganda ulit yung araw ko ngayon, dahil nakapag-pasok na naman ako ng panibagong product sa Subject ni Ma'am Chrishtie. Naisip ko. Baka may dalang suwerte yung bago kong mga kaibigan pero ayokong isipin yun! Aish! Ang gulo! Kilala mo na naman sila, hindi ba? Sila; Ivan, Monique, Cloyd, August my crush hihi, and last but not the list Jayson! Shet!

Ahihi! Di bale! Mag-bake na lang ako ng specialty Chocolate cake ko! (Actually nakuha ko lang yun kay Sophie. Fav. Kasi yun ni Sophie eh. Kaya yun lagi binibake niya para sa akin kapag andun ako sa bahay nila.)

Tapos bibigyan kong Cake si August! Hehe! Uy! Wag kayong magisip ng kung ano ha! Ibibigay ko to sa kanya! Para maging close ko siya. Haha. Bye-bye.

Forced To Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon