Chapter Nineteen: Forest of Illusion
"That girl! Ginagalit niya talaga ako!" Napahawak nalang ako sa sentido ko at hinilot hilot ito.
Naiinis na ako sa babaeng yun. Nangangati na ang mga kamay kong patayin siya tsk. Bigla namang lumagabog ang pinto ko, dumating na ang isang hampas lupa.
"M-miss? Ano p-po yung iuutos n-ninyo?" Tanong ng weakling at loser na inuutusan ko.
"Tss here, put that in Cassy's locker. Make sure no one will see you or else.." Pinakita ko sakanya ang kapangyarihan ko na lalong nagpanginig sa kanya. Tsk, bakit ba 'to nakapasok sa school na ito kung napakaweak niya.
"O-opo" sagot nito bago kumaripas na ng takbo palabas ng dorm ko. Tsk, pagpumalpak siya, tapos ang buhay niya. Pero never naman siyang pumalpak.
"Be ready Cassy, later will be the end of your life." I form an evil smile in my lips. Lumabas na ako, at nagtungo na sa may library.
~*
Cassy Lindrea Gonzales
Isang linggo na ako dito sa school na ito at ganon parin ang tingin nila saakin. Lagi rin akong binabangga ni Andrea, ngunit hindi ko nalang pinapatulan. Nabalitaan ko nga na napunta raw siya sa punishment room, dahil sa nangyari. Speaking of that, actually wala akong naalala na nangyari after noong pumasok ako sa loob para pigilan si Andrea. Ilang beses ko narin tinanong si Jessy kung anong nangyari pero hindi niya sinasagot. Nacucurious na ako dahil baka lumabas na ang kapangyarihan ko nun, pero nililihim lang nila saakin.
Araw-araw din akong tinatanong ng mga kasapi ng Saints kung okay lang ba ako o kung may nararamdaman ba daw akong kakaiba. Minsan meron akong nararamdaman na pagbigat ng dibdib ko pero hindi ko na sinabi, baka siguro nasusuffocate lang ako dahil hindi pa ako sanay sa lugar na ito.
Magaalas otso na ng gabi pero naglalakad parin ako papunta sa locker room dahil may nalimutan akong kunin. Speaking of locker.
Sa bawat araw na dumadaan, nakakatanggap ako ng death threats. Pero habang papunta sa locker, may napansin akong kulay green na papel na nakadikit sa pinto ng locker ko. Kinuha ko ito at binasa, katulad sa mga death threat na natatanggap ko noon wala rin naman akong mabasa. Pero katulad narin ng lagi kong ginagawa pag may death threat akong natatanggap, hinipan ko ang papel. May mga kumikintab na pixies naman ang lumipad sa hangin. Doon ko nabasa ang mensahe.
Meet me at the Forest Cassy Gonzales. See you...
-Cee
Tinitigan ko ang papel at may gumuhit dito na lugar. Kumbaga naging mapa siya. Cee? Wait.. Dahil curious ako kung sino si Cee, tumakbo ako at sinundan ang mapa na nagtuturo kung nasaan ang forest na tinutukoy. Lagi nalang nila akong tinatawag na Cee kaya nagtataka ako.
BINABASA MO ANG
My Secret Fairytale
FantasyThis is a story of a girl who discovered something unexpected about herself and eventually her life...