Chapter 26 - Attraction or Love? (Cain's Part)

74 5 3
                                    


Chapter Twenty Six: Attraction or Love? (Cain's Part)

Cain Ervin Castino

Nakatitig lang ako sa kisame ng aking kwarto at hindi makatulog. Siguro ilang oras na akong ganito. Naalala ko kasi yung nangyari noong mga nakaraang linggo.

Noong dumating ako sa kwarto ni Cassy noong maconfine siya, tahimik lang akong nakikinig sakanila at nakikiramdam sa paligid. Actually sa kanilang lahat ako ang pinakatahimik. I don't want to talk, nakakabakla tignan kapag madaldal ka. Si Kent din ay tahimik pero mas tahimik ako.

Ilang minuto matapos ang drama ni Jessy at Rence ay nanahimik sa loob ng kwarto niya. Tinitigan ko pa ang babaeng nakahimlay sa higaan at mahimbing na natutulog, to the point na para na siyang brain dead dahil isang linggo na at hindi parin siya nagigising. Kahit hindi man halata saakin, nag-aalala ako. Naantala ang pag-iisip ko nang sumigaw si Alon.

"OMG. Cain we have a mission today! I forgot to tell you. Sorry, Kent but we have to go now." Agad kaming umalis. Habang naglalalad kami ay biglang nagpop sa utak ko ang unang pagkikita namin ni Cassy.

Una ko siyang nakita noong naligaw siya sa garden at ako ang napagtripang tanungin kung nasaan ang girl's dormitory. Okay inaamin ko na naging pilosopo ako that time. Let me explain, mayroon akong tatlong rason.

First is badtrip ako, gusto kong mapag-isa habang nakikinig ng music at pinapakalma ang sarili. Ayokong makipag-usap dahil baka sila ang mabalingan ko ng galit.

Second is dahil sobrang fresh ng paligid tapos napakacalm pa ng kanta parang unti-unti na akong makakatulog. Kaso inistorbo niya ko kaya nabara ko siya. Ayoko kasing naaabala ang pagtulog ko.

Third is nakaramdam ako ng pagkahiya? You know, ang ganda kasi niya. Unang kita ko palang sakanya nagandahan na ako, magkaibang-magkaiba sila ni Cee. Kaya lang ewan ko ba sa sarili ko, yun ang naging defense mechanism ko kapag nakaharap ako sa taong tinatamaan ako ng hiya, kung anu-anong bastos ang lumabas sa bibig ko. Hay.

Tapos noong nasa forest of illusion kami, sobra talaga akong nag-alala sakanya nun noong nakita namin ang sobrang damage na nangyari. Nagtataka nga ako kung paano niya iyon nagawa, naghiwalay kami ni Kent para hanapin siya.

Pagkapasok na pagkapasok palang namin ni Kent ay nakaramdam ako ng tila isang enerhiyang humahatak saakin, hinayaan ko ang aking mga paa na dalhin ako sa kung saan man.

Hanggang sa dalhin ako ng paa ko sakanya, nakita ko siya noon nakahiga sa damuhan at parang inaatake siya ng isang itim na bagay. Napansin kong galing din siya sa kamay ni Cass, inaatake siya ng sarili niyang ability?

Lumapit ako sakanya at hinawakan ang kamay niya, napatigil ako nang biglang nawala na parang bula ang malakas na kapangyarihang kanina ko pa nararamdaman. Lumakas ang tibok ng puso ko, hindi kaya siya na?

"You need to seal a kiss to your master. You will serve as her servant, you will protect, the celestial guardian. And lastly as a knight, you will do everything, even if it risk your life just to protect her." Naalala ko ang sinabi nito.

"Ikaw ang magiging guardian niya, Cain. Once na maseal niyo sa isang halik maging isa na kayo." Paliwanag pa niya.

"Lahat ng mararamdaman niyang sakit at pagdurusa ay mararamdaman mo rin." Dagdag pa nito.

My Secret FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon