Chapter 27 - Azuma City

84 5 2
                                    


This chapter is dedicated to you denden2214 Thank you for supporting my story :) Pambawi ko yan. Feeling ko kasi matatagalan ako sa susunod na update :)


Chapter Twenty Seven: Azuma City


Cassy Lindrea Gonzales

Alam mo yung feeling na ang bigat bigat ng talukap ng mata mo? Yung feeling na kahit nakapikit ka, hindi mo alam kung nakatulog kana ba? Hay. Napagdesisyunan kong imulat ang mga mata ko, at tinignan ang buong paligid.

Noong una, wala akong maaninag dahil madilim pero ilang minuto pa ang lumipas ay nakaadjust na ang paningin ko. Napatingin ako sa orasan at nakitang alas onse na ng gabi.

Kaya siguro ganoon na lang ang pakiramdam ng mata ko ay dahil hindi pa talaga ako nakakatulog, at lahat ng akala ko panaginip ay imagination ko pala. Hays. Makatulog na nga lang ulet.

~*

"Caaaaaaaasy! Gumising kanaaaaa!" Sigaw ng boses na patuloy na yumuyugyog saakin. Tinakpan ko ang mukha ko ng unan. Katutulog ko lang eh! Hinablot niya ang unan ko, pero kinuha ko ulit yun.

"Jessy it's just eleven o'clock, let me sleep..." Ani ko sabay talukbong ng kumot. Hinablot niya ulit ang kumot ko at saka pinagsabihan.

"Eleven o'clock ka diyan! Hoy mag-aalas kwatro na po ng umaga at aalis tayo mamayang alas kwatro y medya." Sermon niya saakin.

"Hala sige! Tumayo kana diyaaaaan!" Pilit niya saakin, kaya naman tumayo na ako at naglakad na patungo sa bathroom.

"Hep hep! Saan ka pupunta?" Harang niya saakin habang naglalakad ako.

"Sa Cr, maliligo ako." inaantok kong sagot bago pumasok sa C.R. para maligo.

Noong bumaba ako sa may kusina gising na gising na ang diwa ko. Nakita ko naman si Jessy na kumakain kaya naman dinaluhan ko siya. Kumuha ako ng tinapay at pinalamanan ko lang. Habang kumakain kami nabanggit sa akin ni Jessy na ayon kay Miss Kryz mayroon kaming tatlong bayan na madadaanan bago makarating sa green forest na iyon, kaya medyo nakahinga ako. Hindi naman kasi ako ganoon kahilig sa paglalakbay kaya malamang hihingalin at mabilis akong mapapagod.
Matapos kumain ay nagpunta na kami sa may waiting area, malapit sa may gate.

Pagdating doon ay nadatnan namin sila Alon at Rebecca. Hindi sila nag-uusap dahil parehong nakaearphones habang natutulog si Rebecca at Alon. Naupo si Jessy sa tabi nila atsaka inilabas ang holographic computer niya mula sa kanyang relo. Ako naman ay sumandal nalang sa may pader habang nakatayo.

Wala pa dito yung tatlong lalake dahil maaga pa naman. Ilang minuto ang lumipas nang dunating sila sabay-sabay. Nakita namin sila dahil sa energy light post sa paligid kaya napakaliwanag.

Napatingin ako sa gawi ni Cain, bakit ang hot niya tignan? Naglalakad siya habang ang isa niyang kamay ay nasa bulsa, tapos nakatingin siya sa ibang side. Idagdag mo pa ang messy niyang hair na nagugulo lalo dahil sa hangin, ang fresh niya tignan. Why so gwapo?

Noong naramdaman kong lilingon siya sa part ko, agad kong iniwas ang pagkakatitig ko sakanya.

"Okay Saints, since andito na kayo lahat ay pwede na kayong umalis. Do your best and find some clues okay? Goodluck."

My Secret FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon