Sophie's POV
Nagising ako na masakit ang mga mata ko. Hindi ko rin napansin na nakahiga ako sa kama. Tumingin ako sa gilid at nakita kong natutulog si Jayson.
Sana naman magkaayos na kami ngayon. Tumayo ako saka pumasok sa Cr. Naligo na rin ako bago lumabas. Nakita kong nakakalat parin yung basag na vase. Lumabas ako sa kwarto at kumuha ng panlinis. Pagbalik ko nakita kong natutulog pa rin si Jayson.
Winalis ko lahat ng basag na vase pagkatapos lumapit ako kay Jayson. Tinitigan ko siya. "Goodmorning, Baby." Hinalikan ko siya.
Pero wrong move dahil bigla siyang dumilat. Akala ko sisigawan niya ako pero bigla siyang pumikit at tinalikuran ako.
Pumunta ako sa dining at naabutan kong kumakain na si Chloe at Charles.
"Goodmorning ate! Kain ka na." Umupo ako sa tabi ni Chloe. Naglagay ako ng pagkain sa plato ko ng mapatingin ako sa wall clock.
"Wala na ba kayong pasok Chloe?"
"Christmast break na po kami." Tumango ako. Parehas pala kami, wala na kaming pasok. Christmast break rin samin katulad sa kanila. Bale, sa January na ulit kami babalik.
"Morning kuya!" Napatingin ako sa kanya. Hindi ko napansing nakaupo siya sa harapan ko.
Hindi niya pinansin yung sinabi ni Chloe. Bagkus, kumain lang siya. Mayamaya, napapansin kong panay hilot siya sa ulo niya.
Hang over, iinom inom hindi naman pala kaya. Kaya tinitigan ko muna siya. Halata mo ang pamumula ng mata niya. Napayuko ako. Kasalanan ko naman eh. Kung hindi ako nag sinungaling sa kanya. Hindi kami mag aaway at hindi siya iiyak.
Tumayo ako at kumuha ng coffee. Less hang over, para kahit papano mawala yung sakit sa ulo niya. Lumapit ako sa kanya.
"J-jayson coffee oh."
"I don't drink coffee from a liar." Natigilan ako. Napatingin ako sa kanila. Halatang nagulat si Charles at Chloe sa sinabi ni Jayson. Hindi naman ata tama na sabihan niya ako ng ganyang salita sa harap nila Chloe.
"Just put it down Ate Sophie." Sabi ni Charles.
Iaabot ko sana yung coffee sa kanya pero bigla niyang tinabig kaya natapon yung coffee. Dahil mainit yun napaso ako.
*broking mug*
"Aww."
"Ayy ako na diyan Hija. Baka masugatan ka pa."
"H-hindi na po manang. Kaya ko naman po." Pinulot ko yung basag na mug pero imbis na mapulot ko. Nadilas pa sa kamay ko kaya nasugatan ako.
"Aww."
"Kami na lang dito Hija. Mabuti pa kung hugasan mo na yan bago ka ma-impeksiyon!"
"Sige na Ate Sophie. Kaya na yan ni Manang. Baka mas-Omygod Ate! Anong nangyari sa kamay mo?" Napatingin ako sa kamay ko.
Ang akala ko yung daliri ko ang tinutukoy niya. Pero nabigla ako nang hawakan niya yung kamay kong may pasa. Tuluyan na siyang naging violet. Kahapon hindi naman ganito ka violet diba?
"W-wala. S-sige kukuha lang ako ng walis." Tumayo ako. Ramdam kong sinusundan ako ng tingin ni Jayson pero hindi ko iyon pinansin.
Pumunta ako sa sink at hinugasan ko yung braso at ang daliri ko. Medyo tumigil na yung pagdudugo.
Pero hindi ko talaga maiwasang maiyak sa braso ko. Namumula ito. Dala narin siguro sa init ng kape kaya namumula ito. Medyo mahapdi pero pinipilit ko para kahit papano mawala yung sakit dahil sa malamig na tubig na umaagos sa braso ko.
BINABASA MO ANG
Forced To Love
RomanceSophie Saavedra is a popular model in korea. Until she returned in the Philippines because of an unexpected event. But that is not the reason why she returned. She need to know about her anonymous fiancè. Until one day, they meet accidentally. What...