Chapter 23 ~ updated
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Cloyd POV
Nakatayo ako sa harap ng room ni Kirsten. Nag-aantay. Okay lang! Sanay naman akong pinag-iintay eh! Haha charot only! Syempre kasi, kapag mahal mo ang tao hihintayin mo siya no matter what happen. Right?
Kaya ito ako ngayon nag-iintay at naglalakbay sa gitna ng dilim~
Joke ulit! Wala akong magawa! Shet! Meron pang half hour bago sila mag-dismiss. Kaya hintay hintay muna Cloyd! Nasa kalagitnaan ako ng pag-mumuni ng lumapit sakin ang babae. "H-hi!"
Tinignan ko 'yung babae ng who-the-hell-are-you?. Ngumiti naman siya. Sus! As if naman madadala niya ako sa ngiti niyang 'yan! "Alexis Montevista! And.. You're Cloyd right?!" Hindi ko siya pinansin. Alam kong rude tignan pero ganito talaga ako sa ibang babae except sa mga friends ko.
"Ahm. Diba ikaw si Cloyd?!" Sabi niya na parang naiinis! Kaya Tumango ako. Nag-taka ako! Kaylangan talaga ulitin ang sinabi? Narinig ko kaya! Saka tinagalog pa! Aba! Anong akala niya sakin? Researcher sa google at ako ang pinag-papractisan niya ng Google translator?!
"So ikaw nga si Cloyd Bequillo!" Tumawa pa siya! Oo tumawa! Sus maryosep! Hindi na ako nag-taka kung bakit kilala niya ako! Eh sa sikat ako dito sa HU eh! Hindi sa nagma-mamayabang pero 'yun talaga ang totoo! "Pwede ba kitang maging date para sa sportfest next week?!"
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya! Kababaeng tao siya pa unang gumawa ng first move para sa lalaki? Hindi niya ba alam. Nakaka-bawas ganda 'yung ginagawa niyang pag-aayang maka-date ako sa sportfest? Kapal naman nito! "Ahm.. Kasi Miss-" miss hindi pwede kasi meron na akong date!
Gusto ko sanang idugtong. "Sige na please.. Kahit isang araw lang?.. Ahm kasi.. Gusto ko lang sana pagselosein 'yung ex ko para bumalik na siya sakin!"
Aba't may sa loko-loko pala 'to eh! Ano ako lalaki sa tabi tabi? Hanep! Gagamitin pa ako para pagselosin ex niya? Eh EX na nga diba? Dapat wala na 'yan eh! Hindi na 'yan binabalikan pa! Kung baga sa math tinatanggal na 'yan! "Hindi pwede Miss. Meron na akong date para sa araw na 'yon. Bakit kasi kaylangan mo pang mag-hanap ng ibang lalaki para pagseselosin siya, tapos gusto mo naman pala siyang bumalik sayo?! Eh di mas lalong hindi 'yun babalik sayo!"
"Huh? Bakit naman?!"
"Kasi Miss iisipin niyang may iba ka na at hindi mo na siya mahal dahil may kinakasama ka ng ibang tao! The worst eh pinagseselos mo lang pala! Pero sa isip isip niya hindi mo na talaga siya mahal! Syempre mapapaisip siya na para saan pa ang pakikipag-balikan niya sayo if may iba ka na?!" Whoo! Ang haba ng litanya ko ah! Napatingin ako sa babae! Eh? Natawa ako!
"Pero ganon kasi ang pinapakita niya sakin.."
"Huh? You mean may kasama 'din siyang ibang babae?" Tumango siya! Eh ang labo naman pala talaga nito eh! "Ahh. Gets ko na!"
"Pano?!"
"Simple! Kasi iniisip mo na pinag-seselos ka niya kahit ang totoo hindi naman! Kasi nakikita mo na parang wala lang sa kanya ang nangyari sa inyo! Kaya ang parang lumalabas sayo na parang ang dali dali para sa kanya ang iwanan ka kaya naisip mong pagselosin siya para ipamukha 'din sa kanya na naka-move on ka na 'din! Eh What if? Kaya siya nakipag-break sayo kasi hindi ka na talaga niya mahal?! No offense ha?"
"Ang hirap lang kasi intindihin Cloyd.."
"Ha? Aish! Pano ba 'to?!" Ahh! Alam ko na! "Alam ko na iniisip mo! Ang hirap niyong intindihing dalawa! Magka-iba kayo ng pananaw at paniniwala! Ano ba talagang gusto mong gawin?! Kung ako sayo imbis na pag-aksayahan mo ng oras 'yang ex mo! Mag hanap ka nalang ng iba para mas lalong kapanipaniwalang naka-move on ka na sa ex mo!"
BINABASA MO ANG
Forced To Love
RomanceSophie Saavedra is a popular model in korea. Until she returned in the Philippines because of an unexpected event. But that is not the reason why she returned. She need to know about her anonymous fiancè. Until one day, they meet accidentally. What...