Chapter 20 - Gods and Goddesses

83 6 0
                                    

Chapter Twenty: Gods and Goddesses

'Tulong!'

May sumisigaw? Pumikit lang ako at hinintay kung may humihingi ba talaga ng tulong. Baka yung matanda, kaso naglaho na siya sa hangin diba? Naging abo na siya.

'Tulungan mo kami' Sabay na sigaw ng boses na babae at lalaki.

May naririnig din akong impit na sigaw. Agad kong iminulat ang mata ko saka ko lang napagtanto na nasa lugar ako ng paraiso.

"Nasaan po kayo?" Tanong ko at naglakad lakad sa paligid para hanapin ang mga boses.

Hindi sila sumagot pero narinig ko ang sabay-sabay nilang ungol sa sakit. Sinundan ko ang mga boses na iyon hanggang sa makarating ako sa malapit na boses.

Napansin kong mayroon ditong anim na kweba, apat lang ang umiilaw ang dalawa ay hindi. Ang mga kweba ay umiilaw ng green, white, blue at red. Inuna kong puntahan ang kwebang pinakamalapit, ang kwebang umiilaw ng berde.

Pagkapasok ko nakita ko ang isang lalaking nasasakal ng mga vines malala dun ay may thorns pa ito. May nakapulupot din na ganun sa magkabilang kamay at paa niya. Agad ko siyang nilapitan. Teka paano ko ito tatanggalin? Sinubukan kong tanggalin ito ngunit mas lalong nasasaktan yung lalaki. Tinignan kong maigi ang mga vines at sa di inaasahan ay may nakita akong isang key hole?

Bakit meron nito? Hindi ba at punong kahoy ito? Napatingin ako sa bracelet ko na bigay ng matanda. Hindi kaya isa dito yung susi? Nagulat ako ng namilipit sa sakit yung lalaki, nanlaki ang mata ko ng makitang humigpit lalo ang vines. Dali-dali kong inisa-isa ang mga susi hanggang sa nakita kong nahuli ang isang susi na kulay green.

Kahit kelan talaga ang stupid mo Cassy! Bakit hindi mo agad na isip yun? Green dahil, green din itong pinasukan kong kweba. Dali-dali kong inilusot yung susi sa key hole, hindi ko kasi matanggal yung bracelet sa kamay ko kaya ang hirap tuloy ilagay. Umilaw yung lalaki at natanggal na ang vines kasama na yung susi. Kaya naging lima nalang siya.

Napansin ko ang buong kweba, kanina ay hindi ganito ang napasukan ko. Para ako ngayon nasa ilalim ng lupa na napaliligiran ng maraming halaman, puno at mga bulaklak.

"Salamat at niligtas mo ako, ako nga pala ang god of earth. Tagapagbantay ng kalikasan." Napatingin ako sa nagsalita, siya yung lalaking iniligtas ko kanina. Napatingin ako sa bracelet ko, naku paano na yung susi?

Nagulat na lamang ako ng may isang paru-parong lumipad papalapit saakin. Dumapo ito sa bracelet ko kaya umilaw ito. Bigla namang nawala na parang bula yung paru-paro. Napansin kong bumalik na ulit sa anim ang bracelet ko.

"Halika na, You need to help the others before it is too late."
Tumakbo kami palabas ng kweba, nung makalabas kami biglang yumanig sa may parte ng green na kweba hanggang sa magiba ito.

Sunod naman akong pumasok sa kulay white na kweba. Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad nang mapansin kong hindi nakasunod yung god of earth. Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Habang palayo ng palayo ang nilalakad ko, palamig ng palamig naman ang ihip at hampas saakin ng hangin.

My Secret FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon