Hera's POVHindi ako pinapansin ni Labanos. Ano kayang problema ng isang yun at hindi ako pinapansin. Nakakapanibago, kasi dati araw-araw naman niya ako inaasar at walang oras na hindi niya ako iniinis.
*sigh*
Lonely tuloy ako ngayon.
Napayuko ako nung mapansin kong pinag-titinginan ako ng mga students. Ewan ko ba, dapat nga sanay na ako sa mga ganyang kilos nila. Kasi dati pa lang mahilig na ako sa gulo.
Kaya bakit ngayon nahihiya na ako? Ganto ba yung binjgay na parusa sakin ni Lord?
"Hera!"
"Kirsten."
"Ang lungkot mo ata?" Tumingin tingin siya sa likod ko. Tinaasan ko siya ng kilay. "Weird. Nasan yung linta mong Fiancè?!"
"Hindi ko alam. Diyan diyan lang naman yun."
"War kayo no? Tara sumama ka sakin. Pupunta tayo sa bahay nila Cloyd." Hinila niya ako pero bumitaw ako sa hawak niya.
"Ayoko, Kirsten. Meron pa kasi akong last subject na pupuntahan."
"Sus alam ko naman yun. Pero sige na please?! Para naman may kasama ako. Meron kasing handaan kanila Cloyd kaya pinapapunta niya ako."
"Ikaw na nag-sabi na pinapapunta ka NIYA! It means ikaw lang."
"NO! Pupunta nga sila Sophie, tapos ikaw hindi. Ang unfair mo naman Hera. Sige na sumama ka na, please?!"
"Baka kasi nandon si Au-"
"Hindi ko alam eh. Pero ano? Sasama ka na?" I nodded. No choice ako. Sadyang makulit talaga si Kirsten.
***
Sophie's POV
Lumabas ako sa cubicle.
"Sure ka ba hindi tayo mapapagalitan sa gagawin mo?!"
"Oo. Trust me, makakalabas tayo ng HU kahit hindi pa tapos ang class hour. Saka hello? Last subject na natin papasok ka pa ba nun?!"
"Syempre oo. Baka kasi may ipagawa yung Prof tapos hindi tayo ma-inform ano na lang mangyayari sa grade natin?"
"Ano ka ba Sophie? Bata? Hayaan mo na lang. Alam kong wala naman ipapagawa yung Prof sa kanila."
"How can you be so sure na wala ngang ipapagawa yung Prof?!"
"I just know."
"Bahala ka."
"Yehey! Sasama ka huh?" Tumango ako. Lumabas ako sa Cr. BI talaga si Alvienne. Imbis na sabihan niya ako pumasok, pinag-cut pa ako. Walanjo talaga.
"Sandali!"
"Huh?!" Tinignan ko si Alvienne.
"Sabi ko antayin mo ko. May sasabihin ako sayo." Hinila niya ako papunta sa parking lot.
"Teka? Kotse ni Jayson yun ah?!" Nagulat ako sa nakita ko. Hala? Oo nga.
"Yan nga yung gusto kong sabihin sayo. Hindi mo kasi nakita na dumaan siya kasi lumilipad yang isip mo." Hindi ko siya pinansin. Tumitig lang ako sa kotse.
Hanggang lumabas siya. Nalaglag ang panga ko. As in nalaglag talaga. Yung hangang sahig talaga? Haha joke lang.
"Hi." Ngumiti siya. Bakit sa dalawang araw na hindi namin pag-kikita parang ang laki ng nag-bago samin?
Nag-karoon kami ng awkward moments. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sa ilang araw na hindi niya ako kinausap magagawa ko pa kayang ngumiti sa harapan niya?
BINABASA MO ANG
Forced To Love
RomanceSophie Saavedra is a popular model in korea. Until she returned in the Philippines because of an unexpected event. But that is not the reason why she returned. She need to know about her anonymous fiancè. Until one day, they meet accidentally. What...