Chapter 13 - Possession

80 7 0
                                    


Chapter Thirteen: Possession


Papunta na ako sa kwartong itinuro sa akin Jessy. Paniguradong hindi na ako maliligaw dahil isang classroom lang ang mayron dito sa fourth floor ayon sakanya. Nasa may pinakadulong part makikita ang front door ng aming classroom. Mag-isa lang akong papunta roon dahil may pupuntahan nanaman daw si Jessy. Palagi nalang akong iniiwan ni Jessy. Napanguso ako sa naisip.

Kinakabahan ako dahil mag-isa lang ako. Napatigil ako sa paglalakad noong nasa harap na ako ng pinto ng room. Huminga muna ako ng malalim bago ko ito buksan. Pagkabukas ko ng pinto napatigil ang lahat sa mga ginagawa nila. Ano to? Grand entrance lang ang ginawa ko? Nakita ko si Kent na nakaupo sa may dulo, nakatingin lang siya sa akin na parang walang interes na pumasok ako sa loob.

Napatingin naman ako sa lalakeng lumapit saakin.

"Hi, bago ka lang dito?" Tumango naman ako.

"Ako nga pala si Mab." Inabot nito ang kamay niya para makipagshakehands, kaya naman inabot ko ito. Baka sabihin snobber ako.

"Ahm, Cassy..." Umalis na siya at bumalik sa upuan niya.

Maglalakad na sana ako papunta sa may dulong upuan malapit sa may bintana, kaso naramdaman ko ang pagbigat ng katawan ko at unti-unting pagkamanhid. Hindi ko na maigalaw ang katawan ko. Maya-maya kusang gumalaw ang paa ko at naglakad patungo sa direksiyon ni Kent.

Nagpapanic na ako dahil hindi ko maigalaw ang sarili kong katawan, pero nagalaw ito against my will like somebody is controlling me. Isang suntok mula sa aking kamao ang nagpabigla sa lahat at nagpalaglag kay Kent mula sa upuan. Oh my gosh! Hindi ko po ginawa yun!

"What the hell?!" Pinunasan nito ang dugo sa labi niya. Dugo? Ganoon ba kalakas ang suntok ko? Sinuntok nanaman siya ng kamay ko.

"What are you doing?!" Tumingin siya sa akin na parang papatulan na niya ko.

"I'm sorry Kent, hindi ako ang gumagawa nito may kumokontrol ata saakin." Medyo paiyak na sabi ko. Natatakot kasi ako sa tingin niya eh.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo. Noong susuntukin nanaman sana siya ng kamao ko, pinigilan na niya ko at hinawakan ang kamay ko.

"Stop controlling her Mab. If you want to punch me, you can do it. But be ready for the consequences." Poison is visible in every words Kent say habang matalim na nakatingin kay Mab.

Unti-unting bumalik sa normal ang bigat ng katawan ko at nawala na rin ang pagkamanhid. Naiigagalaw ko na ang katawan ko, kaso hinigit ako ni Kent palabas ng classroom.

"Teka lang Kent. Saan mo ako dadahin? May klase pa diba?"

Hindi niya ako pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad. Nakalabas na kami ng Sapphire building, kaya hindi nalang ako nagsalita dahil naalala ko nanaman ang nangyari kanina. Nahihiya ako kay Kent.

Napansin kong pumasok kami sa Library. Pinaupo niya ako at tsaka siya nagsimula magsalita.

"Are you stupid? Bago ka makipagkilala sa iba, alamin mo muna kung ano ang kapangyarihan nila. We are not normal people here okay? Wala ka narin sa human world na pwede kang makipagshakehands kung kani-kanino." Inirapan niya ako bago tinitigan ulit ng masama.

"Hindi ka nag-iingat, hindi mo pa naman alam kung anong kapangyarihan mo. Kung magpapadalos dalos ka sa mga ginagawa mo, hindi na nakakapagtaka kung mamamatay ka ng maaga. Stupidity will cause you trouble. Tsk."

Napatungo naman ako, nahihiya na ako kay Kent. Sobra na yung ginawa kong pagkaabala sa kanya. Ni hindi pa kami ganoon kaclose at magkakilala pero binantayan niya ako sa center noon at tinulungan ngayon. Kung ibang tao siguro yun baka kung ano ng nangyari saakin.

"Sorry," I muttered.

Umalis siya, nagtungo sa isa sa mga shelves at kumuha ng dalawang libro.

"Tsk. I'll leave you here, read this." Pagkalapag niya umalis din siya agad, baka bumalik na siya ng classroom. Parang ayoko ng bumalik doon, bully ata mga estudyante doon eh.

Kinuha ko na lang yung libro na nilapag niya. Hindi ko maintindihan yung title dahil ibang sulat yung gamit. Binuklat ko nalang ito at nagsimulang magbasa. I think this is about different kinds of ability. I read them at pinag-aralan, siguro naman makakatulong ito. Napadako naman ako sa isang part ng Body Touch Controlling Ability.

Possession, this is the ability to control another power user. He can control the body of foes, but not the mind. The weak point of this magic is either a Mentalist or an Illusionist. Once the user of this magic touched you, then he can control you. He can do whatever he wants to you. You can only escape from this power if he dies or he deactivated it.

Siguro eto yung kapangyarihan ni Mab. Nung nakipagshake hands kasi ako sakanya kaya ayan nakontrol ako. Medyo delikado rin pala ang kapangyarihan niya, pero I think kung may labanan na magaganap pang defense at offense din ang kapangyarihan na ito. Medyo malaking tulong din pagnagkataon. Binasa ko din yung isa pang libro at madami pa akong nalaman sa mga iba't ibang ability.

***


Typos and Grammatical Errors. Salamat sa pagbabasa :)

My Secret FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon