Hera's POV"Anong ibig mong sabihin na hindi mo kaya na wala ako?!"
"These past few days, bigla ako nag-karoon nung urge na gawin kong miserable ang buhay ko. That time, ikaw agad yung pumasok sa isip ko. Sinabi ko sa sarili ko kaya, kaya kitang hindi pansinin ng ilang araw? Pero shit! Wala pang dalawang araw hindi ko na agad kinaya. At dun ko na-realize na gusto na kita. Alam mo kung bakit? Lagi ka kasing tumatakbo sa isip ko. Hindi ka maalis sa paningin ko. Ewan ko ba sa sarili ko, kailangan ko lang pala gawing miserable yung buhay ko para ma-realize kong gusto kita. Ang clichè man intindihin. Pero yun yung nangyari." Tumawa siya. Katwiran nitong labanos na to.
"Pero mali pa rin yung ginawa mo. Alam mo bang nahirapan rin ako sa ginawa mo?" Bumitaw siya sa tapos tumingin siya sakin ng nakakaloko.
"It means, may gusto ka rin sakin?"
"H-uh? W-wala akong sinasabing ganyan!" Yumuko ako. Bwisit. Bakit kinikilig ako?!
"Aw. Ganon ba? Okay.." Tiningnan ko siya. Nag-lalakad na siya palayo.
"Hoy saan ka pupunta? Hoy! Ano? Iiwan mo naman ako? Wag mong sabihin china-challenge mo na naman yung sarili mo?!" Omygod! Bakit hindi siya lumilingon.
Naman eh.
"Oo na! Oo na! Gusto na kita! Ano masaya ka na?!" Sigaw ko. Umiyak ako. Wala na! Nasabi ko na. Ibig sabihin nun handa na ulit akong masaktan.
Humarap siya. Nag madaling lumapit sakin.
"Ano yun ulit? Hindi ko narinig!"
"Ano? Bahala ka sa buhay mo!" Tinalikuran ko siya.
"Hoy! Hindi ko talaga narinig yung sinabi mo!"
"Hindi mo narinig pero bumalik ka!" Tumakbo ako. Binilisan ko pa nung maramdaman kong hinahabol niya ako.
"Sabihin mo na kasi. Ikaw rin. Hindi kita titigilan!" Tumigil ako sa pag-takbo.
"OO NA! GUSTO NA KITA! GUSTONG GUSTO RIN KITA! MASAYA KA NA?!" Hala siya. Bigla siyang napatigil tapos bigla siyang nag-lakad palayo. Hinabol ko siya.
Ang lakas makadrama ng isang to.
"Hoy! Harapin moko sabi eh!" Kinalabit ko siya.
"Ayoko!" Hard headed guy.
"Harapin moko sabi eh. Sasapakin kita!"
"Ayoko nga!
"Hoy kinakausap kita diba? Bakit ayaw mo humarap? Bakla ka ba?" Nakita kong natigilan siya. Edi natahimik siya.
"May bakla bang may gusto sa babae?!" Aba!
"Edi humarap ka!" Tinutulak ko siya para humarap pero ayaw niya talaga. Aba bastusing bata!
"Ayoko. Kapag humarap ako baka biro na lang bigla lahat ng nalaman ko. Lahat ng nakita ko. Lahat ng bagay na sinabi mo. Umamin ka nga pero parang feeling ko nanaginip ako. Kaya hindi ako haharap sayo. Baka kasi kapag makita kita mabura lahat ng nangyari kanina. Para kang isang virus once na kumalat ka sa sistena ko ang hirap mo na tangalin kaya ayoko!" Ngumiti ako. Lumapit ako sa kanya. Hinarap ko siya.
Natawa ako. "Para kang ewan!" Napadilat siya.
"Sinasabi ko nㅡ"
"Totoo lahat ng narinig mo." Pumikit ulit siya. Tapos dumilat ulit.
"Talaga? Hindi ako nanaginip?" Kinurot ko siya. Napa-aww naman siya.
"Ano? Nanaginip ka?" Tumawa ako. Tapos nagulat ako nung bigla niya ako halikan sa labi.
BINABASA MO ANG
Forced To Love
RomanceSophie Saavedra is a popular model in korea. Until she returned in the Philippines because of an unexpected event. But that is not the reason why she returned. She need to know about her anonymous fiancè. Until one day, they meet accidentally. What...