Chapter Twelve: Emerald and SapphireBuong gabi kong inisip si Andrea Felice, natatakot kasi ako sa pwede niyang gawin. Pero dahil first day ngayon, kailangan wala muna akong poproblemahin.
Bago ako umalis ng bahay ay chineck ko muna ang aking gamit. Suot-suot ko na ang kulay blue checkered uniform na ipinadala ni Miss Kryz saakin. Kasama noon ang relo na kapag pinindot ang button sa gilid ay mayroong lalabas na hologram na pwedeng gawing phone. Nandoon nakalagay ang contacts ng kakilala. Pero dahil si Jessy palang ang kilala ko ay ang pangalan lang niya ang nasa contacts ko.
Kasabay ko ngayon si Jessy sa paglalakad. Tahimik lamang ito na tila mayroong malalim na iniisip. Pero hindi ko maiwasang magtaka dahil ni isang paliwanag ay walang sinasabi si Jessy tungkol sa mga estudyante dito at kung paano nagawa yun ni Miss Kryz. Siguro ay hihintayin ko nalang siya na kusang magkwento.
Maaga pa naman dahil alas siyete pa simula ng klase namin at alasais palang ang oras. Kaya naman ay napagdesisyunan namin ni Jessy na tumambay muna sa may garden na napuntahan ko kahapon.
Tahimik lang ako habang pinapanood ang mga estudyanteng dumadaan sa harapan namin. Napatalon ako sa gulat noong basagin niya ang katahimikang pumapalibot saamin.
"Alam kong nagtataka ka sa nangyari kahapon. Sorry kung ngayon lang ako magsasalita tungkol dito." Hindi ko alam kung anong irereact ko, kaya naman ay tumango na lamang ako.
"Ang mga estudyanteng may green checkered na uniform are from the group of Emerald." Tinuro niya ang isang estudyanteng nakagreen na uniform na full of confidence na naglalakad, ilang metro ang layo saamin.
"Ang grupong Emerald ay ang mga estudyanteng may simpleng kapangyarihan o magic, parang pang support lang kapag may laban. Yung ibang nandoon is mayroong malakas na kapangyarihan, pero hindi pa nila kontrolado. Once na nakontrol nila ito at pasado sila sa mga test at naglevel up ang lakas ng kapangyarihan nila, maaaring malipat sila sa Sapphire."
"Ang Sapphire naman which is tayo na may blue checkered uniform ay mga estudyanteng hindi lang basta basta. Ang kapangyarihan ng mga estudyante rito ay pang defense at offense. Sa Sapphire rin madalas kumukuha ang magic council para tumulong sakanila lalo na sa mga major missions."
Iyong ibang tanong ay nasagot na niya pero madami paring tanong ang nasa utak ko.
"Ano bang kapangyarihan ang ibig mong sabihin?" Kunot-noong tanong ko. Bumuntong hininga siya na tila nahihirapang iexplain sakin, pero nagpatuloy parin sa pagsalita.
"Cassy, we are not normal people. We have powers or magic, just like in books you always read. We can do anything according to what power you have. Compare to normal people, they cannot do anything."
So ibig sabihin hindi ako normal? At balang araw lalabas na rin ang tunay kong kapangyarihan ganon?
"Pero wala naman akong kapangyarihan?"
"Hindi ka makakapasok sa mundong ito kung wala kang mahika Cassy." Natigilan ako sa sinabi niya.
"There are different kinds of sorcerer here. Wizards are more intuitive users. Usually the source of their power are given by gods and goddesses, they are called The Chosen Ones who are very blessed. The gods or goddesses blessed that gifted person to have their powers." Ang swerte naman non. Nagpatuloy si Jess sa pagsasalita.
"Some wizards are like mages, they cast spells using their acquired magical knowledge. Their source of power is either inborn or their ancestors had passed their powers using magical stones." Tumingin siya sa relo niya.
"Ang mga estudyante sa Emerald ay mga Fortune Tellers, Mentalist, mga Mages who cast healing spells, and those Wizards who are gifted but still cannot control their powers. Sa Sapphire naman ay mga Elementalist, Conjurer, Manipulator at marami pang iba."
Supernatural users. Pwede pala maging totoo ang nababasa ko?
"Jessy edi kung ganun, isa rin akong magic user? Isa akong sorcerer? Pero wala naman akong power ah? Ni hindi ko nga alam kung anong kapangyarihan ko pero bakit sa Sapphire ako?"
"Kailangan kitang bantayan Cassy, kung sa Emerald ka ilalagay paniguradong mamanipulahin ka ng mga mga mentalist." Napatango naman ako, kung sabagay.
"Isa akong Elementalist at isa rin ako sa mga Chosen Ones." sabi niya, bigla ko naman naramdaman ang pag-angat ko sa lupa.
Hihingi sana ako ng tulong kay Jess, dahil sa pag-angat ko pero naramdaman ko ang marahang pagbaba ko sa lupa. Naguguluhan akong napatingin sa nakangising si Jessy.
"That's my power, I'm an Air user. Tara na? May magsisimula na ang klase natin." Mabilis akong hinila ni Jessy patungo sa Sapphire Building, kaya nagpatangoy na lamang ako.
***
Pasensiya po sa typos ang grammatical errors. Votes and Comments po? Salamat :)
BINABASA MO ANG
My Secret Fairytale
FantasyThis is a story of a girl who discovered something unexpected about herself and eventually her life...