Chapter Thirty Two: Triggered
Matapos ang tila bangungunot na pangyayari sa loob ng bayan ng Irima, nakaalis kami ng maayos at natulungan namin ang mga mamamaya na naroroon. Kasalukuyan na naming tinatahak ngayon ang bahay ni Lulu Ani. Nandito na kami sa Green Forest, pero kahit ganoon alerto parin kami. Hindi dahil sa nangyari sa bayan, kundi dahil sa babala at paalala ni Sedia. Ang gubat na ito ay pangatlo sa forbidden forest dito sa Magic World. Ang kapatid nitong Dark at Lost Forest, ang una at pangalawa.
Kung ipapaliwanag, ang tatlong forest na 'to ay magkakapatid. Kumpara sa pamilya, ang Dark at Lost ay panganay at pangalawa na magkapareho ng ugali. Samantalang ang isa ay ang bunso na may tinataglay na kabaitan. Kung pakatutukuyin ang Green Forest, ang naiiba ngunit isang bagay.
Ang gubat na ito ay tila isa lamang munting gubat, ngunit taglay ng gubat na ito ang isang Lost Magic. Mahikang kayang burahin ang isang bagay, tao, lugar o ang buong mundo mismo. Sinubukan ng hanapin, angkinin at kontrolin ito ng Black Sorcerers pero hindi nila magawa. Dahil sa masamang budhi nila, sila ang nakontrol at nabura. Kapag natunugan ng gubat na ito ang iyong masamang hangarin lalo na ang pagkuha sa Lost Magic na taglay nito at nakatago sa pinakaliblib, masukal at mapanganib na parte ng gubat. Maaaring bigla ka nalamang mawawala na parang bula. Ayan ang impormasyong sinabi ni Sedia saamin.
Ilang oras na kaming naglalakad sa gubat na ito, pero hindi parin namin mahanap ang bahay ni Lulu Ani. Ang sabi ni Ms. Kryz kay Lawrence ay malapit sa gitnang parte ng gubat nakatayo ang bahay nito. Kapag nakakita na ng ilog, sundan lamang ang agos nito at dadalhin kami nito sa bahay ni Lulu Ani. Kanina pa namin nakita ang ilog at kanina parin namin ito sinusundan, pero hanggang ngayon ay hindi parin namin nakikita. Hay...
"Wait... Hindi kaya ayun na yung bahay?" Turo ni Jessy sa medyo mataas na parte. Nagsilingunan kami at tinignan ang tinuro nito. Halos tumalon ako sa sobrang tuwa nang makita ito. Yes, nakarating na kami!
Mabilis kaming tumakbo papunta doon. Nang mabuksan ang pinto ay bumungad sa amin ang mga antique na kagamitan. Nagsimula na kaming hanapin ang kailangang hanapin. Kanya-kanya kaming bukas ng pinto, kabinet at kloset. Kapa sa mga pader dahil baka may hidden passages.
"Parang wala naman akong makitang clue dito. Kahit kelan talaga, napakagaling magtago ng gamit ni Lulu Ani. " Ani ni Rebecca na ngayon ay hinahalungkat ang kabinet.
Ilang oras ang lumipas at ginabi na kami sa paghahanap, ngunit wala parin kaming makita. Napagdesisyunan nalang naming dito na muna magpalipas ng gabi. Bukas nalang ng umaga itutuloy ang paghahanap sa kahit anong clue para mahanap ang dark key.
Nandito kami sa kwartong mga babae at hindi ako makatulog dahil nagsisiksikan kami. Lumabas ako at nadatnan ko sa sala ang mga lalaking nagsisiksikan din. Lumabas ako at umupo sa isang upuang kahoy, habang pinagmamasdan ang pag-agos ng ilog. Ganitong oras nangyari ang kissing scene namin ni... Kilala niyo na!
Napahawak ako sa leeg ko at nakapa ang kwintas. Tinanggal ko ito at pinagmasdan. Kulay pulang bato ng sapira ang pendant nito, mayroon ring nakaukit na maliit na susi. Teka...
"It's already late. What's up?" Napalingon ako at tinignan ang nagsalita. Si Kent. Sinuot ko na ang kwintas at hinarap ito.
"Di pa kasi ako inaantok eh." Naglakad ito papalapit sakin at umupo, kaya naman medyo umisod ako ng kaunti. Ilang minuto na ang lumipas pero wala paring nagsasalita ni isa samin, nang bigla itong binasag ni Kent..
"I heard his confession last night.."
"Huh?" Anong sinasabi nito?
BINABASA MO ANG
My Secret Fairytale
FantasyThis is a story of a girl who discovered something unexpected about herself and eventually her life...