Malalakas na pagsabog, kalansing ng espada, tunog ng iba't-ibang mahikang ginagamit at hiyaw ng sakit. Napapikit si Cassy nang marinig ang tunog sa paligid. Sa pagmulat ng kanyang mata ay sira-sira, nasusunog na bahay at white wizards na nakikipaglaban sa mga black wizards ang kanyang natunghayan.Tinapik siya ni Y'sil upang mabalik sa katinuan. Itinuro nito ang isang babae na tumatakbo patungo sa loob ng kagubatan, may talukbong sa ulo nito at hawak ang isang sanggol. Kasunod nito ang dalawang lalaki, ang isa ay may hawak rin na sanggol at ang isa ay nagsisilbing look-out.
"Ayun sila, tara." Sumunod sina Cassy at Y'sil sa paroroonan ng sinusundan nila.
Wala silang tigil sa pagtakbo hanggang sa napansin nilang napalilibutan na sila ng napakaraming black sorcerers.
"Daddy..." Mahinang saad ni Cassy nang mapansin ang lalaking may hawak ng sanggol.
"Lyndon!" Malakas na sumigaw si Cassandra noong magsimulang sumugod ang kalaban. Mabilis na pumitik sa hangin ang lalaking tunay na ama ni Cassy na si Lyndon. Isang malakas na itim na spiral ang nagpatalsik sa mga kalaban.
Tumakbo ang lalaki sa kanyang mag-iina at hinalikan ang mga ito sa noo.
"Andy, si Casey hayaan mong si Elena muna ang mag-alaga sakanya hanggat magulo pa ang lahat. Heto ang bato dadalhin kayo niyan sa kinaroroonan ni Elena, wag kayong mag-alala ligtas doon si Casey."
"Lyndon..."
"Kapag nasiguro niyong maayos ang kalagayan ni Casey, umalis na agad kayo upang hindi kayo masundan ng mga Black Sorcerer. Hintayin niyo ako sa portal, sa mundo ng mga tao natin itatago si Cassy." Huminga ng malalim ang lalaki bago nagpatuloy.
"Pagsapit ng hatinggabi at hindi pa ako nakakarating. Mauna na kayo."
"Lyndon anong pinagsasabi mo?!" Naguguluhang tanong ni Cassandra.
"Hindi ako papayag. Kuya Andy wag mong hayaang mangyari ito sa mga anak ko!"
"Cassandra, aking kapatid makinig ka. Para ito sa kaligtasan ng mga anak mo." Marahan nitong hinawakan ang ulo ng kapatid.
"Kuya Andy hindi.. Lyndon may iba pang paraan! Mayroon pang ibang paraan!"
Naglabas ng kulay lila na usok si Lyndon at inatake ang kalabang balak sanang patayin si Cassandra at ang hawak nitong anak.
"Cassandra wala ng oras! Gawin niyo na. Ako ng bahala sa mga kalaban."
Nagchant si Andy ng spell upang makapagsummon ng isang itim na kabayo at mabilis niyang pinaakyat si Cassandra. Nilagay ang dalawang sanggol sa isang basket sa kanilang gilid.
"Kuya Andy. Ikaw ng bahala sakanila." Nagsimula ng tumakbo ang kabayo kaya naman hinawakan ni Ysil si Cassy. Naramdaman nanaman ni Cassy ang sobrang sakit na natamasa niya kanina sa tuwing mababago ang kapaligiran.
~*
"Ikaw ng bahala kay Casey." Inabot ni Andy ang sanggol na si Casey kay Elena.
"Kailangan na naming umalis Elena," Tumango ang babae habang tinatanaw ang dalawa na papaalis.
Tahimik na naglabas ng pakpak si Y'sil at binuhat si Cassy upang masundan ang papalayo ng si Andy at Cassandra. Hindi nagtagal ay nadatnan na nila ang dalawa sa may ilog. Ang ilog kung nasaan ang portal patungong human world.
BINABASA MO ANG
My Secret Fairytale
FantasyThis is a story of a girl who discovered something unexpected about herself and eventually her life...