Chapter 25 - Butterfly Fairy

81 6 2
                                    


Chapter Twenty Five: Butterfly Fairy


Cassy Lindrea Gonzales

"Cassy wake up.." ani ng may-ari ng kamay na marahang sumasampal sa pisngi ko. Unti-unti kong minulat ang mata ako at bumungad saakin ang mukha ni Jessy na may malawak na ngiti.

"Cass it's 6 pm, let's eat na. At mayroon ka pang ikukuwento saakin." Hinila niya ang kumot bago umalis sa aking higaan. Tumayo ako at sumunod na sakanya sa may hapag kainan. Tahimik kaming kumakain ng binasag niya ang katahimikan.

"Cassy hinatid ka dito ni Kent ng walang malay, ano nanaman ang nangyari?" Tanong niya.

Napangiti naman ako ng malawak dahil sa naalala ko kaninang magandang nangyari. Kumunot ang noo niya dahil sa mga ngiti ko.

"Ahh may nangyari kasing maganda, ka—"

"Ano?! Kayo na agad ni Kent?!" Sigaw niya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Jes—"

"Niligawan ka ba niya?!"

"Ha? Wai—"

"Bakit mo siya sinagot kaagad?!"

"Hind—" pagpuputol nanaman niya sa sasabihin ko.

"Bakit di mo sinabing may someth—"

Naglabas ako ng apoy sa palad ko, at pinakita ko ito sakanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Naglabas ako ng apoy sa palad ko, at pinakita ko ito sakanya. Napatigil siya sa sasabihin niya sana at nanlaki ang mata niya dahil sa nakitang apoy sa kamay ko.

"O.M.G Caaaaaaaassy! Lumabas na ang ability mo!" tili niya. Oha mas masaya pa siya saakin.

Tinry kong gawin yung ginagawa ni Jessy sa hangin, yung pagdala ng message.

"Oo lumabas na siya, si Kent pa nga ang naatake ko kanina. Tapos yung apoy ko naging blue, yun ang ginamit kong panggamot kay Kent. Nakatulog lang ako dahil sa pagod sa panggamot."

"Air ability din?! Grabe Cass isang linggo kong pinag-aralan gawin ang air message transmitter na yun ah? Tapos ikaw, ngayon alam mo na?" Ngumiti lang ako.

"Pero alam mo I'm so proud of you! Ang pinakahihintay mo lumabas na, saktong-sakto dahil may mission tayo bukas" Sabi niya.

"Oo nga pala mag-empake kana, gigisingin nalang din kita bukas." Sabi niya habang nililigpit ang pinagkainan namin.

My Secret FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon