Chapter 23 - In Between

85 5 2
                                    

Chapter Twenty Three: In Between

"Aaaaargh!" Tinapon ko lahat ng makikita kong bagay sa paligid ko. Nakakainis na talaga yang babaeng yan! Akalain mong nakasurvive pa siya sa forest of illusion.

"Aaaaaaaargh! Maghanda ka Cassy gagawa talaga ako ng paraan para mapabagsak kita." Tsk akala mo ha, guguluhin ko ang buhay mo. Maghintay ka lang, magiging impyerno ang sasapitin mo dito.

~*

Kasalukuyan kami ngayong naglalakad papunta sa office ni Miss Kryz. Kung hindi ko pa nasasabi, siya ang Head Master ng school at nagtataguyod sa magic world. Pero sa ngayon ang school ang binabantayan niya dahil meron na siyang inassign na magtaguyod sa mga iba't-ibang bayan.

"Sayang yung mission natin Cain! Sa iba na pala inassign ni Sir yun." Sabi ni Alon while stomping her feet. Wala namang karea-reaksiyon si Cain, na pokerface lang na naglalakad na tila walang pakialam sa mundo.

Teka teka! Kung pupunta kami sa office, edi sasakay kami sa dun sa cylinder. Noooooooo! No choice. Mukhang sasakay talaga kami sa transpo hay. Ayon sa impormasyong ibinigay ni Jessy tatlong tao lang daw ang pwede.

Kasabay ko sa paglalakad si Cain dahil kausap ni Jessy si Rence.
Itong dalawang to, pansin ko parang may something. Sa tuwing magkasama sila, nakakalimutan na ako ni Airliya Jessy. Ayt nevermind na nga lang.

Eto namang katabi ko, ang sarap batukan ayaw akong kausapin. Si Kent naman, wala ding sense kausap hmp! Noong dumating na kami nakasakay na si Rence, Jessy at Alon. Si Rebecca nasa office na raw kanina pa.

Umandar na ang transpo kaya naman nalukat lalo ang mukha ko. Iniwan daw ba ako ni Costanza?! Edi naiwan ako dito sa dalawang tahimik na to? Susme, nakakahiya naman kung sisigaw ako at kasama ko itong mga supladong. Naku naman oh!

Pumasok na kami sa kwarto at naging transparent na cylinder na siya. Sakto naman at napagigitnaan ako ng dalawang lalaki. Wushuuu mga gwapo kasama ko ayt.

Sumandal si Cain sa transparent na glass. Shemay, ako ang natatakot sa ginagawa nya eh! Nabalik ako sa reyalidad noong bumulusok na pataas yung cylinder.

"Waaaaaaaaaah!" Napapikit ako at napahawak sa braso ng katabi ko. Huhuhu, ayoko na dito sumakay. Baka sa susunod na sakay ko dito baka atakihin na talaga ako sa puso. Buti nalang at may nahahawa

Speaking of nahahawakan, sino ba ang nahawakan ko? Binuksan ko ang isa kong mata at tinignan kung sino. Omo, si Cain!

"Ahehehe sorry." Nagpeace sign ako sakanya dahil tinignan ako ni Cain na nagtataka.

Bumitaw agad ako sakanya at napatungo sa kahihiyan kaya lang napatingin ako sa baba. Kaya pumikit nanaman ako.
Aruy! nakita ko naman yung mga nasa baba, sobrang taas na namin.

"Ayoko ng sumakay dito huhu *sniff sniff* " Halos naiiyak kong sabi. Natrauma ata ako nung first na sakay ko dito.

Lord please po sana makababa na ako dito. Ayoko na, gusto ko pa pong mabuhay! Gusto ko pa pong malaman kung ano ang kapangyarihan ko!

My Secret FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon