Chapter 24 - Fire and Air

76 5 3
                                    

Chapter Twenty Four: Fire and Air

Siguro ay nasa limang hakbang ng hagdan ang kinahulugan ko bago ako masambot ni Cain. Binaba naman niya ako kaya nakita ko ang aburido niyang mukha. Magpapasalamat sana ulit ako kaso nainis ako sa sunod niyang sinabi.

"Kung gusto mong magpakamatay, h'wag sa hagdan. Hindi ka agad mamamatay diyan, comatose lang aabutin mo. Susunugin na lang kita para mas madali." Naiiritang ani nito at umakyat na nang hindi manlang pinansin si Kent.

Nakakainis yun! Akala ko pa naman bukal sa loob ang pagsambot saakin. Kahit kelan talaga, napakasama ng ugali non! Napatingin ako kay Kent na bumalik sa pagiging expressionless na mukha. Nasaan ang mapang-asar niyang smirk? Problema nanaman nito?!

Naglakad na siya pababa ng hagdan ng hindi ako pinapansin. Nakakainis talaga! Siya na nga ang dahilan kung bakit muntik na akong magpagulong-gulong sa hagdan eh! Tapos siya pa may ganang magalit? Wow lang ha!

Dahil sa badtrip ko, mabilis akong naglakad habang nagdadabog. Nakakainis mga tao ngayon medyo panira sila ng araw. Oo medyo lang dahil hindi pa ako ganun kabadtrip.

Nilagpasan ko na si Kent at patuloy na naglakad. Naiinis talaga ako sakanya! Bipolar nito! Pero mas malala si Cain, kanina ang sweet niya, hinawakan niya pa kamay ko tapos ngayon susungitan niya ko? Hmp, nakakainis silang dalawa ang sarap pag-untugin. Nakalabas na kami ng building at nandito na kami sa school grounds malapit sa may forest. Wala ding mga pakalat-kalat na estudyante dahil school hours sa mga oras na 'to.

Alam kong nakasunod si Kent saakin dahil nararamdaman ko ang footsteps niya. Pero nanggigitil parin ako sa pagiging bipolar niya grr. Sana may blades na tumama sakanya at dumugo ito! Bigla namang may malakas na hangin ang humampas. Ish! Feeling ko nga, ang talas nong dumaang hangin na 'yon

"Ow," Sambit ni Kent sa likod ko. Napalingon ako, nanlaki ang mata ko nung makitang nagdudugo ang katawan niya. May malalaking hiwa siya sa pisngi at braso. Parang siyang kinalmot ng blades. Hala? Nagdilang anghel ba ako?

Nagsimula akong maging alerto dahil baka may kalaban. Nagpapanic na rin ako dahil nagdudugo talaga siya at hindi tumitigil.

"Cassy relax, I will not die. " Kalmadong saad niya, pero anong gagawin ko? Kailangan siyang magamot. Mas lalo akong nagpanic nung may apoy na lumabas sa kamay ko, unti-unti siyang naging blue. Dahil sa panic ko, hindi ko sinasadyang nahawakan ko si Kent sa braso niyang dumudugo.

"Nako sorry..." Naiiyak na ako at naiinis sa sarili. Napakaclumsy ko talaga! Baka mamaya lumala ang sugat niya. Naku kailangan syang dalhin sa healer para magamot na!

"Kent! Tara kailangan natin ipagamot yan." Nanginginig ang boses ko habang nagsasalita, kasalanan ko kasi eh.

Kaya sobra akong guilty, pero wala paring imik si Kent. Nakakunot lang ang noo niya habang nakatingin sa braso niya. Unti-unting nawawala ang guhit ng malaking sugat niya hanggang sa matira nalang ang ilang natuyong dugo.

"P-paanong.." Nagtatakang kong sambit habang nakatingin parin sa braso niya.

Gumaling ba yung sugat na iyon dahil sa apoy na nanggaling saakin? Ibig sabihin ba nun unti-unti ng lumalabas ang kapangyarihan ko? Fire. Fire ang ability ko? Katulad ng kay Cain?

"Cassy, were you the one who made the air blades?" Tanong ni Kent.

"Air blades? H-hindi ko alam." Paano ko naman gagawin yun? Hindi ko nga alam kung anong ability ko, eh gawin pa kaya yun? Paano ko gagawin ang Air blad- Wait.

Sana may blades na tumama sakanya at dumugo ito!

May malakas na hangin ang humampas kasabay ang pagdaing ni Kent.

Hindi kaya ako din ang may gawa nung air blades? Kaso hindi ko naman intensiyon yun eh. Try kaya natin yung sa hangin baka sakaling magawa ko.

Nagfocus ako sa paligid at pinapakiramdaman ang pressure ng air, kasabay nun ang paglakas ng hangin sa paligid namin ni Kent. Tinry kong atakihin ang isang puno na malapit saamin at pinatamaan ang sanga, walang kahirap-hirap itong naputol. Napalaki ang mata ko sa nakita. OMG! May kapangyarihan na ako! Napatingin ako kay Kent at ngumiti ng napakalawak.

"Kent! Nakita mo ba yun?! May kapangyarihan na ko!" Sabi ko ng tuwang-tuwa. Ang saya-saya ko dahil lumabas na din siya! Matagal ko ring hinintay na lumabas sya, sa wakas!

"Good to hear that, pero gamutin mo muna ang sugat ko." Ginulo ni Kent ang buhok ko at ngumiti.

Nagfocus naman ako sa sarili ko at pinakiramdaman ang enerhiyang dumadaloy sa katawan ko. Naglabas ako ng apoy sa palad ko at ginawa itong asul na apoy. Nung naging asul na siya itinapat ko ito sa mga sugat niya sa katawan. Ilang minuto din bago ko natapos.

Nakakapagod pala manggamot. Tumayo na si Kent at pinagpag niya ang damit niya. Inabot niya ang kamay niya para tulungan akong tumayo, tatayo na din sana ako nung naramdaman ko ang sobrang panghihina. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Kent para pangsuporta.

"Are you okay?" Tanong niya.

Tumango lang ako at tinry ulit tumayo ng maayos kaso nanlalambot talaga ang tuhod ko kaya napaupo nanaman ako.

"Ah shit! I forgot!" Pamura nitong saad. Dahan-dahan niya akong binuhat ng papiggyback ride.

"Sleep Cass, you're tired" sabi ni Kent habang naglalakad na siya papuntang dorm, dahil sa sinabi niya unti-unti kong naramdaman ang pagbigat ng talukap ng mata ko.

***

Kaway sa mga Team Kent diyan!

Yung mission na po siguro yung next chapter. Typos and Grammatical Errors :) Salamat sa pagbabasa, vote and comment po

My Secret FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon