CHAPTER 15

2.5K 70 4
                                    

CHAPTER 15

Sophie's POV

Napakahagikgik ako. Hindi nila napansing pumasok ako.

Napatingin ako sa kanila, pero isa lang ang nakakakuha ng atensiyon ko.

Masyado siyang seryoso para maglaro ng ganyan. Diretso lang yung tingin niya sa nilalaro. Habang yung apat naman ay hindi na maipinta yung mukha sa kakatawa.

Ang saya saya niya tignan. Para bang walang prino-problema. Sana ganyan 'din ako. Yung tipo na kahit mag-kaaway kayo, iisipin mo parin yung positive side kesa sa negative side.

"Would you stop that game for a while, Cloyd? Kukuha lang ako ng pagkain." Kinapa-kapa niya yung plastic ng mga snacks.

"Wala na pala tayong snacks, Stanley. Pwede ba ulit kumuha sa baba?" It's August. Mukhang hindi pa nila ako dito napapansin. Nakapwesto ako dito sa likod nila.

Sila naman busy sa paglalaro, madilim dito sa pwesto ko kaya sa unang tingin hindi mo agad mapapansin na may tao dito sa kinakaupuan ko.

"Go on. Punta ka nalang sa gilid ng Ref. But be sure na doon ka kukuha sa cabinet ni kuya Symone, maraming pagkain at chocolates 'dun. Saka mapapansin mo naman agad 'yun kasi may may nakasulat 'dun na Symone Property" Yeah. He's right. May mga sarili kaming gamit dito sa bahay. I mean, yung mga bagay dito sa bahay namin ay hindi dapat basta basta ginagalaw. Kaya kaming tatlong magkakapatid may sari-sarili kaming lalagyan ng nga pagkain. Like nung sinabi ni Stanley. May mga name na nakalagay.

Sorry kayo ganyan talaga kaming magkakapatid, masyadong madamot sa isa't isa.

"Okay, ako na kukuha. Tigil mo muna yung laro Cloyd madaya ka eh."

Napangiti ako sa sunod na ginawa ni August. He's now looking straight into my eyes while his frowning. Tinitigan niya akong mabuti.

Madilim nga kasi dito sa pwesto ko. Sadyang TV lang yung nakabukas dito.

Halos mapunit na yung mukha ko sa lapad ng ngiti ko.

HAHAHAHAHA

Sh*t! Lalo ko pang pinigilan ang pagtawa ko nung makita kong nanlaki yung mata niya. Dahan dahan siyang lumapit sakin. Pffft.

"Who are you?" Pft. Ang tanga talaga neto. Sino 'daw ako?

Onting pigil pa Sophie. Ang sarap talaga batukan neto ni August.

"Pfft." Napatutop bibig ako. Langya! Hindi ko na kaya. He silently cursed. Nagpigil pa ako ng onti nung makita kong lumingon si Stanley kay August. Isa rin 'to eh.

Yung dalawa naman mukhang kina-career talaga yung pag-lalaro. Ni hindi nga kami napapansin dito eh.

Lumapit pa siya lalo. Kaya hindi ko na napigilang tumawa ng malakas.

"Tanga! Ako 'to si Sophie! HAHAHAHAHA!!"

"SOPHIE?!!!!!!" Tuluyan ng napalingon samin yung tatlo.

O________O

"Pfft. The one and only."

"Anong ginagawa mo diyan?"

Nagkibit balikat ako. "Nothing."

"Kanina ka pa pumasok?"

I nodded.

Nakita kong nakatingin parin silang lahat sakin na para bang nagtatanong ng. Seriously-anong-ginagawa-mo-diyan-look.

"T-teka nga nalilito! Paano ka nakapasok dito?!"

"Papano ka nakapasok, Sophie? Bakit hindi kita nakitang pumasok? Hindi ko naman napansing bumukas yung pintuan." Sunod sunod niyang tanong.

Forced To Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon