Chapter Eighteen: Power Bestowal
Kanina pa ako naghahanap kay Jessy at kung saan-saan na ako napadpad. Naglalakad lang ako sa hallway kung saan parang walang dumadaan. May mga rooms dito kaso mga nakalock. Napatigil ako noong may narinig akong dalawang boses babae na parang nag-uusap at nagkakainitan na.
"What did you say?!" Sigaw noong boses sumilip ako at nakita ko si Andrea Felice. Ngayon ko lang nakita ang pagkawala ng kalmado niyang posture.
"Oh well, are you threatened to see Cassy? Are you afraid of losing Kent or even Cain? Remember they are not yours Andrea." Sabi noong boses at kung tama ang hinala ko si Jessy yun.
Hindi na nakapagtimpi si Andrea at lumabas ang kapangyarihan niya. Unti-unting naging yelo ang katawan ni Jessy hanggang sa may leeg. Hindi ko makita ang reaction ni Jess dahil nakatalikod siya. Kailangan ko siyang tulungan!
"I'll do anything to keep her away from them, even if I need to kill her, I'll do it!" Malutong na tawa naman ang naging reaksiyon ni Jessy.
"Are you joking? As if you can bitch! Ack!" Ani niya na tila naiipit ang hininga habang sinasabi niya iyon. Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob.
"Stop!" Sigaw ko, umaasang sa sigaw na iyon ay mapipigilan ko si Andrea.
"Alam mo Cassy Gonzales, nagtataka ako kung bakit napunta itong best friend mo sa Saints. Ang hina-hina naman, wala pa siya sa kalingkingan ng aking kakayahan." Tumawa siya na parang nababaliw at ikinuyom ang palad na siyang dahilan upang mas lalo pa atang humigpit ang yelo na nakasakal kay Jess.
"You're a psycho."
Lumapit ako kay Jessy at tinangkang tanggalin ang yelong nakapaligid sakanya. Kaya lang ay sobrang lamig nito. Simpleng dampi lang nang kamay ko ay nanginig na ang buong katawan ko. Pero paano na si Jessy? Buong katawan niya nababalutan ng yelo. Ginagalit niya ako. Napayukom ako ng palad.
"You can insult or do anything to me..." Tinignan ko siya sa mata.
"But don't underestimate my best friend's ability!" Nagdilim na rin ang paningin ko dahil namumutla na ng sobra si Jessy.
"Tanggalin mo ang kapangyarihan mo." Utos ko sa kanya.
"No I won't. Do you think I'm stupid to do your command?!" Tinignan ko siya ng masama. Napaigti ang ang bagang ko sa galit. May mabagal na itim na anino ang sumakal kay Andrea, bigla ring nawala ang yelong nakapaligid kay Jess at agad siyang nakahinga ng ayos. Napahawak si Andrea sa itim na bagay na iyon na sumasakal sakanya at pilit itong tinatanggal.
"Okay then, face your death! Die Andrea!" At tumawa ako ng malakas. Masayang masaya ako. Hindi ko alam kung bakit pero noong tiningnan niya ako, na bakas ang takot sa mukha niya ay parang mas lalo akong lumakas.
"Oh my God Cass! Stop it!" Tila ng aking katabing babae.
Pero wala akong naririnig at lutang ang pag-iisip ko. Gusto ko lang sundin ang aking sarili at gusto ng aking katawan. Sa gilid ng aking mata ay kinuha ni Jessy ang phone niya at may tinawagan.
Patuloy parin ang pagsakal ng anino kay Andrea at parang natutuwa pa ako sa nakikita ko. Ilang minuto pa ay biglang bumukas ang pinto,napatingin ako sa dumating pero para akong nahilo.
*Black Out*
Airliya Jessy CostanzaIbang Cassy ang nakita ko kanina noong sinasakal ng itim na bagay si Felice. Noong nahimatay si Cassy hindi parin nawawala yung itim na bagay pero parang maluwag na. Wala na ring malay si Felice noon dahil sa kapangyarihan na iyon. Natanggal ni Kent ang kapangyarihang sumasakal kay Andrea dahil pinatamaan niya ito ng kidlat.
Dinala na siya ni Lawrence sa Clinic. Si Cassy naman ay binuhat ni Kent at napagdesisyunan namin na dalhin siya sa office.
Delikado ang lagay niya at pati narin ang mga taong nakapaligid sakanya. Hindi maganda ang pagwawala ng kapangyarihan niya lalo na at may halong emosyon ang pinapakita niya, posible din siyang makapatay. Pero hanggat maari ay kailangan na niyang magamitan ng power of bestowal. Para lumabas ang kapangyarihan niya at makontrol na niya agad ito.
Dumating kami sa office ni Ms. Kryz at sinabi ang nangyari. Mapupunta daw sa punishment room si Andrea dahil sa ginawa niya. Si Cassy naman ay hihintayin nalang si Peloperro at sisimulan na ang ritwal sa pagpapalabas ng kapangyarihan niya. Ilang minuto pa ay dumating na siya at kinausap siya ni Ms. Kryz, tumango naman siya at pinahiga si Cassy sa lapag.
Nagchant ito ng spell at may malaking magic circle na lumabas sa itaas ni Cassy. Napakalakas ng lumalabas na kapangyarihan dito, at ang nakakapagtaka ay iba't ibang kulay ang lumalabas sa circle sa naunang magic circle.
Maliliit na magic circle pero malalakas ang lumalabas rito na ginawa ni Peloperro. Tinignan ko naman si Peloperro at nanghihina na agad siya. Biglang nawala ang circle na ginawa niya at naseal sa kwintas ni Cassy ang kapangyarihan.
"Ms. Kryz sorry po, hindi ko po naipalabas ang kapangyarihan niya ng lubos. Kakaunti palang po ang nailagay ko sa kwintas niya. Masyadong malakas ang kapangyarihan niya at hindi ko kaya ang lakas nito. Baka po pagpinilit ko ay magwala ang mga ito. At hindi natin makontrol lalo na at hindi rin ito kontrolado ni Cassy."
Napatigil ako sa sinabi niya. Hindi kaya siya ang hinahanap namin? Ang kapatid ni Cee ay ang hinahanap namin?
***
Alam niyo na magkapatid si Cee at Cassy! Wag kayong maingay sa nalaman ah? XD
Typos and Grammatical Errors. Thank you for reading. Votes and comments?
BINABASA MO ANG
My Secret Fairytale
FantasyThis is a story of a girl who discovered something unexpected about herself and eventually her life...