Chapter Thirty Four - Combat Training (Disaster)Hindi ko maintindihan kung paanong ako ang nanalo. Bakit hindi kinuha ni Cain yung pagkakataon na ako yung sugatan niya? Bakit yung sarili niya yung sinugatan niya? Dapat nagsasaya ako ngayon, pero dahil hindi ko maintindihan ang nasa utak ni Cain ay hindi ko magawa.
Matapos ang pangyayaring iyon ay hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala. Pero ng mabalik ako sa reyalidad ay mag-isa nalang ako sa Training Room. Naghintay ako ng ilang minuto para abangan ang pagdating ni Cain, dahil bigla nalang siyang umalis ng walang paalam.
Atsaka diba sabi niya talo na siya? Dapat ngayon ay pinaparusahan ko siya. Pero ngayon ay wala siya at mukhang walang balak bumalik ay naisipan ko ng tumayo.
Ngunit saktong pagkatayo ko ay bumukas naman ang pinto. Isa-isang nagsipasukan ang miyembro ng Saints maliban kay Kent at sa kanilang lider na mukhang wala rin.
"Hello Cassy! Nautusan kami ni leader na tulungan kang magtraining ngayon dahil mayroon daw siya munang aasikasuhin." Pagpapaliwanag ni Alondra.
"Ganon ba?" Narinig ko ang pagkadismaya sa boses ko. Pagkatapos ng nangyari?! Ay shems! Wat da heck!
"So?" Tinaasan ako ng kilay ni Jessy kaya pasimple akong lumunok. Yung mga tinginan na ganyan, naghahanap ng sagot kung bakit ganto ang hitsura ko.
"Ehem. A-ano. Uhmm guys pwede bang magpahinga muna? Katatapos lang kasi nung close combat training namin ni Cain e." Nakita kong ngumiti ng mapang-asar si Alondra.
"Okaaaay. Kami muna ni Kenneth ang magttrain ha?" Ani ni Rebecca kaya tumango ako bilang tugon.
Nang umalis sila ay mabilis na tumabi saakin si Jessy at siniko.
"Oy! Kayo ah? Anong ginawa niyo?" Tumingin ito saakin ng makahulugan at nakakaloko. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Aba! Nakakahiya kaya! Alangan naman na sabihin ko sakanya na we kissed while we are on the training, edi aasarin lang ako nito buong araw. No waaaaaay!
~*
Singbilis ng ahas kung pumulupot saakin ang mga ugat kaya naman pinutol ko ito gamit ang air slash.
"Cassy at your back!" Lumingon ako at nakita ang mabilis na pagbulusok ng isang malaking iceberg sa kinatatayuan ko. Oh my gosh! Ginamit ko ang fire shield bilang panangga. Nang tumama ito ay halos matumba ako sa impact.
"Lechugas ka Asir! Are you going to kill me?!" Malakas lamang itong tumawa at sinalag naman ang mga tira ni Rebecca.
We are on a training and as a team. Ang kateam ko ay si Jessy, Rebecca at Kenneth, sa kabila naman ay si Lawrence, Asir at Alon. Hindi ko alam kung lugi ba kami o hindi since parang wala pang sugatan saamin.
"Cassy! Protect the stone! Arghh!" Naglabas ng mga white shadows si Rebecca, dahil doon ay nafall sa illusion ang kalaban na group.
Mabilis akong pumunta sa base namin para protektahan ang stone. Ang training kasi namin ay parang laro, we have to protect the stone that serves as the group's base. Kapag nakuha ito ng kalaban talo na, pero dahil competitive ang mga kasama ko ay mahirap makuha ang stone.
Akala ko kami na ang mananalo dahil naglalakad na si Jessy para kunin ang stone nila, kaso hindi ko napansin ang ugat na mabilis na pumulupot saakin at hinigit ako patiwarik. Napahiyaw ako kaya nawala sa focus si Rebecca at nawala ang mga white shadows. Nakawala sa illusion ang kalaban kaya nagshift into sword ang kamay ni Kenneth para putulin ang mga ugat para makawala ako.
"Thanks!" I shouted at hinarap si Alon na nakangisi saakin.
Magkakaharap na kami ngayon, kalaban ko si Alon, kalaban naman ni Jessy si Lawrence at kalaban naman ni Rebecca at Kenneth si Asir.
