Chapter 30 - Creepy Irima

80 6 0
                                    

Chapter Thirty: Creepy Irima

Matapos ang napakahabang araw na byahe. Inatake kami ng mga taong nakacloak, at dahil doon ay nadisgrasya si Alon. Nakipaglaban kami at nalaman namin kung sino ang taong nasa likod ng cloak, na sa Titania rin nag-aaral. Pero kahit na nakarating na kami rito sa Alsama, hindi parin nawawala ang inis ko.

Tinignan ko ng napakasama ang lider ng hukbong taong kupido at ang pinuno ng bayang ito. Naglakad ako dahan-dahan at marahas na hinablot ang lalaking nagngangalang Arzon na ipapa-Arson ko bukas!

"Walanghiya kang lalaki ka! Alam mo bang hindi nakakatuwa ang surpresa mo?!" Tanong ko sakanya. Nakita ko naman na napalunok sya. Akala nya, sya lang ang kayang manakot? Kaya ko rin!

Sasabunutan ko na sana siya, nang may umagaw sa gagawin ko at malakas na binatukan siya. Si Alon ang nambatok sakanya kaya naman namilipit siya sa sakit.

"Hindi magandang surpresa iyon! Atsaka bakit kailangan pang busalan ang bibig namin? Alam mo bang hirap pa'ko sa paghinga dahil may nangyari saakin?!" Singhal n'ya rito at s'ya naman ang tumingin ng nakakatakot.

"Kaya nga surpresa binibini, maari kang madismaya o sumaya" Nakangiti pero halatang takot na sabi ni Arson. Sa sinabi nyang iyon ay mas lalong tumalim ang tingin ni Alon. Namumula na siya sa galit at halatang nagpipigil na huwag patulan ang lalaki.

Kahit ako ay natakot sa inakto ni Alon, dahil hindi ko aakalain na ganyan pala nakakatakot siya magalit. Si Alon ay isang makulit at palangiting babae, pero ngayon para syang sinapian. May tumapik naman sa balikat ko kaya napalingon ako, si Rebecca pala.

"Huwag kang magtaka. Ganyan talaga si Alon kapag naiinis." What? Naiinis palang sya sa lagay na yan. Paano paggalit sya? Edi mas malala pa sya at mas nakakatakot?

Bigla ko namang naimagine si Alon na may dalawang sungay, nagwawala ng sobra at parang mangangain ng tao. Mayroon namang nambatok rin saakin, pero hindi naman ganun kalakas.

"Mas nakakatakot pa siya sa naiimagine mo Cass. Hindi lang sungay at parang mangangain ng tao. Para din syang isang baliw na galit na galit habang natawa" Nakangiwing kwento nya na mistulang may naaalala. Napatango naman ako pero...

"Wait? Nabasa mo ang iniisip ko? Mind reader ka?!" Hindi ko makapaniwalang tanong kay Rebecca. Paano nya nasabing naiimagine ko na may sungay at parang nangangain kung magalit si Alon? Tumawa naman siya kaya nagtatakang tinignan ko ito.

"No, I'm not a mind reader. Sadyang ganyan din ang reaksyon ko at naimagine ko nong unang kita kong magalit si Alon. Mga bata pa kami nun at hanggang ngayon ay hindi parin mawala ang image na yun sa utak ko." Umiiling nitong saad.

Inawat na ni Becca si Alon at hinigit na n'ya kami sa may silid namin. Dito muna kasi kami pinapagpahinga ng pinuno. Mabait naman pala s'ya e, sadyang may sapak lang ang utak dahil nakikipagsabayan sa anak n'yang baliw. Kaming mga babae lang ang dito sa kwarto, ang mga lalaki ay nasa kabila silid.

Maliit lang ang kwarto at mayroong dalawang kama. Malamang-lamang kay Jessy ako tatabi. Nagpunta muna ako sa banyo para maglinis. Paglabas ko ay nakahiga na ang tatlo at mukhang tulog na.

Humiga ako sa tabi ni Jessy, na kasalukuyang nakapikit na. Halatang pagod na pagod s'ya sa unang araw ng mission namin. Kahit din naman ako eh, nakakapagod talaga ang araw nato. Ginamit ko ang hangin para patayin ang liwanag na nanggagaling sa torch, at pumikit na para matulog.

My Secret FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon