Chapter Ten: ConfusedPagkapasok namin sa kwarto, mayroong tao sa likod noong swivel chair. Hindi ko naman makita 'yong mukha niya dahil nakatalikod ang upuan niya.
Pero excited na akong makita ang mukha niya! Diba sa mga teleserye mga gwapo yung itsura nila? Tapos dahan-dahan siyang titingin dito? Inner Cassy shattap!
"Nariyan na pala kayo,"
Napanganga ako noong marinig ko ang boses niya. Humarap na sa amin iyong swivel chair. Napatulala ako sa tumambad sa aming mukha. Imbes na gwapong nilalang ang nakita ko, isang dyosang taglay ang sobrang kagandahan. Mayroon pala noon, sobrang ganda niya. Nakakainsecure na nakakatomboy pa po.
"Cee, you're already here? How's the mission?"
Napakahinhin ng boses niya. Ang ganda talaga niya, ang kulang nalang sakanya ay isang gintong pakpak ng anghel. Pero napatigil ako sa pagpapantasya sakanya ng tawagin niya akong Cee.
Kilala na niya agad ako? Baka naman si Jessy? Pero hindi e sakin siya nakatingin.
"Po? Cee? Cassy po ang pangalan ko " sagot ko. Nakakapagtaka naman.
"Miss Kryz, this is Cassy Gonzales ieenroll ko po sana siya dito." Sagot ni Jess kaya napatingin ako sakanya.
"Oh! You're Cassy.. Wait a minute, may kukunin lang akong file." Tumayo siya at ikunumpas ang kamay niya.
Gumalaw lahat ng kagamitan sa kwarto. Namangha, nagulat at nagtaka ako sa natunghayan. Paano nangyari 'yon? Nakatayo lang kami sa pwesto namin at hinihintay ang sunod na mangyayari. Marami ng katanungan ang pumapasok sa utak ko pero isinantabi ko muna iyon sa pagkamangha. Ilang minuto pa ay may lumapit na isang kumikinang na box at dahan-dahan itong lumapag sa table ni Miss Kryz.
"You two, come here and take a seat." Lumapit kami ni Jess at umupo sa tapat ng table niya.
"Cassy Gonzales," Ani nito. Magsasalita na sana ako, kaso biglang umangat ang isang envelope na gold mula sa box na lumipad kanina. Nalaglag nanaman ang aking panga sa nakita. Ano bang nangyayari? Bakit kakaiba na ang mga nararanasan ko sa lugar na ito?
Kinuha niya ito at sinimulan niyang basahin ang mga papeles na nasa loob nito.
"Miss Gonzales you're already enrolled here and you are supposed to be here yesterday with your parents." Ano raw? Enrolled na ako dito?
"Mister Gonzales came here last saturday." Dagdag niya pa. Baka dito kami pupunta nila mama at dad? Kaso may nangyaring masama.
"So, nasaan ang dad at mom mo?" Tanong nito sa isang napakaamong tono.
Sa gilid ng mata ko, nakita kong may binulong sa hangin si Jessy pero hindi ko nalang pinansin dahil nakatingin ako kay Miss Kryz. Sasabihin ko na sana ang nangyari, kaso tumango ito na tila alam na niya kung bakit.
"Hmm, I see. Delikado ito, pero gagawa ako ng paraan. Malakas naman sila kaya baka natalo na nila ang mga nakalaban." Sagot nito na siyang nagpakunot naman ng noo ko. Anong sinasabi niya?
"Okay. So since hindi pa natin alam ang kakayahan mo Cassy, sa kwarto ka muna ni Jess magstay pansamantala. Pero kapag nalaman na natin, maaaring malipat ka sa ibang kwarto dipende nalang kung isa ka sa Sapphire Wizards." Hindi ko man maintindihan ang sinasabi niya, ngunit wala sa sariling napapatango nalang ako.
"And you will start tomorrow, dadalhin nalang ng mga maids yong uniform mo."
Matapos makipag-usap kay Miss Kryz lumabas na kami, at ako eto parin litong-lito. Ngayon lang nagsink in sa utak ko ang nangyari.
May lugar pa lang ganito kataas? Yong parang nasa langit? Tapos nakakapagtaka dahil gumalaw yung mga gamit ni Ms. Kryz noong kinumpas niya ang mga kamay niya. Ano iyon may kapangyarihan siya? Nasaan ba ako? Nasa isa ba akong fantasy land, katulad doon sa mga binabasa ko?
Sa sobrang pag-iisip, hindi ko namalayan na nakapasok na kami sa kwarto ng flying cylinder. Magtatanong sana ako kay Jessy kung ano ang nangyayari sa paligid at kung ano yung ginawa at pinagsasasabi ni Ms. Kryz, kaso...
"Waaaaaaaaaaaaaaaaah!"
Napatili ako ng wala sa oras noong bumulusok bigla pababa ang cylinder. Ayy dyusko po, kailangan ready ka talaga pag sasakay ka dito eh! Di uso yung may nagwawarning na gagalaw na e.
Pag hindi ka ready baka nahimatay o naheart attack kana.
Pero hindi ko talaga maiwasan na mag-isip ng kung ano-ano lalo na bago palang ako dito. Wala akong alam dahil in the first place hindi ko alam kung ano yong una kong itatanong. At kung sino ang sasagot sa mga tanong ko. Should I research by my own? O hihintayin si Jessy na siya ang mag-eexplain sa akin. Ano ba talagang nangyayari? Sana naman may magpaliwanag saakin kasi litong-lito na ako.
***
Pasensiya na po sa typos and errors. Votes and Comments?
BINABASA MO ANG
My Secret Fairytale
FantasyThis is a story of a girl who discovered something unexpected about herself and eventually her life...