Nagkanya-kanyang atake sila at nagfocus ako sa atake ni Alondra, naglabas siya ng napakalaking tubig at inihagis saakin. Ginamit ko naman ang hangin para pabalikin ito sakanya at fireshield bilang pananggala ko. Ngunit kusang nawala ang tubig at napansin ko ang mabilis na pagsugod ni Alon. Umamba ito ng suntok at natamaan ako sa dibdib, napangiwi ako sa sakit at napaatras. Umamba nanaman siya ng suntok kaya umiwas ako at hinabol ang aking hininga.
"Haaaa, Earth roots." Mahina kong bulong. Unti-unting nagsipaggapangan ang mga maninipis na ugat na may mga thorns sa buong katawan ni Alondra, then I saw red.
I saw red and blood.
Nandilim ang paningin ko at tila nag-iiba ang pakiramdam ko. Nangyari na ito dati, noong kaharap ko din si Andrea Felice.
Again, I saw red. And I want to see more blood.
Unti-unting nanlabo ang paningin ko at sa muling pagmulat ko ay ang isang itim na bagay na madalas kong makita sa tuwing nangyayari ang ganitong pakiramdam sa katawan ko. Na tila hindi ko makontrol at patuloy na kinakain ang katinuan ko.
"Jessy! Help!" Ngumisi lamang ako at mas lalong hinigpitan ang ang mga ugat na ipinulupot ko sakanta. Nakita ko ang takot sakanyang mga nata kaya mas lalo akong lumakas.
Sunugin mo siya. Wag! May bumubulong? Wag mong gawin. Wag!
Malakas akong napatawa. Naglabas ako ng apoy at binato sa kawawang babae na pinalilibutan ng ugat.
"Asiiiiir! Help!" Umiiyak nitong saad. Napatingin ako sa paligid at napansin ang ibang tao na nakatayo at nakatingin saakin.
"Oooh, hindi ko alam na may mga kasama pala ang babaeng ito." Tinaas ko ang kamay ko at naghari ang kadiliman sa buong paligid.
"This is not Cassy guys! Don't hurt her!" Sigaw ng babae kaya pinanlisikan ko ito ng mata. Gumawa ako ng napakalaking itim na tubig at binato sakanya. Nakulong ang babae sa loob.
"Jessy!" Nilingon ko naman ang lalaking sumigaw.
"Sino ka?! Where is Cassy?!"
"Sino nga ba ako? Hmmm?" Lumapit ako sakanya at inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. May itsura. Inilapit ko pang lalo ang mukha ko sa mukha niya upang halikan ito ngunit napatigil ako nang maramdaman ang tila malamig na bagay.
"Lawrence, get the hell out of here and find Cain! Gooooo!" Sinipat ko ang buong katawan ko na napaliligiran ng yelo. Inilabas ko ang kakarampot na itim na likido sa aking daliri at idinikit sa yelo. Unti-unti itong natunaw at ako ay nakawala.
Sa aking likod ay naramdaman kong may aatake kaya mabilis ko itong pinalipad sq kinaroroonan ng babaeng nakakulong sa loob ng tubig. Nangunot ang aking noo.
"Bakit hindi ka nalulunod?" Tanong ko sa babaeng tinawag nilang Jessy. Ngunit hindi ito nagsalita at sa halip ay binalingan nito ang isa pang babae na kasama na niya ngayong nakakulong sa itim na tubig.
Lumipat ang aking paningin sa kinaroroonan ng dalawang lalaki. Mga nakaporma ito na tila lalabanan ako.
I walked gracefully in front of them and snapped my fingers. I smiled seductively ng tumitig ang mga ito saakin. Nahulog sa patibong ang mga estupido. Ngayon ay nababalot na ng ilusyon ang utak nila. Kinuha ko ang isang dagger na nasa paanan ko lamang at itinapat sa lalaking espada ang kamay.
I want to see blood.
Unti-unti kong hiniwa ang leeg ng lalake ngunit agad kong nabitawan ang dagger nang may yumakap saakin.
Mayroon nanamang yumakap saakin sa likod! Nanlaban ako at pinilit na kumawala, I want to see more blood! Pero mabilis akong nanghina at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
***
Hi guyyyys! I miss you all :)
Please do vote and comment guys! Thank you for reading :)
BINABASA MO ANG
My Secret Fairytale
FantasyThis is a story of a girl who discovered something unexpected about herself and eventually her life...