This chapter is dedicated to Thats_My_Boy_1 :)Chapter Sixteen: Cain versus Lawrence
Naglalakad na kami patungo sa Room namin noong may humigit saakin. Magsasalita sana ako pero inunahan na niya akong magsalita. Siya yung isa sa Hemetell Saints ah?
"I'm Cella, the Fortune Teller, I want to tell you something. Ikaw na ang bahala kung maniniwala ka o hindi, pero I'm hoping na maniwala ka. Mayroong mangyayaring maganda at masama sayo sa susunod na araw, kaya mag-ingat ka. May maghihiganti sayo at manganganib ang buhay mo, ngunit hindi ko wari kung sino. Yon lang take care." Mabilis din siyang umalis matapos niyang sabihin ang impormasyong iyon saakin.
Medyo malayo na sila kaya humabol ako. Mabuti nalang at hindi nila napansin na nahuli ako. May kanya kanya kasi silang pag-uusap except kay Mr. Pilosopo at Mr. Suplado also known as Cain at Kent na walang pakialam sa mundo.
Tumungo ako at napahawak sa dibdib ko. Medyo kinabahan ako sa sinabi niya, mapapahamak daw ako?
Mag-iingat na lang ako kung sakaling may kakaiba, o di kaya ay magsasabi ako kay Jessy kaso para naman akong sumbongera nun. Hay. Naramdaman kong may matang nakatingin sa akin kaya napatingala ako. Nasalubong ko ang mga mata ni Kent dahil nakatingin siya saakin na nakakunot ang noo. Noong napansin niyang nakatingin ako nag-iwas siya ng tingin.
Si Cain din nakatingin pero noong magtama ang mga mata namin ako ang napaiwas ng tingin.
Dumating na kami sa classroom at nakatingin sila saakin ng masama. Lagi nalang bang may titingin sa akin? Hay unang araw na pagpasok ko dito, tapos ganito na agad ang pinapakita nila saakin? Tch, kahit sa school na ito hindi parin ako belong?
Dumating na kami sa classroom at katabi ko si Kent sa upuan dahil inunahan ako ni Lawrence sa tabi ni Jessy. Kanina si Kent lang ang present na Saint at wala pa ng ibang kasapi kaya siya lang ang nagtanggol saakin. Buti nalang talaga at may itinatagong bait si Kent. Ilang minuto pa ay dumating na ang teacher.
Kaso kinabahan ako sa inanounce nito...
"Okay class, we will have a duel battle training. I will assign your duel foes so be ready. You can go to the Training Grounds now."
Nagsimula ng umalis yung mga kaklase ko kaya tumayo na rin ako. Naramdaman ko ang isang kamay na humawak sa braso ko, si Jessy.
"Don't worry Cass, andito ang Saints para protektahan ka. Alam nila na hindi mo pa alam ang ability mo" Bulong niya saakin, tumango ako at sumabay na sa paglalakad sa kanya.
Pagdating namin, agad kong inilibot ang paningin ko. Nakakamangha ang Training Grounds dahil napakalaking gym ito. Sa gitna ng gym na ito makikita ang isang malaking battle arena. Umupo kami sa center bench na valid for Saints lang. At dahil kasama ako ng mga Saints, pinasama nila ako sa kanila. Katabi ko si Jessy at si Rebecca nang mapansin ko ang usok na nagmumula sa itaas ng arena.
"Once you and your duel foe step in that arena, the battle starts. Real life dimension apparatus, put you in a different place." Paliwanag ni Rebecca.
"Okay the first pair will battle is Mr. Castino and Mr. Rodriguez"
Tumayo si Lawrence at si Cain. Naglakad sila patungo sa arena pati na yung teacher. May pinindot siya at nagsimula ng kumapal ang usok sa itaas ng arena.
Pero wala sa kanila ang gumagalaw pa. Parang nag-uusap pa sila kaso hindi namin sila marinig. Bigla rin nabago ang place na pinaglalabanan nila, napunta sila sa gubat. Ilang minuto pa ay naglaban na sila pero puro physical attacks lang ang ginagawa nila hindi pa nila ginagamit ang kapangyarihan nila.
Sumugod si Cain at sinuntok niya si Rence, pero agad naman siyang nakailag. Gumanti naman si Rence at napuruhan niya si Cain sa tiyan. Nagsisipaan at nagsusuntukan lang sila hanggang sa matumba si Rence, napadusdos siya sa lupa.
Napangiti ito sa nangyari, agad niyang pinunasan ang dugo sa labi niya ganun din si Cain.
Bigla namang nagsimulang lumindol sa amin. Tumigil din agad pero sa lugar kung saan sila naglalaban ni Rence ay hindi pa. Kasabay ng paglindol gumagalaw na rin ang mga ugat ng puno at kinapitan nito ang mga paa at kamay ni Cain. Hindi naman pumalag si Cain, kalmado parin siya.
Nabalutan na ng mga ugat ang buong katawan ni Cain ng biglang sumabog ito dahil sa apoy.
Naglabas ng apoy si Cain sa kamay at pinagbabato kay Rence, bigla namang may mga punong humarang sa harap ni Rence at yun ang naging pananggalang niya.
"Rence power is Earth while Cain is Fire." Paliwanag ni Jess.
Tumango lang ako dahil nakafocus ako sa laban. Sino kaya ang mananalo sakanila?
Patuloy parin sa pag-atake si Cain kaso hindi niya napansin ang pagtago ni Rence sa isang puno sa likod niya. Mistulang kinakain ang katawan niya, ng puno at mukha nalang niya ang makikita.
Kinapitan nanaman siya ng mga ugat at natumba ang mga puno sa kanya. Hindi siya makailag dahil sa mga ugat pero nasunog lahat ng ugat at agad siyang nakalayo sa mga nagbabagsakan na puno. Pinaapuyan niya ang punong tinataguan ni Rence at sumabog dahilan upang lumabas si Rence.
Pinagsusuntok ni Cain si Rence, hanggang sa matumba ito. Pinaulanan nito ng apoy si Rence, sunod sunod na pag-atake pero agad naman na nakakaiwas si Rence. Patuloy lang sila sa paglalaban at tuwing sasabog ay dumadagundong ang buong arena at lumilindol din saamin.
Bigla namang lumubog sa kinaaapakan niya si Cain, isang kumunoy!
Pero habang lumulubog si Cain gumagawa siya ng malalaking apoy at binabato niya kahit saan, hanggang sa mabalutan na ng apoy ang buong kagubatan at kainin siya ng lupa. Kasabay ng paglubog ng buong katawan pati na ang ulo niya sa lupa sumabog ang buong lugar at tanging usok nalang ang makikita.
Nagsigawan at nagsipalakpakan ang mga kaklase ko dahil sa pagtatapos ng laban. Lahat kami ay napahanga sa ipinakita nilang laban.
"As I expected from the Saints." Sabi noong teacher at eleganteng pumalakpak.
Unti-unti ng nawawala ang usok at nakita ko na din ang naglalakad na si Cain habang akay akay si Rence na iika-ika maglakad. Natawa naman si Rence habang binatukan siya ni Cain. Parehas silang nagalusan ng sobra, pero mas malaki ang tama kay Rence dahil sa pagsabog ng kagubatan.
Nagsipuntahan ang advance healers para gamutin sila kaya naman naging busy na yung iba.
***
Comment at magvote po kayo please umaasa po ako. Any reaction basta about this. Gusto ko lang po ng pampagana sa pagawa ng next chap.
Salamat sa pagbabasa :)
BINABASA MO ANG
My Secret Fairytale
FantasyThis is a story of a girl who discovered something unexpected about herself and eventually her life...