Chapter Eight: Awaken
Wala akong maramdaman kung hindi ang sakit ng katawan ko na tila sinisilaban ng apoy. Hindi rin tama ang aking paghinga dahil sa sobrang pag-iinit ng kalamnan ko, lalo na sa parte malapit sa aking puso.
Pinipilit kong igalaw ang aking katawan, ngunit hindi ko magawa. Dahil sa tuwing pinipilit ko ay lalo lamang sumasakit ang pakiramdam ko. Ilang minuto pa ang aking tiniis bago ko tuluyang naramdaman ang pagkamanhid. Nawala narin ang pakiramdam na parang sinusunog ang buo kong katawan. Unti-unti na ring nawawala ang sakit at tila yelong natutunaw mula sa pagkakamanhid ang aking katawan.
Kaya naman ay ginawa ko ang buo kong makakaya, inipon ko ang aking lakas para maigalaw ang kamay. Nagawa ko na naman, kaya ang aking sunod na ginawa ay imulat dahan-dahan ang mga mata ko.
Sa pagmulat ng aking mata ay halos wala akong makita, at sobra akong nasisilaw. Madiin kong pinikit muna ang mga mata bago iminulat ko muli. Nang medyo nakaadjust na ang aking paningin ay maroon na akong naaaninag ngunit blurry parin ang nakikita ko. Tinitigan ko muna ang kisame ng ilang minuto bago nilingon ang mga taong nakapaligid at nakatingin saakin.
"Cass? Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong saakin ni Jessy kaya napatingin ako doon sa lalaking malapit sa kama ko. Ang expressionless ng kanyang mukha, sunod kong tinignan iyong lalaki sa likod ni Jessy. Nakatulala ito habang nakatingin saakin, kaya medyo nailang ako buti nalang nakaramdam ako ng uhaw.
"T-tubig," Wala silang narinig sa aking sinabi dahil sa napapaos kong boses. Kaya naggesture ako sa parang umiinom. Kumuha naman agad iyong lalaking nagtutulak sa wheelchair ni Jess.
Tinulungan naman ako ng lalaki na malapit sa kama na makaupo ngunit wala man lang lumalabas na salita sakanyang bibig. Noong dumating 'yong isang lalaki, agad kong kinuha ang baso at ininom pero nauuhaw parin ako. Naggesture akong muli ng isa pa, kaya kinuha na niya ang buong pitsel. Nang hindi na ako nauuhaw ngumiti ako sa kanila bilang pasasalamat at pagpapahayag narin na okay na ako.
"Salamat, okay na." Medyo bumalik na rin ang aking boses kahit na medyo gasgas ito, kaya narinig na nila ang sinabi ko. Tinanong ako ni Jess kung kamusta na ang aking pakiramdam kaya sinabi ko naman na wala akong nararamdaman.
Tinanong ko rin kung anong nangyari. Ang sabi nila dalawang araw na daw akong walang malay tapos kanina narinig nila na humihingi ako ng tulong. Akala pa ni Jessy ay namatay ako sa panaginip ko kaya bigla nalang akong nagising in real life. This girl is really... crazy.
"Ay! Oo nga pala nakalimutan kitang ipakilala dito sa dalawang asungot na nandito." Pagkasabi niya noon ay sabay na tumingin sakanya ng masama yung dalawang lalaki. Nabatukan pa siya noong lalaking nasa likod niya. Ilang minuto pang nag-alitan si Jessy at ang lalaki sa likod niya, natigil lamang sila noong nagsalita ng 'enough' ang lalaking nakaupo sa tabi ng kama ko.
"Ehem, sorry.." Matalim na tinitigan ni Jessy ang lalaki bago muling nagsalita.
"Cassy this is Kent Saldana, Kent this is Cassy." Tinuro niya yung lalaking tumulong saakin kanina na makaupo. Tumango lang siya saakin at wala ng sinabi. Suplado naman nito. Kala mo naman... Hehe.
"Hayaan mo suplado talaga yan, eto naman si Lawrence Rodriguez." Tinuro niya 'yong lalaking nambatok sakanya. Inilahad naman nito ang kanyang kamay upang makipagshake hands.
"Nice to meet you Cassy," Ngumiti ito sakin kaya naman ngumiti rin ako pabalik.
Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang doctor. Nagtaka pa nga ito, dahil nagising na ako ng hindi nila namamalayan at hindi nila alam kung ano talagang nangyari sa akin. Pero sabi din nila huwag ko raw ikabahala ito dahil base sa observation nila wala naman daw nangyaring masama sa akin. Sinabi din nila na pwede na akong lumabas kaya natuwa naman agad ako.
Si Jessy din daw ay makakalabas na. Si Kent at Lawrence ang nag-asikaso sa amin ni Jessy, kaya nahiya naman ako sa pagkaabala namin sakanila. Lumabas na din si Jess para bumalik sa kwarto niya upang mag-ayos. Sa labas nalang daw ng lugar na ito nila kami hihintayin.
Nakaupo lang ako sa kama ko habang sinusuri ang lugar. Nakapagtataka dahil marami akong nararamdaman na malalakas na enerhiya, tipong sinasabi ng hangin sa katawan ko. Dama ko rin ang isang kakaiba at mas malakas na enerhiya na papalapit saakin. Medyo natakot naman ako dahil sa naramdaman kong iyon. I don't know why I am feeling this but I can say that energy is very dark.
Hindi ko alam kung nasaang lugar ako, hindi ko rin alam kung sino ang mga taong narito maliban kay Jessy. Natatakot ako na baka nahabol kami noong humahabol sa akin noon. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya naalerto ako.
"What?" Si Kent lang pala, medyo nawala ang takot sa aking dibdib noong malaman kong siya iyon. May wheelchair siyang tulak tulak. Nang makarating malapit sa kama ay mas lalo pa itong lumapit sa akin. Papalapit ng papalapit hanggang sa ilang inches nalang ang pagitan ng mga mukha namin. Hala?! Anong ginagawa niya? Bakit sobrang lapit niya? May balak ba siyang halikan ako?
Nawala lahat ng katanungan ko at nagsimulang magpanic ang heartbeat ko. Ay! Este ang utak ko. Mas lalo pa itong lumapit saakin at itinaas ang kamay, wala sa sariling ipinikit ko ang mga mata ko. Mahina pa ako, kaya wala pa akong lakas na itulak siya kung sakaling halikan niya ko. Pero enjoy the moment nalang, gwapo naman si Kent eh. Ohemgi bakit ang landi ko?
Napamulat ako ng mata nang umangat ako sa kinauupuan ko. Tumingin ako sakanya habang dahan-dahan niya akong iniupo sa wheelchair. Napakaasumera ko talaga, biruin mo isipin ko daw bang hahalikan ako ng nilalang na to. Baka mamaya may girlfriend pala ito edi ako napahamak.
I saw him smirked, baka alam na niya yung iniisip ko kanina. Nakakahiya! Kaiyak. Nahihiyang tumingin ako sakanya.
"T-thank you," Wala na siyang sinabi at bumalik na naman ang expression niya sa pagiging cold.
Tinulak na nito ang wheelchair na sinasakyan ko sa labas at nararamdaman ko nanaman ang napakalakas na aura na yun. Hindi ko nalang pinansin.
"Ahm, Kent? Nasaan sila Jessy?" Tanong ko.
"Outside," maikling sagot nito kaya naman ay hindi na ako nagtangkang magtanong pa.
***
Thank you for reading :)
BINABASA MO ANG
My Secret Fairytale
FantasyThis is a story of a girl who discovered something unexpected about herself and eventually her life...