CHAPTER 19

1.8K 46 1
                                    

Chapter 19 ~ Insta...



Third Person's POV


NANG magising si Sophie kinabukasan, wala na si Jayson sa kanyang tabi.

Nag-sisimula nang mag-liwanag sa labas ng bintana nang maramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang noo at marinig ang pag-bulong nito ng "Good morning."

Nagawa pa niyang masilip ang likod nito habang palabas ito ng kanyang kuwarto bago siya nakatulog uli.

Alam niyang tanghali na. Gising na gising na siya pero hindi pa siya bumabangon. Sa halip, parang timang na ilang minutong ngumiti muna siya habang nakatitig sa kisame bago siya umupo. Saka siya nag-tungo sa banyo para maligo.

Sophie's POV

*knock-knock*

"Come in." Sigaw ko. Nakita kong pumihit ang door knob at niluwa nun si Alvienne at Kirsten.

"Goodmornin-Ayy hindi! Goodafternoon pala." Tumango ako sa kanila. Medyo bad mood ako ngayon, e sa ewan ko ba. Parang bigla akong nawalan ng mood makipag-usap. Ramdam ko parin kasi 'yung sakit. Ganon pala talaga pagka first time? Aww.

"Bad mood? Haha. Ikaw bad mood si Jayson good mood." Kumunot noo ako kay Kirsten.

"And wierd talaga ng Fiancè mo Sophie."

"Bakit?!"

"Nakakapag-taka kasi, simula kasi ng lumabas siya dito sa kwarto mo. Ang lapad na ng ngiti niya. Kapag tinatanong naman namin siya, ngiti lang sinasagot niya." Tinitigan ako ni Alvienne. Bakas sa mukha niya ang pag-oobserba kaya umiwas ako ng tingin. Malala 'to. Umaatake na naman siguro pagiging curious nito.

"Tell me, may nangyari ba? I mean err.. Ang hirap i-explain."

"Ano pinag-sasabi mo? Ngumi-ngiti lang 'yung tao may nangyari na agad? Hindi ba pwedeng good mood lang? Parang hindi naman kayo sanay kay Jayson. Alam niyo namang bipolar 'yun eh." Sabat k-Aww! Nakaramdam ako ng sakit nang pinilit kong tumayo para kunin ang Phone.

"Sabagay."

Hayys! Sa wakas tumigil 'din sila. Ang kesho lang, tumambay pa dito sa kwarto. Gusto ko sanang makipag-face time kay Kuya Symone para kamustahin sila. Err kahit one day lang kami nawala miss ko na agad sila mommy at daddy. I'm about to speak ng biglang humiyaw si Alvienne. "Problema mo?!"

"Kyaaaa~!" Hiyaw niya with matching padyak padyak pa 'yan sa higaan. Napaka-walang manners talaga. Siya kaya pag-ligpitin ko ng kama? "Look at this."

Turo niya sa IPod niya. Naki-sosyo naman si Kirsten at saka biglang tumawa ng malakas. Kaya na-curious tuloy ako. Kaso peste! Nahihirapan akong gumalaw. "Buwahahaha! Letseng August 'yan. Hindi na tumino." Tumakbo palapit sakin si Alvienne saka pinakita ang post ni August sa Instagram.

"Lintek! Mwhahaha! Parang timang si Jayson!" Ani ko. Bwahaha! Akala ko kung ano na. Haha hindi ko tuloy maiwasang matawa sa nakita ko.

Jayson's Weird. - This is the caption.

Nag-post si August sa Insta.. August take a selfie while Jayson is on his back sitting on the couch wearing his mischievouse smile. Wierdo!

Natatawa ako sa lapad ng ngiti niya. Ano kaya nakain nito? Baka sakaling pwede kong ipakain sa kanya araw-araw.

Dahil natuwa ako sa selfie ni August. Nag-online ako saka hinanap ang name ni August. Pag-visit ko sa page niya tinap ko agad 'yung picture saka nag comment ng-"Weirdo! Haha! (•.• )7" with emoticon pa 'yan ha.

Forced To Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon