Chapter Three: UnexpectedHuminga muna ako ng malalim at tumayo kahit nanginginig na ako sa takot. Nagulat nalang ako nang biglang may nagtakip ng bibig ko. Sisigaw na sana ako ng bigla siyang nagsalita.
"Finally, I found you!" Isang pamiyar na boses. Tinignan ko siya ng dahan dahan kahit na sobra na akong nangangatal sa takot.
"Jessy?" Masayang saad ko.
"Cassy!" Mabilis ko siyang niyakap at pinigilan ang sarili kong huwag umiyak.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko dahil nakakapagtaka at nandito siya.
"Mamaya ko na ieexplain. Delikado pa dito, basta tatalon tayo dito sa bintana ng tahimik. Okay?" Nakaramdam naman ako ng takot.
"Hindi tayo sisigaw at walang magaganap na ingay."
Tumingin ako sa ibaba at mula sa kinaroroonan namin mukhang mataas ang babagsakan namin kaya nagdalawang isip ako.
Pero nung maramdaman ko ang mga yabag nila, nakapagdecide akong tumalon na lang. Okay lang na mabalian ako ng buto basta mabuhay ako atsaka kasama ko naman si Jessy eh, magkasama kaming aalis at kung mahuli man sabay din kaming lalaban.
Nang tumalon kami, akala ko masasaktan kami nasa mataas kaming bahagi, second floor ba naman. Pero ang ikinabigla namin ni Jessy ay,
Ibinababa kami ng hangin dahan-dahan!
Nakababa kami ng maayos at tahimik. Medyo nakakalayo na kami ng marinig ko pa ang malakas na pagsigaw ng isang lalaki.
"Nakatakas siya! Hanapin niyo, bilis!" Siya siguro ang kausap ko kanina. Tumakbo kami ni Jessy papunta sa may gubat.
"Jessy pahinga muna tayo dito, kanina pa ako kasi takbo ng takbo. Pagod na pagod na ako" sabi ko habang hinihingal pa.
"Cassy, hindi tayo pwede na magpahinga rito. Doon tayo sa mas ligtas na lugar, baka masundan pa tayo nila kung dito tayo magpapahinga."
Wala nakong nagawa kundi sundan siya. Tsaka tama din naman siya, delikado talaga baka nga masundan kami pati gabi pa naman.
Airliya Jessy CostanzaNaramdaman kong nasa panganib sila Cassy kanina kaya sinundan ko sila gamit ang mahika ko at tama nga ako.
Nakita kong sinalakay sila ng mga black sorcerrer kaya kinailangan kong magtago at isuot ang panangga ko para hindi nila ako maamoy. Nakita ko na tumatakas siya habang ang kanyang ina at ama ay nakikipaglaban. Malayo pa naman na ang kanilang nabyahe kaya tinulungan ko siyang mapabilis.
Nakarating din ako sa bahay nila ngunit nakita ko si Axx, ang apprentice ng head ng mga black sorcerer kaya nagmadali akong umakyat sa kwarto niya pero wala siya at doon sa kabila ko siya nahanap.
Noong tumalon naman kami sa bintana may hangin na dahan dahang nagbaba samin. Hindi ko ginawa iyon, gagawin ko palang sana dahil isa akong air user kaso may nauna. Napatingin ako sakanya sa gulat at pagtataka. Akala ko fire siya?
Dinala ko siya sa lugar na tinatawag ng mga tao na forbidden falls. Eto lang ang alam kong lugar na ligtas kami. Sa lugar na ito palaging nagtatago ang mga iba pang white sorcerrer kapag ginagabi sa human world, at wala kami sa loob ng academy.
Cassy Lindrea Gonzales
"Wow! Jessy ang ganda naman! Pero bakit tayo nandito?" Mangha kong inilibot ang aking paningin sa lugar na tinatahak namin.
Dahil medyo madilim na, nagsisimula nang lumipad ang mga alitaptap na siyang nagsisilbi naming ilaw. Naririnig ko din ang paglagaslas ng tubig na nanggagaling sa falls sa hindi kalayuan. Nagpunta kami sa likod nito at mayroon itong kweba. Doon kami nanatili sa loob at baka dito narin siguro kami magpalipas ng gabi.
"Hay." Napabuntong hininganalang ako upang ilabas ang pagod at takot ko kaya naman nilingo ako ni Jessy.
"Cassy okay ka lang?" Tumango naman ako bilang tugon.
"Nga pala, bakit madami kang dala?" Tanong nito.
"Eto yung libro na bigay ni daddy. Kailangan ko raw ito kaya dinala ko." Tumango lamang ito bilang pag-intindi ngunit hindi nito inalis ang tingin sa sakin. Medyo nailang ako sa uri ng kanyang titig kaya naman hindi ko maiwasang magtanong.
"Jessy bakit?" Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita.
"Cassy, I have something to tell you but... Please wag kang matatakot sa akin."
Hindi ko alam kung bakit pero napatayo ako. Parang may hindi tama. I can sense danger sa paligid katulad ng pakiramdam ko kanina. Mayroong pinapahiwatig yung pakiramdam ng hangin. Parang nakapaligid ang mga ito dito sa falls pero medyo malayo sila ng ilang metro.
"Jess, nararamdaman mo ba yun?" Tanong ko sakanya habang alertong nakikiramdam.
"Ha? Alin?" Tanong niya. Halatang nagtataka siya sa inaasal ko.
Tumahimik ako ng ilang sandali. Pinakiramdaman ko ito, naririnig ko na din ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako. Nakahinga ako ng maluwag ng maramdamn kong unti-unti sila nababawasan hanggang sa mawala na ang mga ito.
"Cassy ano yun?" tanong niya
"Hindi ko alam kung ano iyon. Pero may naramdaman kasi akong kakaiba." Napatango naman siya.
"Sige na Cassy matulog na tayo, pupunta pa tayo sa academy namin at doon ka muna. Don't worry kasama mo ko kaya wag kang matakot."
Humiga na siya at mabilis na nakatulog. Pero ako nakatingin lang sa labas pinapanuod ang paglagaslas ng tubig na nagmumula sa falls.
Ano na kayang nangyari kala mama at dad? Hindi ko man lang sila natulungan, baka kung ano ng nangyari sakanila. Kailangan kong gumawa ng paraan, kailangan ko silang tulungan. Pero hindi pa ngayon, 'di pa ako handa. Mayroon nanaman tumulong luha sa mata ko kaya agad ko itong pinunasan. Nahiga ako sa tabi ni Jess at agad din akong nakatulog.
~*
"Cassy gising na, kailangan na nating umalis." Dahan-dahan ako nitong niyuyugyog.
Napamulat ako ng mata at napatingin sa paligid. Nasaan ako? Doon ko lang naalala na nasa kweba pala kami at dito nagpalipas ng gabi. Tumayo ako at binati ako ni Jess habang kinukusot ang mata ko.
"Good morning," Bati niya.
"Morning." Sagot ko at inayos na ang gamit ko bago sinukbit sa aking likod.
"Tara na Cassy, kailangan na natin umalis." Tumango ako at nagsimulang sundan siya. Kaso bigla akong nahilo at unti-unting dumilim ang paningin ko.
(Black out)
***
Oh my what happened? Ish thanks for reading
Here's the chappy three. Hope you like it :) Vote and comments?Vote or comment if you like :)
BINABASA MO ANG
My Secret Fairytale
FantasyThis is a story of a girl who discovered something unexpected about herself and eventually her life...