August's POV
Naglakad ako palapit kay Hera nung makita ko siya na bumaba sa kotse.
"Babe." Hinalikan ko siya nang makalapit siya sakin. Naglakad ako. Nilingon ko siya nung hindi siya sumusunod sakin.
"Bakit?!" Tinitigan niya ako tapos bigla siyang namula.
"I-itigil mo nga yang p-pagtawag sakin ng b-babe.. Naiilang ako eh." Hinila ko siya.
"Bakit ko naman ititigil? Syempre gusto ko mag karoon tayo ng sariling endearment. Para sweet." Inirapan niya ako tapos pumasok sa loob ng bahay. Sumunod ako sa kanya.
"Bakit hindi ka pa nag aasikaso?!" Tanong niya nang makapasok ako sa loob. Hindi ko siya pinansin.
"Hoy labanos kinakausap kita." Still pretending na hindi ko siya naririnig. Umupo ako sa couch at nag basa ng magazine.
"Hindi ka ba sasagot diyan?!" Naramdaman kong nag lakad siya palapit sakin.
"August." Tinignan ko lang siya nung umupo siya sa tabi ko.
"Tumingin ka nga sakin, kinakausap kita."
"Huh?!" Nagpanggap ako na parang hindi ko naririnig ang sinasabi niya.
"Ang sabi ko meron kayong laban mamaya. Hindi ka pa ba mag aasikaso?!" Umiling ako.
Nakita kong napa-sigh siya. Alam kong pinipigilan niya ang sarili niyang mainis sakin. Ang gusto ko lang naman ang mag karoon kami ng endearment mahirap ba gawin yun? Tatawagin lang naman niya ako ng babe mahirap ba yun?
"Bahala ka." Sabi na eh. Nagpipigil lang siya. Pero lumabas na ngayon.
Akmang aalis siya nung nag salita ako dahilan para mapatigil siya.
"A-ano?!" Humarap ako sa kanya.
"Mahirap ba sabihin yun."
"Anong sinasabi mo?!"
"Tss. Bakit hindi mo magawang tawagin ako ng babe? Mahirap ba sabihin yun?!"
"A-ano. Hindi naman sa ganon." Yumuko siya. "H-hindi kasi ako sanay." Nagulat ako sa sinabi niya. Si Hera na sikat na sikat sa buong HU nahihiya? Tss.
"A-alam kong mahirap intindihin. Pero kasi wala naman tumatawag sakin ng ganyan."
Lumapit ako sa kanya. "Wala? Hindi ka ba nag kaka-bf?!"
"W-wala. I mean, hindi. I have a lot of suitor but everytime na dumarating yung time na sasagutin ko na yung nangliligaw sakin. Doon ko rin nalalaman na meron pala silang girlfriend at ginagamit lang nila ako. Kahit isa sa kanila hanggang doon lang talaga. Kasi hindi naman nila ako siniseryoso." Hinawakan ko siya sa pisngi.
"I'm sorry, babe kung pinipilit kitang tawagin ako ng babe. Pero kasi gusto ko maranasan na sayo mismo nangagaling na tinatawag mo akong babe." Tumingin siya sakin tapos ngumiti.
"O-okay, babe." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Totoo ba yan? Tinawag mo akong babe?!"
"O-oo nga." Sabi niya tapos umalis. Napakamot ako. Nahihiya siya? Haha.
***
Sophie's POV
Lumabas ako sa bahay at papasok na sana ako sa kotse nung tawagin ako ni Yohan.
"Bakit?!" Nilingon ko siya tapos nakita kong hila hila niya si Stanley.
"Sasabay kami sayo. May pupuntahan kasi kami."
"Saan kayo upunta? Wala ka bang pasok Stanley?!" Inirapan lang ako ni Stanley.
"Basta aalis kami. Pasabay kami huh?!" Tumango ako. Pinauna ko silang dalawa at ako naman pumasok sa loob.
BINABASA MO ANG
Forced To Love
RomanceSophie Saavedra is a popular model in korea. Until she returned in the Philippines because of an unexpected event. But that is not the reason why she returned. She need to know about her anonymous fiancè. Until one day, they meet accidentally. What...