Chapter 34 - Combat Training (Physical)

40 1 0
                                    


Chapter Thirty Four: Combat Training (Physical)

Nanghihinang minulat ng isang babae ang kanyang mga mata. Ilang buwan narin ang nakararaan mula nang ipiit siya sa seldang kanyang kinululugaran ngayon. Marami siyang boses na naririnig. Mayroong nagbubulungan, humihikbi ng tahimik, nakikiusap, at mga impit na sigaw na tila sinasaktan. Simula ng araw na makulong siya sa seldang iyon ay tiniis na niya ang mga naririnig. Araw-araw at kahit pa sa gabi ay nagagambala ang kanyang pagtulog nang dahil sa mga naririnig.

Isang beses ay naalimpungatan ito sa mahimbing na pagtulog dahil sa isang sigaw ng baritonong boses. Natitiyak ng babae na nagpupulong ang mga Royalties ng Black Sorcerer. Kahit na malayo ang lugar kung saan may nagpupulong ay narinig niya ito ng malinaw. Tandang-tanda pa nito ang mga salitang binitawan ng mga tao.

"Anong maganda sa iyong sinabi Agure?!"

"P-patawad Mahal na Hari," Narinig ng babae ang tila paghampas sa mesa, na siyang nagpakalansing sa mga kubyertos.

"Ikaw Fusanna?"

"Nagsisimula ng gumalaw ang prinsesa ng Vielurvse, mahal na Hari." Ani ng isang boses babae.

"Magandang balita kung ganoon. Hinihintay ko na lamang ang aking anak."

"Kailan ba ang balik ng Mahal na prinsipe? Napakatagal na niyang wala sa kaharian?"

"Kaunting panahon na lamang. Natitiyak kong naaalala na niya kung sino ba talaga siya." Isang katahimikan ang bumalot bago muling binasag ng tinatawag nilang hari.

My Secret FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon